prologue

9 0 0
                                    

Prologue

"Alright class, we’ll announce now kung sino ang may honors at kung sino ang top of our class. I’ll give you certificates, After that, let’s take a group picture later, oki?" our adviser said.

Today is friday, our last day of meeting for this school year. Wala naman kaming masyadong ginagawa ngayong week dahil finafinalize ng mga teachers ang grades namin.

"Pustahan! Si Riley ang top ng class natin."

"Gaga! Buong batch natin!"

"Magkano pusta mo?"

Narinig kong usapan ng mga kaklase ko from the back. Even though I am sitting in front, I can still hear them dahil sa lakas ng mga boses nila.

I smiled secretly.

I know that I will be the top of our class. I just know. I put a lot of effort on my study. Sabi nga sa kanta ni Taylor Swift na You're own your kid, "I gave my blood, sweat and tears for this". I want to be the top hindi para magyabang. I want to be the top para makuha yung scholarship na binibigay ng school sa mga valedictorian.

"Huwag kayong ganyan! Baka lumaki yung ulo!" Missy said, I just glared at her.

"Hindi na kita papakopyahin next s.y." I rebutted.

Malakas siyang tumawa. "Okay lang! Si Tatrina na kokopyahan ko!"

"Teh! Kahit kumandong ka pa sa’kin, wala tayong masasagot!" sagot naman ng babae ang nagtawanan sila.

Isa-isang tinawag ang mga kaklase kong with honor and with high honor. Hindi pa natatawag ang pangalan ko kaya I’m pretty sure na ako yon.

"And the student to become the top of our class with an average of 98.4 is..." our adviser trailed off.

"Huwag ka na pa-thrill, maam! Alam na naming si Riley yan!" Missy joked.

Yup, our section is close to our adviser kaya nabibiro namin siya. In that way, hindi namin mararamdaman ang pressure sa kanya habang nagtuturo siya. But we know our limitations.

"Kindly stand up, Miss Riley! Congratulations!"

Agad akong napangiti nang pinatayo niya ako. Agad naman akong tumayo para kunin sa kanya ang certificate at matamis na ngumiti sa camera.

"Come here in front, class! This is your last picture as a Grade 11 student." saad ng adviser ko kaya pumunta lahat ng mga kaklase ko sa harap.

Nang matapos ang picture taking ay nagpaalam na si maam sa amin dahil may gagawin pa raw siya sa faculty. Muli kong tinignan ang certificate kaya muli akong napangiti.

Rihanna Caley Castillo, with highest honor.

"Sana may poging transferee no?"

Napairap nalang ako sa iniisip ni Missy. Sabay kaming naglalakad ngayon pauwi dahil same lang kami ng way at malapit lang naman ang school sa bahay kaya pinilit ko nalang sila maglakad pauwi para makatipid.

"Real! Para may inspiration naman ako mag-research!" gatong naman ni Tatrina. "Hi Farrah and friends!"

"Yan na naman po si mayorang daming kilala!" binatukan siya ni Missy.

Umirap lang si Tatrina. "Excuse me?! Mga friend ko yon taga-abm!"

"Wala akong pake!"

Napatawa nalang ako sa away nila. Para silang mga bata.

Nang makauwi ay agad kong hinanap si mama. Agad ko naman siyang natagpuan sa kwarto at namamahinga. Kinuha ko ang certificate sa bag ko at pinakita sa kanya.

Something about you (SH Girls #1)Where stories live. Discover now