Chapter 24

66 10 0
                                    

Chapter 24

Yakap ko ang sarili ko habang nakatingin sa labas. Sobrang lakas ng ulan at pumapasok na ang tubig sa bukana ng CM. Pinoproblema tuloy namin kung paano kami makakauwi. Wala kaming dalang payong at wala rin kaming mahanap na nagbebenta rito.

“Malayo ba yung sakayan ng tricycle rito?” tanong ko at hindi ko na napigilan pa ang mga labi ko sa pag-galaw. Sobrang lamig! Nagaya na ako kay Monique.

“Yes. We can't go there without umbrella. Pero mababasa pa rin tayo kahit meron tayong payong.” said Arkanghel.

Yeah. He is right. Talagang mababasa kami kahit meron kaming payong dahil sa sobrang lakas ng ulan. Medyo lubog na nga ang parking lot at tumatalsik ito papunta sa loob kaya naging madulas ang entrada. Delikado ito lalo pa't tiles ang sahig.

“Mukhang mawawalan ka ng yaman,” natatawang ani Allison kaya napakamot siya ng ulo.

I remember his phone! Kapag hindi kami nakabalik bago mag alas diyes ay hindi niya na makukuha yung phone niya. Pero hindi na ba talaga? Baka sa sobrang takot nung gwardiya ay sya pa mismo ang magbalik non sakanya.

“I’ll just call kuya,” desididong pagsabat ni Theo kaya napalingon kami sakaniya.

He took off his phone out of his pocket at mabilis na nagdial. Hindi ako makalunok habang nakatingin sakanya. At nang tuluyan na niya itong sagutin ay nag-iwas na ako ng tingin. Bakit ako kinakabahan? Hindi ko naman maririnig ang boses niya.

“Nasa CM kami. Wala kaming masakyan, malakas ang ulan.”

I swallowed hard again. Ramdam ko ang pagtitig sa'kin ng dalawa. Siguro iniisip nila na ako dapat ang tumawag sakanya at hindi ang kapatid nya. But guys we're not in a good terms right now! Ni hindi ko nga alam kung ano na kami ngayon. Ang sakit sakit sa ulo.

Asawa pa ba nya ko? Hindi ko na alam. Gusto pa ba nya akong makasama? Hindi ko rin alam. Babalik pa ba kami sa dati? Mas lalong hindi ko alam!

“Hanggang 10 lang dapat kami. But I think we can wait here bago mag 12?” sabi nito at tumingin samin.

“Paano yung cellphone ni Arkanghel?” kunot noong tanong ni Allison kaya napatingin kami kay Kahel.

Nagkibit lang siya ng balikat. Parang wala naman siyang pakialam.

“That’s not a problem. Evangeline needs to go home before one. Pero hindi natin alam baka pauwi na ngayon si Tito. We need to come back as soon as possible.”

Tama siya. Baka pauwi na ngayon si Papa sa sobrang lakas ng ulan. Ganoon yon noon pa man. Kapag ganito ang panahon ay uuwi talaga siya kahit gaano pa kaimportante ang lakad niya.

“Ahh.. yeah.”

Napalingon ulit ako kay Theo. Mariin ang tingin niya sa'kin habang nakikinig sa kabilang linya. Napalunok ako.

“You didn't ask… Just continue your meeting. Hihintayin nalang namin tumila ang—” dahan dahan s'yang ngumisi habang nakatingin parin sa'kin. “I though that meeting is important?”

Nag iwas na ako ng tingin. Mukha naman siyang tanga. Creepy.

“Under ka talaga.” saad niya at ilang sandali lang ay narinig na namin siyang nagpaalam sa kausap.

“Anong sabi?” Allison asked immediately.

“On the way na,”

My eyes immediately flew to him because of that. Kunot ang aking noo sa kaguluhan. Akala ko ba may meeting siya? Adik yon sa trabaho kaya hindi yon basta-basta maiistorbo.

“D-Diba may meeting s'ya?”

He smirked evilly.

“My wife is there idiot. Who cares about the meeting?” aniya at pilit na ginaya ang boses ni Timothy kaya umawang ang labi ko.

Beyond Skin DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon