Ziah
Napaigtad ako nang marinig ko ang malakas na pagtawag sa akin ni Yvar mula sa walk-in closet nito. Agad na iniwan ko ang pag aayos ng kama para puntahan ito.
Naabutan kong wala itong damit na pang itaas at tanging pantalon na itim ang suot. "Di ba sinabi ko na huwag mong ihalo ang mga damit mo sa lagayan ko?!" He angrily said when he look at me. "Doon ang sa'yo at hindi rito", irita pa nitong sabi sabay turo sa kabilang cabinet na alam ko naman.
Lumapit ako sa kabila ng takot ko sa nakikitang galit nito. "S-Sorry. Hindi ko napansin na napahalo pala 'yung iba rito", may nerbyos kong sagot sa kanya at nagmamadaling kinuha ko ang ilang nakasingit na damit ko sa lagayan nito.
Nang tiklupin ko ang mga nilabhang damit ay hindi ko namalayan na may ilan pala roon ang napasama sa mga damit nito dahil sa pagmamadali kong matapos ang iba pang mga gawaing bahay.
Ayaw na ayaw pa naman ni Yvar na may iba sa mga gamit nito. Kahit mag asawa na kami ay bukod talaga ang lagayan ko sa kanya dahil iyon ang gusto nito. Umpisa palang nang lumipat ako rito ay sinabi na nya iyon sa akin.
Kahit nga sa mga kasangkapang gamit nito rito sa kanyang mansion ay wala raw akong karapatang pakialaman o palitan ang alinman sa mga iyon. Wala namang problema sa akin iyon dahil hindi ko namang ugaling makialam ng gamit ng iba kahit pa sa asawa ko.
Iniisip ko na lang na kaya nya sinabi iyon ay dahil siguro hindi pa rin nag si-sink in sa utak nitong mag asawa na kami. Kaya hindi madali para ritong may mabago sa nakasanayan na nito.
Para rito ay binata pa rin ito.
Enjoying his bachelor life to the fullest!
Na siyang sinira ko...
Natigil iyon nang dahil sa biglang pagdating ko sa buhay nito.
I sighed.
Nang makuha at matiyak kong wala nang mga damit ko ang nasa damitan nito ay tahimik na binalingan ko ang cabinet na siyang pinagamit nito sa akin. Inilagay ko iyon doon at muling binalikan ang kama.
Hindi ko na nilingon pa si Yvar na kasalukuyang pumipili pa ng isusuot na damit.
Matapos kong ayusin ang sapin ay inayos ko naman ang pagkakalagay ng mga unan. Umayos ako ng tayo at nalingunan ko si Yvar na bagong bihis na. Pormado at mukhang may lakad na naman.
Tumikhim ako.
"Wala kang pasok ngayon sa trabaho, di ba?", umpisa ko na ikinalingon nito sa akin habang sinusuot ang relo.
Bahagyang kumibot ang mga kilay nito bago binalik ang atensyon sa ginagawa. "Wala nga...", sagot nito sa nababagot na boses.
"Saan ka pupunta?", maingat kong tanong dahil aware naman ako na ayaw nyang inuusisa pero gusto ko lang malaman. Sabado kasi ngayon at alam kong hindi sa opisina ang tungo nito.
"Bakit gusto mo pang malaman? Dito pa rin naman ako umuuwi", he said while intently looking at me na ikinailang ko. Sa paraan ng pagtitig nito sa akin ay para bang gusto nitong maglaho na lang ako na parang bula.
"N-Nagtatanong lang naman ako...", sabay hinga ko ng malalim. Sa tuwing kausap ko ito ay lagi na lang akong nangangapa ng sasabihin. Iyong magkamali lang ako ng kaunti ay ang galit na nito agad ang sasalubong sa akin. Kaya laging may pag iingat sa bawat salita ko, eh.
"Nakahanda na ang almusal mo. Kumain ka muna bago umalis", saad ko nang hindi na nito ako sinagot pa. Parang waste of time para rito na kausapin pa ako.
"May pagkain sa pupuntahan ko. Doon na lang ako kakain", he said after spraying perfume on the side of his neck and on both side of his wrist then he hurriedly walk outside his room na parang wala ako roon.
BINABASA MO ANG
Sun and Sky (On Going)
Romance"Don't expect me to love you. I never wanted this marriage in the first place!", he coldly said that made my heart bleed in pain. I blink my eyes to prevent my tears from falling. Ginusto ko 'to. I should be braved enough to face the consequences o...