Chapter 8

1 0 0
                                    

Chapter 8

It’s been a week. Ngayon ang araw kung kailan namin ipeperform yung performance task namin sa PE. Today is friday pero kahit friday ay maraming kaming gawain. We have two long test later for the subject Chem 1 and Phy 1. Ngayon na rin namin tinatapos ang RRL Matrix namin.

Ang purpose niyan ay para makita ang difference and similarities ng bawat article. Ginagamit din ito para makita kung anong objectives and findings ng article na gagamitin.

I am wearing a crimson long ballet skirt and longsleeve na hiniram ko lang sa anak ng pinsan ni mama. Wala naman kasi kaming pangbili ng bago. Isang beses lang naman din gagamitin kaya bakit bibili pa? Buti nalang mayroong mahihiraman.

"Kinakabahan ka ba?" I heard Lysan whispered.

Agad akong umiling at napatingin sa kanya. Namumuo ang pawis niya! Medyo nanginginig din siya at naka-ilang beses lumulunok habang naka-tingin sa akin.

While practicing during PE time and after class. We became closer. Nakakausap ko na siya nang maayos at ganon din siya sa’kin. But I am not forgetting the fact that I treat him as my rival.

Lysan is smart but I know I am smarter than him. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang scholarship na binibigay sa mga valedictorian sa graduation. Hindi ako pwedeng mapanatag.

"Ano bang nangyayari sayo?!" pabulong kong sigaw.

We are next to perform. He is wearing a black slacks and a white button down longsleeve at pinatungan ito ng black blazer.

"I am not used to performing in front of many people," mahina niyang saad.

Hinarap ko siya at tinignan nang diretso sa mata. Tinignan niya rin ako pabalik.

"Breath in... Breath out.." utos ko sa kanya na sinunod naman niya. "Huwag kang kabahan dahil kasama mo ako sa stage. Hindi ka nag-iisang magpeperform doon."

"W-what if I-i make m-mistake? W-what if I-i just e-embarrased myself? What—"

"Shh! Everyone makes mistake. Everyone embarrassed themselves infront of many people. Hindi lang ikaw ang nakakagawa non. Magpeperform ka para sa sarili mo, hindi para sa kanila. Alam mo sa sarili mong nakapag-practice ka so huwag kang kabahan. Overcome your fear." I smiled at him and let him do the breathing exercise para hindi siya kabahan.

When it was our turn. I tap his shoulder para sabihing nandito ako para sa kanya. Huminga siya nang malalim at tinignan ako sa mata. I just smiled at him. Nagsimulang mag-play ang music namin.

Taled as old as time

True as it can be

Barely even friends

Then somebody bends

Unexpectedly

"Isipin mo na it is just our practice." I whispered to him whil we are dancing.

I saw him just looking at me in my peripheral vision. Hinayaan ko nalang dahil mukhang kinakabahan talaga siya.

Just a little changed

Small to say at least

Both a little scared

Neither one prepared

Beauty and the beast

"Shet! Whoah!"

"Bagay na bagay!"

"Si Riley ang beauty! Si Missy ang beast!"

Ilan lang yan sa naririnig kong sigawan ng mga kaklase ko. Nang mapatingin ako kay Lysan at nagkatinginan kami. I can feel something inside my heart and I can’t describe it. Parang nanlamig bigla ang buong katawan ko habang nakatingin sa kanya.

Nang matapos ang song namin ay bumaba na kami sa stage. Mukhang nabunutan naman ng tinik itong mukha ni Lysan.

"You should get out of your comfort zone." I said to him while smiling.

"Riley!" I heard him shouts.

I saw him running towards me. "Thank you! Ginawa ko yung mga suggestion mo sa’kin kanina and medyo effective siya for me. You are such a good friend!"

"Huh? Friend?" kumunot ang noo ko.

"Ay hindi pa ba tayo magkaibigan? Ang close close na natin nung nagpapractice tayo e! Wala kang magagawa! We’re friends na! Paladesisyon ako." humalakhak siya kaya napairap nalang ako.

"Ano pa nga ba?" tanging nasabi ko nalang.

Friends na raw kami? Tinuturing ko nga siyang rival pagdating sa acads tapos kaibigan ko na siya ngayon?

Tinalikuran ko na siya at pumunta ng CR para magpalita ng damit. After our PE class, I just read again for our long test in chem 1 and psychics 1. Mabilis ko lang natapos ang chem ngunit medyo nagtagal ako sa pyschics.

Aminado akong medyo mahina ako sa math pero nakaka-gets pa rin naman ako. We have the formula pero medyo mabagal ako mag-solve.

"Si Riley na naman ang highest dyan! Halimaw when it terms sa acads!" dinig kong sambit ni Missy.

Pinapamahagi kasi namin yung paper na pinasa namin kay maam dahil i-s-shuffle yon para iba-iba ang mag-check.

Chemistry ang unang checheckan mamin. Our chem and pyshics teacher are the same kaya sabay kami nag-test at sabay na checheckan ang mga paper dahil marami pa namang natitirang oras.

"Sino highest?"

"Si Riley po maam! 49/50,"

I immediately smiled when I heard that I am the highest. We are just done checking the subject chem.

"Masaya na naman yung isa dyan!" tinusok ni Missy ang bewang ko. Lalong lumaki ang ngisi ko.

"Maam! Meron pang 49/50. Si Lysan po!"

Parang binuhusan ako ng malamig ng tubig nang marinig iyon. Ka-parehas ko ng score si Lysan? Ang kaninang malaking ngisi ay nawala sa bibig ko.  Pinasa na na namin ulit ang paper kay maam dahil hindi niya pa yon nairerecord.

Ngayon naman ay checheckan namin ang paper namin sa psychics. Napunta sa akin ang paper ni Lysan. I opened my red ballpen again to checked his paper.

"Maam! Si Riley na naman nyan highest! 47/50!" muling sigaw ng classmate kong nag-check sa akin.

I looked at Lysan’s paper. Nanatili akong tahimik nang makita ang score niya. It was 49/50 again. Mas mataas ang score niya kaysa sa akin. What happened to me? Bakit natataasan ako ng iba?

I forcedly raised my hand. "Mas mataas po sa’kin si Lysan, his score is 49/50."

Our classroom filled with silence for a minute. Muli na akong umupo sa upuan ko at iniligpit ang ballpen na nilabas ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko matanggap na mas mataas ang score sa akin ni Lysan sa test na yon at kaparehas ko naman siya ng score sa isa pa. Ibig-sabihin ba non ay tyansang mapunta sa kanya ang scholarship?

I was a candidate for valedictorian for this school year. Marami na ang nag-eexpect sa akin dahil sa performance ko last school year. Mawawala nalang ba yon na parang bula?

"Shet! Ang talino! 35 nga lang ako!"

"Ako nga bente lang!"

"Mas matalino pala si Lysan kay Riley e!"

"Nakahanap ng katapat si Riley sa talino!"

Napasinghap ako. Hindi ko kayang marinig yung mga pinagsasasabi nila. They are comparing me to Lysan. They kept saying that Lysan is smarter than me. I know that he is looking at me. I saw him looking at me in my peripheral view.

Pinilit ko silang inignora. I keep biting my nails. I always do this when I am stressed.

"Manahimik na kayo!" I heard Missy shouts at them.

Alam kong naiintindihan niya ako ngayon. Kilalang-kilala niya talaga ako kapag na-s-stress ako kapag usapang academic. Kahit na isang taon ko palang silang naging kaibigan ni Tatrina.

-

Song used: Beauty and the Beast by Celine Dion & Peabo Bryson from the movie Beauty and the Beast

Something about you (SH Girls #1)Where stories live. Discover now