"EVERYTHING is clear. Walang dapat ipag-alala," parang walang kabuhay-buhay na report ni Francis kay Marisa. Kakatapos lang nitong libutin ang buong condo unit niya. Mag-isa lang ito dahil hindi na niya gustong mambulabog ng guards sa condo building. Hindi rin kasi puwede. Kapag ginawa niya iyon ay magiging gulo pa iyon. Kilala siya sa building. Isa pa, alam na naman niya na naka-undercover si Francis. Responsibilidad nito ang kaligtasan niya.
"Oh, okay. Thanks," sagot ni Marisa kahit hindi siya ganoong kumbinsado. Mukhang masama ang pakiramdam ni Francis. Magagawa ba nito nang maayos ang trabaho nito kung masama ang lasa nito?
Pansin niya na magulo ang mukha ni Francis. Namumula ito. Nang kaninang magkadikit sila ay naamoy rin niya ang alak sa katawan nito. Malayo iyon sa disenteng Francis na unang nakilala niya. Magulo rin ang dati ay palaging maayos na buhok nito. "Pero mukhang sa 'yo yata dapat may ipag-alala."
Napalingon ang nakatalikod na si Francis. "It's nothing you should worry about."
"But I feel that I have the need to worry..." Hindi naman napigilan na sabihin ni Marisa.
Nang makita ang lagay ni Francis ay nawala na ang pag-aalala niya sa kalagayan niya. Ewan niya kung napa-paranoid lang siya o ano kanina. Nakarinig ng pagkalabog habang nasa unit siya. Kinabahan siya dahil ganoon ang nangyari sa kanya noong ma-hostage siya. Nakarinig siya ng malakas na kalabog at nawalan ng malay. Nang maggising siya ay nasa poder na siya ng mga taong nang-hostage sa kanya.
Pero ayon sa imbestigasyon ni Francis, ang nangyaring pagkalabog ay dahil sa kalapit unit niya. Sumabog daw ang isa sa appliances nito.
Hindi nagsalita si Francis. Tinitigan lang siya nito.
Bumuntong-hininga si Marisa. "Masyado ba akong naging rude sa 'yo nitong nakaraang araw kaya ka ganyan?"
Bumuntong-hininga rin si Francis. "Sinabi ko na sa 'yo na wala kang dapat ipag-alala sa akin. Ang pinagdadaanan ko ngayon ay walang kinalaman sa 'yo."
"Pero nawalan ka na ba ng tiwala sa akin kaya nilalayuan mo ako? Kaya ayaw mong sabihin sa akin?"
"Marisa..."
Umupo si Marisa sa sofa ng unit niya. Pinalo niya ang katabing space. "M-magkaibigan tayo 'di ba?"
Tinitigan lang ulit siya ni Francis.
Lumabi si Marisa. "Ikaw ang palaging nagsasabi noon. Bakit ngayon ay parang hindi mo feel? Well, may fault na nga siguro ako. But I'm sorry. Mapapatawad mo na ba ako?"
"I told you, it's nothing to do about you. Matutu---" Nang muling lumabi si Marisa ay natigilan si Francis. "Stop doing that."
"Pabebe ako, Francis. Walang makakapigil sa akin," muling lumabi si Marisa.
"Ang kulit mo pa rin talaga," wika ni Francis pero napangiti rin naman niya. Doon niya masasabing may benefit rin talaga ang pagiging maarte niya. Sa halip na kainisan, mukhang natuwa pa si Francis roon.
Naging maganda ang ngiti ni Marisa. Masaya siya na napangiti niya ang lalaki. "Come on. Spill it out. Ikaw ang tipo ng lalaking hindi mahilig mag-inom. Hindi ka magagalit noong pumunta ako sa bar kung ganoon ka. Surely, there is something wrong."
Sa huli ay napapayag rin niya na umupo si Francis sa tabi niya. "I just found out that my girlfriend cheated on me."
Sandaling natulala si Marisa sa mukha ni Francis. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito. "A-and it hurts so bad for you to lose yourself?"
BINABASA MO ANG
International Billionaire's Batch 2: The Wannabe Series : Francis Valencia
RomanceIsang sikat na international model si Marisa Ferreira. Bahagi ang kanyang ama ng isang sikat na grupong tinatawag na "International Billionaires." Nasa kanya na halos ang lahat. Pero sobra siyang nasaktan nang bukod sa niloko ng boyfriend, pina-kidn...