Chapter 28

82 11 0
                                    

Chapter 28

Sobrang bigat ng mga mata ko maging ng katawan ko. At kahit hindi pa ako nagsasalita ay ramdam ko na ang pananakit ng lalamunan ko. Para akong pinarusahan dahil sa sakit ng katawan ko.

I tried to move but I cannot even move my fingers. I also can't speak. Kahit anong pilit kong magsalita ay walang lumalabas na boses sa bibig ko. Sobrang sakit ng lalamunan ko at ramdam ko ang panunuyo nito.

Dumilat ako ng konti pero agad ding pumikit nang masilaw sa liwanag. Daig ko pa ang paralisado.

Someone moved beside me and I know it's Timothy. At kalaunan ay narinig ko ang boses niya.

“Gising ka na?” bulong niya kaya dahan dahan akong dumilat ulit.

He covered our bodies using the blanket kaya malaya kong nabuksan ang mga mata ko. At kahit sobrang sakit na ng katawan ko ay nakuha niya pa akong daganan. Hindi na talaga siya naawa sa'kin.

Bumuntong hininga ako at pumikit ulit. Para akong pinapatay.

“Lubayan mo ko. Sobrang init.” nanghihinang bulong ko at natawa naman siya pero kalaunan ay tumalima rin sa utos ko.

Inalis niya ang kumot na nakatakip sa buong katawan namin kaya kinilabutan agad ako dahil hubo't hubad pa ako!

Dumilat ako at tinignan siya ng masama. He is staring at my naked body!

“Ibalik mo yan. Sisipain kita.”

“I thought it's hot?” kunwaring tanong niya kaya mas lalong tumalim ang tingin ko sakanya. Ang aga-aga pinapainit niya ang ulo ko.

“Lumayas ka nga!” pagtataboy ko at kahit masakit ang katawan ay kinuha ko ang kumot para ibalot ulit ang katawan ko. “Masakit ang buong katawan ko hayop ka. Wag ka munang magpakita sa'kin.”

Humalakhak siya. “Is that your way to say that you liked it?”

Inirapan ko siya at bumaling sa kabilang banda ng kama. Inaantok pa ako, bahala siya sa buhay niya.

Kahit masarap sa pakiramdam, hindi na siya makakaulit. Sakanya walang epekto pero muntik ko nang ikamatay ang nangyari kahapon.

Ilang beses siyang umulit sa mansion ng mga Velasquez at umisa ulit siya nang makauwi kami rito sa bahay nila. Madilim na nang nakapagpahinga ako ng tuluyan.

“I cooked you a breakfast. You want to eat?” bigla ay tanong niya at humiga ulit sa tabi ko.

Yumakap siya mula sa likuran ko at sumilip mula roon. Nanatili naman akong nakapikit.

“I also bought you a Jollibee meal,” dagdag niya dahilan para mapamulat ako at bahagyang nilingon siya.

“Galing kang Manila?” gulat na tanong ko dahil doon lang naman siya makakabili non. Wala namang Jollibee rito sa isla at sa katabing bayan nito.

“Uh-uh. I had an urgent and very important meeting there last night.”

So iniwan niya ako rito kagabi ng mag-isa? At bakit ang bilis niyang nakarating? Gumamit siguro ng helicopter ‘to. Hindi malabo na meron sila non dito dahil sa yaman nila. Kahit barko ay kaya nilang bilhin.

“Bihisan mo muna ko,” sabi ko at nag iwas ng tingin dahil nahihiya akong sabihin sakanya na hindi ako makagalaw. Para niya akong binugbog. Daig ko pa ang battered wife sa ginawa niya.

Tumango siya at naglakad palapit sa closet niya. Kumuha siya ng t-shirt at wala ng iba. Walang ibang saplot? Parang hubad na rin ako nyan.

Aangal na sana ako pero natigil nang lumapit siya sa sofa at may kinuha sa loob ng paper bag na may tatak ng sikat na brand. Lumapit siya sa'kin at iniabot iyon kasama ang t-shirt na hawak niya.

Beyond Skin DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon