Ziah
"DOn't expect me to love you. I never wanted this marriage in the first place!"
Iyon ang eksaktong sinabi sa akin ni Yvar in his cold voice matapos ang seremonya ng aming kasal. Mahina lang ang pagkakasabi nito pero kay lakas ng dating noon sa akin.
It's like a roaring thunder!
Pinanatili ko ang ngiti sa aking labi sa kabila ng aking narinig. Hindi ako nagpahalata na nasaktan ako dahil sa ayokong mag alala si Daddy.
Kabago-bagong kasal namin ni Yvar tapos ganito agad. Ang alam kasi ni Daddy ay okay naman kami ni Yvar nang pagplanuhan namin ang kasal. Though, ako lang naman talaga ang nagpursige para lang matuloy ito.
We secretly had our civil wedding, three months ago. Just recently...
Si Dad lang at si Manang Caring na matagal nang naninilbihan sa aming mansion ang naging witness sa kasal namin. Sa parte ng napangasawa ko ay wala ni isa ang dumating. According to him when I asked him, it's because he didn't invite anyone. Alam ko naman daw ang dahilan kung bakit.
Walang nakakaalam na kasal na ito sa akin. Kahit ang mga kaibigan nito at magulang na parehong nasa ibang bansa ay walang alam na ikinasal na ito.
I sighed.
Sa unang araw pa lang ng kasal namin ay pansin ko na ang kalamigan nito sa akin. Batid ko naman ang dahilan kung bakit ganoon ang pakitungo nito sa akin. Hindi na dapat ako magtaka pa.
Sa kasal nga namin ay wala man lang itong reaksyon. Pirming naka seryoso lang ang anyo. Parang kating-kati ito na matapos na para makauwi na.
Nang i-anunsyo ng nagkasal sa amin na mag asawa na kami at pwede na akong halikan ay parang hangin lang na dumampi ang labi ni Yvar sa gilid ng labi ko. Parang ayaw pa nga nito kung hindi lang dahil kay Dad na nakatingin sa amin. Kung titingnan sa malayo ay parang sa labi ako hinalikan ng asawa ko pero ang totoo ay hindi.
Nagkaroon kami ng munting salu-salo pagkatapos. Apat lang kami. Sa isang luxury restaurant lang iyon. Iyon na kasi ang napagkasunduan namin ni Yvar. Hindi naman na tumutol si Daddy dahil iilan lang naman kami.
Katulad ko ay only child lang din si Yvar kaya napakaliit lang talaga ng aming pamilya.
Kahit alam kong gusto ni Daddy na i-pabongga ang kasal ko dahil sa nag iisa lang akong anak ay hinindian ko iyon. I told him na gusto lang namin ng napangasawa ko ng simpleng kasalan.
Pero kung naiba sana ang pagkakataon ay nanaisin kong maging magarbo ang kasal ko dahil sa minsan lang iyon mangyari sa buhay ng babae. Once in a life time lang kaya dapat maganda at memorable pero hindi naging ganoon ang klase ng kasal ko.
I just settled for less than what I deserve. Ako na lang ang nag adjust para lang makasal kami ni Yvar.
Masyado ko kasing mahal ito...
Sa unang gabi na mag asawa kami ay nagtungo kami sa isang kilalang hotel para sana sa aming honeymoon pero iniwan lang ako nito mag isa sa kwarto at bumaba ito sa bar area ng hotel.
Nang umakyat ito bandang ala una ng madaling araw ay amoy alak at lasing na lasing. Pabagsak na nahiga sa kama at ni hindi na makabangon pa para makapagbihis man lang.
Ang ending ay walang nangyaring honeymoon. Nag asikaso lang ako ng asawang lasing! Pagkatapos doon ay iniuwi nya ako rito sa mansion nya sa Terrence Alta.
Akala ko magiging maganda na ang pagsasama namin dahil iniuwi nya ako rito para dito i-bahay pero nagkamali ako.
Sa nakalipas na tatlong buwan ay parang hindi kami mag asawa. Oo, sa silid nya ako natutulog. Magkatabi kami sa kama pero parang wala lang.
BINABASA MO ANG
Sun and Sky (On Going)
Romance"Don't expect me to love you. I never wanted this marriage in the first place!", he coldly said that made my heart bleed in pain. I blink my eyes to prevent my tears from falling. Ginusto ko 'to. I should be braved enough to face the consequences o...