Three Months Later
BATA pa lang si Marisa ay ramdam na niyang ipinanganak siya para maging sikat. Idol niya ang Daddy niya. Alam niyang mana rin naman siya rito. So being an international model was never a dream come true. She always knew she would be that big.
Masaya si Marisa sa naging tagumpay niya. Thankful rin siya roon. Pero siguro nga, lahat ng bagay ay may katapusan. Kahit naman ang Daddy niya ay narating na rin ang katapusan sa modelling career nito. At ngayon, pakiramdam niya ay narating na niya iyon.
Hindi na masaya si Marisa. Pinili niyang i-focus ang isip niya sa mga bagay na nagpapasaya sa kanya sa loob ng tatlong buwan. Iyon rin ang payo ng Daddy niya. Bumalik siya sa kanyang modelling career. She was very welcome on it. Nagsunod-sunod ang projects niya. Bigatin pa ang iba. Pero gaano man kalaking pera at rangya ang nararanasan niya, pagod sa halip na saya o kahit satisfaction man lang ang nararamdaman niya.
Ngayon ang isa sa mga biggest fashion kung saan main model si Marisa. Sa New York ginanap ang Fashion Show---ang lugar kung saan siya halos nanatili rin sa loob ng tatlong buwan. Naging malakas ang palakpakan nang maglakad siya. Naalala niyang palagi siyang napapangiti kapag ganoon. Pero hindi niya maggawa ngayon. Kahit pilit na ngiti ay walang lumalabas.
"I want to quit." Nang matapos ang fashion show ay kinausap ni Marisa ang manager.
As expected, nagulat ang manager. Nagalit rin ito. "No, Marisa! You're one of the brightest star in the modelling world! I can't let you go!"
"You can't make me stay in this world. I'm not happy anymore."
"What you would do then?"
Nagkibit-balikat si Marisa. "Being the daughter of one of the wealthiest person in the world, finding a new career would be very easy for me..."
Hindi pa rin matanggap ng manager ang desisyon ni Marisa. Inis na iniwan siya nito sa dressing room na para lang sa kanya. Muling nagkibit-balikat si Marisa. Kilala na naman siya ng manager niya. She was the typical rich daughter. She always gets what she wants.
Not always, Marisa... bulong ng isang bahagi ng puso ni Marisa. Pero dahil roon ay lalo lang na nalungkot siya.
Iniisip ni Marisa na baka kaya siya tinatabangan sa career ay dahil depress pa rin siya. Hindi nag-work out ang relasyon nila ni Francis. Hindi siya pumayag sa gusto nito. Napagod rin naman ito. Hindi na siya nito kinulit muli.
Masakit para kay Marisa iyon. Minahal nga talaga niya si Francis. Nasaktan siya na basta na lang siya nito iniwan. Ni hindi man lang siya nito pinaglaban. Maybe she was just a rebound for him. Or worst, she was just a job.
Pero walang dahilan para ma-depress si Marisa. Palaging naka-alalay sa kanya ang pamilya. Lalo na ang kanyang Daddy. Sa katunayan, palagi nga niya itong kasama. Ngayong araw nga lang ay hindi dahil may importante itong lakad kasama ang Mommy niya. Inihatid lang siya ng ama papunta sa fashion show. Susunduin na lang daw siya nito pagkatapos noon.
Sa ngayon, hinihintay na lang ni Marisa ang Daddy niya kaya siya nanatili sa dressing room. Hindi naman siya nagrereklamo sa paghihintay. Kilala siya ng Daddy niya. Hindi siya sanay ng naghihintay. Hindi nito hinahayaan na mainip siya. Maya-maya rin ay alam niyang darating rin ito.
Tama naman ang hinala ni Marisa. Wala pang limang minuto nang makalabas ang manager niya ay may kumatok sa pinto. She shouted the agreement to enter. Mula sa malaking salamin ng dressing room ay nakita niya ang malaking pumpon ng yellow tulips---her favorite flowers. Sa laki noon ay natatakpan noon ang itaas na bahagi ng nagdala.
Madalas na binibigyan lang siya ng Daddy niya ng ganoong bulaklak kapag birthday niya. So today, she felt kind of special.
"Oh my! Thank you so much! Napakaganda nila..."
Marisa's father was so sweet. He was the best father in the world. He was also her most favorite person. Hindi siya nagkamali na ito ang inidolo niya.
Kinuha ni Marisa ang bulaklak. Mabilis rin na binigyan niya ng halik ang Daddy dahil sa saya.
"Missed me so much, Babe?"
Sa sobrang excitement, hindi na pinansin ni Marisa kung tama nga ba talaga ang hinala niya. Kaya nawala rin naman ang excitement niya nang mapagtantong mukhang mali siya. Unti-unti rin na gumapang ang kilabot sa katawan niya.
Ngumiti ang lalaking nagdala ng bulaklak. "Kumusta ka na, Marisa?"
Matagal na natulala lang si Marisa sa halip na ama, si Francis ang nakita niya na nasa likod ng magagandang bulaklak.
BINABASA MO ANG
International Billionaire's Batch 2: The Wannabe Series : Francis Valencia
RomanceIsang sikat na international model si Marisa Ferreira. Bahagi ang kanyang ama ng isang sikat na grupong tinatawag na "International Billionaires." Nasa kanya na halos ang lahat. Pero sobra siyang nasaktan nang bukod sa niloko ng boyfriend, pina-kidn...