Chapter 9

238 5 0
                                    

Nang mga sumunod na araw, naging busy si Ceejay at si Alvaro sa mga schedules na nauukol sa pagla-launch ng Agatha Collection. Nagpa-press release na rin ang mga Soriano hinggil sa bagay na iyon.

Galit na inihagis ni Eunice ang diyaryo sa harapan ni L.A. "Ano, patatalo ba tayo sa dating driver lang, ha?"

"Hmmm, maganda ang Celestina Mascardo na iyon, ah. Very exotic ang beauty."

"Leche!" Napatayo ang babaing yamot na yamot sa sitwasyon. Para kasing ibinalik ni Alvaro ang insultong ginawa nito. Isang driver lang ang itinapat sa yaman at kagandahan nito.

"Kung lalampa-lampa ka, hindi ko ibibigay ang hinihingi mo sa akin full payment mo at ang maangkin mo ako at mahalin kita!"

Isang matunog na halakhak ang pumaimbulog sa ere.

"Shit! Bakit mo ako pinagtatawanan, ha?" Parang tigreng sumugod si Eunice dito. "What's taking the releases? Tell me."

"Calm down, honey, nag-uumpisa pa lang uminit ang campaign ng Esper, nagkakaganyan ka na. Sige ka, baka magka-wrinkles ka sa kakasimangot, matatalo ka talaga ng Celestina na iyon."

Kumilos ang isang kamay ni Eunice na mabilis namang nasalag nito. "Don't you dare!"

Bayolenteng kinabig ni Eunice si Lord Allan ngunit mabilis naman nitong hinila papalapit dito ang nagwawalang babae.

"Trust me." Pagkatapos, siniil nito ng halik ang magandang modelo.

Kumawala naman agad ang babae at saka diretsong tinitigan ito sa mga mata. "I will, but show me!"

"Ah, ah, this time, if you want to win the game, you've got to show me first." Sanay sa laro ng buhay si Lord Allan. Batid nitong sa ganitong paraan, it was like shooting two birds with one stone. Hawak na nito si Eunice, nabalikan pa nito si Alvaro.

"Kung ipapangako mong akin ang limelight at paghanga ng madla." Nanghahalina ang mga mata ni Eunice.

"I promise," paniniguro ng binata sabay ni-lock nito ang pinto ng opisina.

ILANG araw pa lamang ang nagdaan mula nang matapos magpa-press release at gumawa ng commercial si Ceejay, ay sunud-sunod na promotions at TV appearances na ang nilabasan niya. Kadalasan ay naroroon si Alvaro kung hindi naman, si Mila. Ikinuha na kasi nito ng makakatulong ang ina ng dalaga upang ang pinsan ang magsilbing chaperone ni Ceejay sa tuwing hindi ito puwedeng sumama.

Samantala, hindi nagpatalo ang Villaseñor and Associates. Nakipagsabayan sa ad campaign ng Sacki Ad Agency na siyang may hawak ng account ng Agatha Collection. Nagtatagisan ng galing at nag-uunahan sa mga marketing strategies ang mga ito. Kahit inilantad ni Eunice sa press ang tungkol sa pagiging dating driver ni Ceejay, taliwas sa inaasahan ang naging resulta nito. Lalo pa siyang hinangaan at napamahal sa publiko. Nadagdagan ang galit sa dibdib ni Eunice na noon ay higit ang hangaring wasakin si Alvaro sa pamamagitan ni Ceejay.

Lumabas ang malalaki't magagandang billboards ni Eunice na natabunan naman ng ginawa ng Sacki para kay Ceejay.

Naisip na tuloy ni Eunice na mas maganda ang labanan kung pati sa personal na bagay ay tiryahin na rin nito si Ceejay.

ISANG malaking refrigerator ang ipinapasok sa bahay nina Ceejay. Tuwang-tuwa naman si Aling Binay.

"Naku, anak, ke laking suwerte ito, ah."

"Kaya nga patigilin na natin si Itay sa pagpapasada. Kumuha na lang tayo ng driver para hindi na siya mapagod. Tutal, kaya ko na namang paaralin ang aking mga kapatid. Magbukas na lamang tayo ng gotohan sa harapan ng ating bahay. Tutal masarap, kayong magluto no'n at masarap din naman ang tokwa't baboy ni Itay. Magtulungan na lang kayo para hindi na lumalabas pa ng bahay si Itay."

Driver Ko, Mahal Ko - Kooch MapuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon