15

112 8 0
                                    

IT was so good to be in love, pakiramdam ni Francis ay nasa alapaap siya sa loob ng mga nakalipas na araw. Napakasaya niya. Gusto rin siya ni Marisa. Gusto nila ang isa't isa.

Hindi na maalala ni Francis kung kailan siya huling naging ganito kasaya. Nakakapagtaka. Kahit kay Danica ay hindi naman niya naranasan ang ganoong klase ng saya. Para siyang nasa langit. Maybe, he really fell in love. Wala na rin naman siyang nakita na masama. Dahil sa nalaman niyang panloloko sa kanya ni Danica, hiwalay na sila. Pumayag naman kaagad ito nang magkausap sila sa telepono.

"Pare, nakita ko ulit si Danica." Ang tawag lang na iyon ni Ritter ang muling nagpagulo sa maayos na damdamin ni Francis. "Hindi ako makapaniwala. Hindi ko lubos maisip na siya ang naging girlfriend mo dati. Kilala ko naman siya. She's an angel. Pero mukhang ngayon ay naka-drugs yata,"

"'Wag na natin siyang pag-usapan." Past na si Danica. She should never been discussed.

"Naliligalig ako, Pare. Nakita ko na naman kasi siya sa bar kung saan may gig ako ngayong gabi. Napaka-wild na naman. Tapos iyong kasama niya, yuck! Matanda na!"

"Iyong pinalit niya sa akin?" umingos si Francis. "I don't care anymore."

"Alam kong masaya ka na." Naikuwento na ni Francis sa mga kaibigan ang tungkol sa kanila ni Marisa. Masaya ang mga ito para sa kanila. "Pero sana naman ay huwag mong kalimutan kahit papaano si Danica. Ewan ko, pero pakiramdam ko, nasa panganib siya..."

"Kapag nalaman ni Marisa na pinahahalagahan ko pa rin ang ex-girlfriend ko, baka magalit iyon. Ayoko na mangyari iyon."

"Naiintindihan ko. Pero namumukhaan ko kasi iyong kasama niya palagi. Parang kilalang business man. Kamukha ni Ricardo Castro..."

Sa narinig na pangalan, doon lang nagkaroon ng interes si Francis sa usapan.

International Billionaire's Batch 2: The Wannabe Series : Francis ValenciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon