Prologue

52 2 1
                                    

Third Person POV

Mabilis na pinaandar ni Ziah ang sasakyan nang makalabas na ng Terrence Alta Village. Mahigpit ang pagkakahawak ng kanyang mga kamay sa manibela na tila roon ibinubuhos ang galit na nadarama.

Her lips is quite shaking. Mariin na kinagat nya ang ibabang labi at ilang beses na ikinurap-kurap ang mga mata nang manlabo iyon dahil sa nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.

Hanggang sa isang pasaway na butil ng luha ang namalisbis sa kanyang pisngi. Agad na pinahid nya iyon gamit ang likod ng isang kamay saka ulit inihawak iyon sa manibela. Huminga sya ng malalim at pilit na ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.

Sinubukan nyang pansamantalang alisin sa kanyang isipan ang dahilan ng kanyang pag iyak dahil kung hindi ay baka mapaano pa sya. Nasa daan pa naman sya at kay bilis ng paandar. Malaki ang tsansa ng disgrasya kung hahayaan nyang kainin sya ng kanyang emosyon habang nagmamameho.

She needs to focus on driving or else...

Actually, ang Daddy lang naman nya ang mag aalala sa kanya kung sakali. Dahil wala namang pakialam sa kanya ang lalaking minamahal nya. Baka nga ikatuwa pa noon...

Malakas na busina ang pinakawalan nya nang makarating sa tapat ng kanilang mansion. Pinagbuksan sya ng kanilang guard at agad nyang ipinasok ang kotse sa loob hanggang sa maiparada nya iyon sa garahe.

Agad syang lumabas ng kotse at pumasok sa loob. Nagulat man nang makita sya ay masayang binati sya ng nakasalubong nyang katulong pero nilagpasan lang nya iyon kaya naman nasundan na lang sya nito ng nagtataka at nagtatanong na tingin. Sanay kasi ang mga ito na palabati sya at laging naka ngiti. Hindi rin naman kasi sya isnabera. Makwento sya at masayahin ayon na rin sa mga ito.

Pero sa pagkakataon na ito ay tila biglang nawala ang masayahing Ziah.

Pagkaakyat ng hagdan ay agad na tinungo nya ang kanyang silid na matagal-tagal na rin naman nyang hindi nauuwian. Binuksan nya iyon at padapang nahiga sa kama. Doon ay pinakawalan nya ang luha na kanina pa gustong kumawala.

Tahimik na umiyak sya hanggang sa napahikbi na sya nang muling maalala ang dahilan ng kanyang biglang pag uwi rito sa kanilang mansion. Hinayaan nya ang sariling umiyak nang umiyak hanggang sa nakatulugan na nya iyon.

Pagka gising nya ay syang dating naman ng kanyang Daddy Lemuel. Malamang na nasabihan na ito ng katulong na naririto sya kaya agad syang pinuntahan ng kanyang ama pagkadating.

Tinanong sya nito kung bakit bigla syang umuwi nang walang pasabi. Ngunit imbes na i-kwento ang dahilan ay iba ang namutawi sa kanyang bibig.

"Gusto ko na pong makipaghiwalay sa kanya, Daddy. I want an a-annulment as soon as p-possible", she said while trying her best not to cry. May bumikig sa kanyang lalamunan at parang kay hirap lumunok.

Her Dad unbelievably look at her. Lemuel can't even believe she's saying those words. Alam nito kung gaano niya kamahal ang lalakeng pinakasalan. Tapos ngayon ay maririnig sa kanya ang salitang annulment?!

Wala pa ngang isang taon mula nang ikinasal sya pero heto at makikipag hiwalay na sya agad sa napangasawa. She's determined to file an annulment with her unfaithful husband!

Ilang buwan din naman syang nagtiis na kasama ito. Ginawa nya ang lahat ng makakaya nya para maging okay ang pagsasama nila pero bigo sya. Lagi lang naman syang nasasaktan sa huli ng dahil dito. Hindi man pisikal pero emotionally ay hirap na hirap na sya.

"Hindi ba 'yan madadaan sa pag uusap?", tanong ng kanyang ama nang hindi sya nito mapilit na magsabi ng totoong dahilan sa kanyang naging desisyon.

Umiling sya habang nakayuko pa rin. "Ayoko na po, Daddy...", wika nya sa mahina ngunit hirap na boses.

Sun and Sky (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon