Epilogue

284 10 0
                                    

Nagkakagulo ang magbabalae sa kung sino ang magbubuhat kay Alvaro Juan Soriano IV.

"Ang puti-puti ng apo ko," ani Mang Arcanghel.

"Buti na lang, hindi nakuha ang kulay-champorado mong balat," tudyo naman ni Aling Binay.

Umiyak ang sanggol kaya nakiagaw na rin si Agatha. "Que paso? Come to abuela, hijo."

"Sino raw ang napaso?" bulong ng matandang lalaki kay Alvaro.

"Wala hong napaso, Itay. Ang ibig sabihin n'on, anong nangyari sa 'yo?"

"Ah."

"Ipagyayabang ko sa mga kalaro ko na may pamangkin akong 'Merkano," ani Butchok.

Ang dalawang teenagers naman na sina Carol at Mila ay panay ang pangarap na magkaroon din sila ng ganoon kasinggandang kapalaran.

"Balae, ako naman," reklamo ni Aling Binay.

"Ops, Inay, ako naman ang bubuhat sa aking anak," si Ceejay.

"Carol, dali, kunan mo ng litrato sina Manang mo, o."

Umupo sa hospital bed si Alvaro at inakbayan si Ceejay na hawak naman ang kanilang panganay.

Bago kumislap ang flashbulb, mabilis na hinawakan nito ang mukha niya at biglang hinalikan.

"Ay, ang sweet!"

Masayang-masaya si Ceejay dahil lahat ng kanyang pinangarap ay kanyang nakamit, pati na rin ang matawag na "Celestina Mascardo-Soriano". Sosyal na, astig pa!


Wakas

Driver Ko, Mahal Ko - Kooch MapuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon