Chapter 6

179 5 0
                                    

NAGTATAWANAN sina Alvaro at Ceejay dahil sa mga nangyari nang araw na iyon sa Divisoria.

"Nalito ang kawawang Intsik nang magsalita ka. Biro mo, mukha kang foreigner, 'tapos, Batangueño accent?" Napapailing pa si Ceejay.

"Kasi naman siya, eh. Masyadong mahal ang presyong ibinibigay sa akin."

"Nakita mo ba na lalong nataranta ang matandang Intsik nang makita ang sira-sira mong wallet? Saan mo ba nakuha 'yong props na 'yon?"

"Nakita ko sa side table sa driver's area kaya hiniram ko muna. Malamang, pinaglumaan ni Mang Meliton," sagot ng binata na amused na amused sa sariling effort na maging makatotohanan ang karakter ng isang ordinaryong mortal.

"You mean, talagang desperado kang panindigan ang gusto mong mangyari?"

"I guess." In-adjust ni Alvaro ang upuan ng taxi na kanilang sinasakyan at saka inilagay ang mga palad sa likuran ng batok nito. "Ewan ko kung bakit, pero masaya ako sa ginagawa ko."

"Hindi ka ba natatakot na madiskubre ng media ang iyong mga adventures? Baka pagtawanan ka?"

Lumingon sa likuran ng taxi ang binata. "Sa dungis ko, I don't think so. Lalo pa nang iniba ko ang ayos ng aking buhok at pananamit. Don't forget na hindi ka rin makikilala dahil macho ang image mo, just like the first time I met you." He seemed to have said it with so much relish na tila isang kamay na humahagod sa kanyang puso. Mabuti na lamang at bumaling ito sa dinaraanan, kung hindi, mabubuko ang kanyang nadarama sa mga sandaling iyon.

Hindi niya sukat akalaing darating sa ganito ang kanilang pagsasama na tila matagal nang magkaibigan. A man of great stature, magtitiwala sa kanya? At kung iisipin, kumikita na siya, nasisilip pa niya ang mundo ng mga mayayaman na tulad ng mga Soriano. Above all, kasama niya ang binatang laging laman ng kanyang isipan. Sobra-sobrang biyaya talaga!

Hindi lang siya ang nag-isip ng ganoon. "Suwerte ko, taxi mo ang napara ko. Kung hindi, hindi sana ako masaya ngayon." Hindi lamang isa kundi dalawang ulit pumalya ang tibok ng puso ni Ceejay. At nang tumuloy muli, para namang mga kabayong nag-uunahan. Sana, tuluyan nang ma-addict sa kanya ang amo. Kahit sa pangarap, gusto niyang ma-enjoy ang isiping puwede siyang maging Celestina Mascardo-Soriano. Astig na, sosyal pa ang dating ng kanyang pangalan.

Hindi niya namalayang ibinalik na muli ni Alvaro ang pagkakatitig sa kanya. Napalunok siya na tila isang batang nahuling nagnanakaw ng kendi sa garapon. Bakit ba ganoon na lamang ang pakiramdam niya sa tuwing nakapako ang mga matang iyon sa kanya?

"Ikaw ba, nag-e-enjoy?" tanong nito.

Hindi nagdalawang-isip ang dalaga sa kanyang sagot. "Of course, dahil hindi lang puro trabaho kundi may fun pa. Wala na yata akong mahihiling pa sa buhay."

Bumakas ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni Alvaro. "I'm glad." At saka binalingan ang driver ng taxi. "Ma, ipasok mo sa condo na 'yon."

Tuwang-tuwa ang driver nang abutan ito ng tip ng binata. Talagang hindi maramot si Alvaro, sa loob-loob ni Ceejay.

"Tulungan mo naman akong ayusin ang mga ito." Isinara ng binata ang pinto ng taxi.

"Samahan mo na tuloy akong mag-dinner."

"Hindi ako tatanggi."

"May m-in-arinate akong beef d'yan. Madali namang lutuin 'yon."

"Kung gusto mo, ako na ang magluluto para sa 'yo."

"Be my guest."

INAAYOS ng dalawa ang maraming pinamili sa sala.

"Hindi ko alam na sobrang mura sa Divisoria," anang binata.

Driver Ko, Mahal Ko - Kooch MapuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon