Chapter 10

71 15 0
                                    

Chapter 10


Kinabukasan ay naging abala ako sa pag-aayos at paghahanda para sa pagdating ng mga kaibigan ko. They called me last night and they were already riding the only ship available in Casa Carlota at malapit na sila sa pier kaya maaga akong nagising dahil alam kong maaga silang pupunta rito sa bahay bago tuluyang pumunta sa rest house ng boyfriend ni Monique kung saan sila mag-stay ng 5 days.



Nasabi ko na kay Timothy ang tungkol sa pagdating nila kaya nagdesisyon sya na pumasok ng maaga para makauwi rin siya ng maaga. Alas singko palang ata ay umalis na sya ng bahay at tumulak na sa trabaho kahit sobrang lakas pa ng ulan.


“Nasa kusina po s'ya,”



It was 8 o'clock in the morning when they arrived. Pagpasok palang nila ay nag-ingay na ang buong kabahayan. Si Monique na OA at excited para mamaya, si Martina na may anger issue at galit na naman sa pagiging hyper ng kaibigan, at si Allison na walang imik at pinagmamasdan lang ang buong kabahayan.



Lumabas ako sa kusina na may suot pang apron. I just baked some cookie dahil yon palang ang alam kong lutuin ngayon bukod sa pritong itlog at hotdog.



“Wow! Misis na misis ang dating ah?” biro ni Monique nang makita ako.



Isa isa ko silang niyakap bago ko napagtuunan ng pansin ang sinabi niya.



“Dami mong alam,”



Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay ang sala naman ang pinagtuunan niya ng pansin.



“Kailangan nyo nang gumawa ng anak Evan. Kawawa itong bahay, sobrang tahimik.”



Inupakan ko nga.



Anong anak na naman ba ang pinagsasabi nito? Bakit ba atat na atat silang magkaanak ako?



“Kumain na nga kayo. Kung ano anong pinagsasabi mo d’yan.”



Iginaya ko sila sa kusina kung nasaan si Lilly na inaayos ang hapag. Halos si Monique lang ang nagsasalita samin habang ang dalawa kong kaibigan ay panay lang ang pagsaway sakanya.



“Sobrang ganda naman ng bahay n'yo. Magkano ba pag ganto?”



Jusko. Bakit ba ang random ng babaeng 'to?



“Bakit? Magpapagawa ka?” mataray na tanong ni Martina.



She smirked. “Pikutin ko muna si Josh.”


“Kawawang koreano, sa dinami-dami ng babae bakit sayo pa yon napunta?”



“Alangan naman sayo.”



Umiling nalang ako at ako na mismo ang nag ayos sa pagkain nila. Panay ang sulyap sa'kin ni Allison kaya pinagtaasan ko sya ng kilay.



Kung ano ang ikinaingay ng dalawa, sya namang ikinatahimik niya.



“Where's Timothy?” tanong niya.



Natigil naman ako sa pagsandok at tumingin sa dalawa kong kaibigan.



Oo nga pala. Hindi ko pa napapakilala sa kanila si Timothy ng maayos.



“Nasa work pa sya, e. I'm sorry if I can't introduce you to him.”


“Okay lang Evan. Itago mo nalang sya kay Allison, baka mawalan ka pa ng asawa.” biro ni Monique.



But it's not just a joke for me, knowing that they have history. Pero kilala ko si Allison, she's my friend kaya alam kong hindi niya yon kayang gawin sa'kin. Unless kung si Timothy na mismo ang may gusto non. Hindi ko naman sya mapipigilan.



Beyond Skin DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon