chapter 4

6 0 0
                                    

Chapter 4

Toxicity is one of my hated traits when it comes to my acads but at the same time, I love it. The more na ma-pressure ako, the more na nagiging toxic ako. I am not proud of my toxic traits. But ito na kasi ang nakasanayan ko ever since.

According to my mother, may tinusok ako ng lapis when I was kindergarten. The reason is pinagmamayabangan niya ako ng star niya na kesyo kasing dami na ng star ko kasi tinutulungan niya raw ang teacher namin mag-ayos ng nga gamit niya.

Noong elementary naman ako ay marami akong kaaway! Inaaway ko pati yung mga kasama ko sa journalisms and math contest! Kahit magkakampi kami ay turing ko pa rin sa kanila ay kalaban.

Nung highschool naman ako, all of my classmates are backstabbers! I don’t have friends back then. Palagi nila akong sinasabihan ng "bida-bida", "teacher’s pet" at kung ano-ano pa just because of my achievements. Hindi nila alam kung anong effort ang ininsert ko para lang makuha yon.

Hindi lang nila matanggap na may nakaka-angat sa kanila dahil puro pangingialam sa buhay ng iba ang ginagawa imbes na pataasin ang grades nila.

At ngayong senior highschool, mukhang si Lysan ang mag-t-trigger ng toxic trait ko. Na-nominate lang na president ay nagalit na ako kahit na ni-nominate lang siya ni Missy as a joke.

Ayaw kasing papalamang!

"This will serve as your pre test. Ito ay para lang ma-test kung mayroon na kayong nalalaman sa subject ko." our physics teacher said before she hand in to me the papers.

Nang sandaling tinignan ko ang test paper ay agad akong napangiti dahil nandoon yung mga inadvance study ko nung bakasyon! Madadali lang ang exam dahil nang pinasasahan ko ito ng tingin ay bilang lang sa kamay ang mga computations.

While answering my paper, someone knocked at the classroom door. Halos lahat ng kaklase ko ay napatingin sa kanya. It was Mr. Tolentino! The head of SSC!

SSC stands for Supreme Student Council.

But what Mr. Tolentino is doing here?

"Maam! Pwede ba pa-excuse saglit si Riley? May sasabihin lang." kaswal niyang saad sa physics teacher ko.

"Is it okay if you just announce it to the whole class, sir? Nag-tetest kasi sila at sayang naman sa oras yon. Pero if sobrang confidential naman—"

"Okay lang maam." ngumiti si Sir sa kanya bago ito tumingin sa akin. "Riley, may meeting tayo mamaya ha! After class!"

I just nodded at him at went back to my paper to answer it. I’m the president of SSC kaya may meeting para sa new school year.

SSC ang may handle ng iba’t ibang events dito sa school namin. Foundation day, Intramurals, Prom Night at iba pa. Katulong din namin ang ibang techers pero mostly, kami ang nagpaplano ay gumagawa ng mga proposal para i-present sa principal. Pati ang mga iba’t ibang organization at clubs sa school namin ay sa SSC muna dadaan before ang approval ng principal.

Tumakbo ako nung grade 11 and I won. Kaya ngayong school year ang term ko as a SSC president.

"Una na ako maam, may klase pa ako. Thank you!"

After class, I went to the library for the meeting. Nandoon na ang mga kapwa ko student council and of course, Sir Tolentino. The agenda of our meeting is to discussed all of the possible upcoming events for this year. Para magawan na namin agad ng proposal.

"Uhm sir, I would like to create an organization po." panimula ko kaya’t napatingin silang lahat sa akin.  "It is about helping stray dogs and cats."

Ever since grade 11 ay iniisip ko na ang pag-gawa ng organization tungkol dito. I promise to myself that when I my term has come, bubuuin ko yon para maraming matulungan na mga hayop na nangangailangan ng food, shelter and care.

"Tell us more about it."

"I don’t have an exact plan right now how will I conduct it, sir." I honestly said. "I can make a presentation to discuss it to all of you po."

Sir Tolentino just nodded at me. "I need the presentation tomorrow then we will talk about it again after, alright?"

Lahat kami ay tumango sa sinabi niya.

"Our meeting is now over. Ingat kayo sa pag-uwi ha."

Malaki ang ngisi ko nang sandaling lumabas si sir sa library. I have a chance to present about my plan tomorrow!

"Ayi, pwede bang ikaw muna gumawa ng minutes  ngayon?" I asked the vice president of SSC. I’m pertaining to our minutes of the meeting.

"Go lang! Maganda yang gusto mong buuin na org ah! Support kita dyan! Isa ako sa mag-v-volunteer sakaling ma-approve!" I just smiled at her and thanked her.

Kinagabihan ay kumain lang muna ako at pinakain si Shilo bago simulan ang presentation ko. I searched and searched again and again para makakuha ng ideas. Almost 1 am na ako natapos! 12 midnight akong natapos sa presentation ko before magbasa para dagdag kaalaman.

Palagi akong naglalaan ng isang oras kada araw sa pagbabasa for more knowledge. Kung hindi man ako mag-aaral sa araw na yon ay dapat nagbabasa ako. That is one of my study habits.

I opened my phone and went to our gc.

Me:

Hello! I apologize for the late message. I just want to say that we have a meeting tomorrow at the library again after class. @everyone

Pinatay ko na ang phone ko at humiga na sa tabi ni mama na mahimbing na ang tulog.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Hindi na ako nalate kagaya kahapon. Pero inaantok pa ako! Pumipikit-pikit pa ang mata ko.

"Get one and pass."

It’s our physics class. We will check our pre test. Ang sabi kasi ni maam ay may plus points sa midterms ang pinakamataas ang score. I’m that confident na mataas ako kasi nasagutan ko halos ang mga tanong.

After the checking, we just do item analysis we gave our paper to our physics teacher.

"Oh! Ready na ba kayo malaman kung sino ang pinakamataas?" naka-ngiti niyang tanong.

"Maam hindi ka na dapat magpatumpik-tumpik pa!"

"Boom kara-karaka?"

"I’m pretty sure si Riley yan!"

"Pretty ka ba?"

"Sabihin mo Riley kay maam, thank you so mu—"

Halos mapasapo ako sa noo ko dahil sa pinagsasasabi nila! Buti nalang at nakangiti pa rin si maam at hindi naman nagagalit sa kanila. Ang ingay-ingay nila!

"Congratulations Rihanna!" anunsyo ni maam kaya napangiti ako nang ipakita niya ang paper ko. "You have plus points at midterms"

"Riley nalang po, maam."

Agad na nag-hiwayan ang mga kaklase ko. was 41/50! I have 9 mistakes only and I’m sure sa mga computation lang yon dahil hindi ko pa naman masyadong naaral yung part na yon.

"Looks like hindi lang si Riley ang may plus points ah." muling nagsalita si maam. "Congratulations Lysander!"

I blinked twice. What? Ano raw? Hindi lang ako highest? Bakit? Napatingin ako kay Lysan. He was smiling too while looking at maam. His score is also 41.

Nagpalakpakan din ang mga kaklase ko at ni-congrats siya. Pinapalakpakan siya ng lahat kagaya ng pagpalakpak nila sa akin kanina. Parang may iba akong naramdaman.

Hindi ako masaya na parehas kami ng score.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Galit? Lungkot? Disappointment? Baka pinagsama nung tatlong yon. Galit kasi hindi lang ako ang top. Lungkot dahil may kaparehas ako ng score at Disappoinment sa aking sarili.

I guess, the toxic Riley is back.

Something about you (SH Girls #1)Where stories live. Discover now