Chapter 9

3 0 0
                                    

Chapter 9

When I got home that night ay parang wala akong ibang nararamdaman kung hindi lungkot at pagkadismaya. I don’t understand it! Nag-aral naman ako nang mabuti at nag-review. Bakit mas mataas pa siya sa’kin?

From: Mama
ndi aq ulet mkkauwi nak ha

I cried that night.

Call me "mababaw", "maarte" or whatever you want pero never ko talagang matatanggap na mayroong mas mataas sa akin. I just can’t accept it.

Iniyak ko lang ang lahat ng nararamdaman ko nung gabing yon. Nakatulong sa’kin ang hindi pag-uwi ni mama para maka-iyak ako nang maayos. Iniyak ko lang nang iniyak hanggang sa makatulog ako.

"Mama! Sasamahan kita sa work mo today ha?" ngumiti ako kay mama.

Kasalukuyan siyang naka-tapis ng tuwalya dahil kaliligo niya lang. Naka-talikod siya sa akin. Kagigising ko lang mula sa pag-iyak kagabi. Araw nang sabado ngayon at wala naman akong masyadong ginagawa.

"Hindi na anak! Kaya ko na yon! Magpahinga ka nalang nyan." sambit niya na hindi humaharap sa akin.

"Mama naman! Ayon na nga lang ang bonding natin e! I’m not that tired naman."

"Umiyak ka kagabi no? Maga ang mata mo ngayon?" pansin niya sa akin at bigla siyang humarap. "Anong problema?"

"Wala ‘to ma! Ano lang! Academic pressure." pilit akong tumawa.

"Wala raw tapos iniyakan kagabi. Dapat pala umuwi nalang ako para nadamayan kita."

"Bakit ka nga pala hindi umuwi kagabi, ma? You didn’t tell me the reason." pag-iiba ko ng usapan para hindi na niya ako tanungin pa.

Ayokong malaman niya kung gaano ka-toxic ang anak niya.

"K-kasi ano a-anak, maraming pinagawa sa’kin yung amo ko. Late na rin kasi sila umuwi non."

I just nodded at her when I noticed something. There’s a red mark in her neck. Agad niya itong tinakpan gamit ang mahabang buhok niya.

"Sige na anak! Magpahinga ka na nyan. Okay lang si mama!"

Kahit hindi kumbinsido ay tumango nalang ako at muling humiga. She seems that she’s lying. Nautal pa nga siya kanina habang nagsasalita. And her smile, pilit ang mga ngiti niya kanina. What was that?

Monday is another day. Another day of pressure.

"Class! I have an announcement! Sa friday ay magkakaroon ng quiz bee sa lahat ng specialized subject sa STEM. General Biology 1 and 2, Pre Calculus and Basic Calculus. Two representatives per section ang kinukuha. Who would like to join?" dinig kong saad ni maam.

I immediately raised my hand. I have always taken the opportunity to join everything since then. I want to experience it kasi ngayon nalang ang chance ko. Maaring kapag college na ako ay wala na masyadong mga quiz bee quiz bee.

"Riley! Ilista na kita ha!"

I smiled at our adviser when she said that. May tiwala siya sa’kin kaya pinili niya ako agad. May tiwala siya sa talino. I really loved her.

"Maam! Suggestion ko po si Lysan yung isa! Matalino rin yan!" saad ng isa kong kaklase na halos lahat ay umagree.

"Lysan? Is that fine with you?" she asked and the man nodded. "Okay then! We’re settled. Self review nalang tayo, oki?

Puro lecture nalang ang ginawa after that. Monday palang naman ngayon at friday pa ang laban. May apat na araw pa ako para mag-review. Apat na specialized subject ang rereviewhin. I was pretty confident in biology pero sa calculus? I don’t know.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Something about you (SH Girls #1)Where stories live. Discover now