Chapter 7

3 0 0
                                    

Chapter 7

During late lunch time, Tita Lucy always includes me in their asaran. Mapang-asar na ina ang mother ni Lysan. Sa buong kain namin, walang oras na hindi niya inasar ang anak niya. She also asked me many questions like where I lived, my course in college, what are my hobbies and many more.

Ngunit ang saya ko habang kumakain ay napalitan ng inis dahil sa lalaking kaharap ko ngayon.

"I think we should use River flows in you as a background song?"

"The song from Beauty and the Beast is much better! Its slow melody is perfect for our steps." pakikipagtalo ko.

We are at their garage. We are here to practice Waltz, ang napili naming sayaw na ballroom. Maraming ibang klase ng sayaw pero masyadong mabilis at mahirap ang iba! At ngayon, nagtatalo kami dahil sa kanta!

"Look at this video! It's still bagay!"

"Pakinggan mo ang sinasabi kong kanta! Mas bagay yon sa step na gagawin natin!" pakikipagtalo ko pa.

We are arguing for almost ten minutes for just one song! Ilang minuto ang nasayang dahil lang sa isang kanta! In the end, the song Beauty and the Beast is our final background song.

Buti hindi na siya nakipagtalo pa. Hindi ko siya susukuan!

"Bend your back a little and hold my shoulder. Aalalayan ko ang bewang mo." he said and hold my other hand.

Ginawa ko ang sinabi niya. Hinawakan ko ang balikat niya habang ang isang kamay ko ay nasa kamay niya. Ang isa niya namang kamay ay nasa bewang ko kaya binaba ko kaunti ang katawan ko para sa sayaw namin.

Habang sumasayaw ay napatingin ako sa kanya. My eyes widened when I saw him looking at me. I was looking at his brown eyes na hindi tinatanggal ang tingin sa akin. We're looking at each other while dancing!

Agad akong bumitaw nang makaramdam ng awkwardness. Mukhang natauhan din siya dahil nakita ko na may dumaang gulat mula sa mata niya.

"U-uhm.." I can't even speak!

"I'm sorry, did I make you uncomfortable?" mahinang saad niya kaya agad akong umiling.

"I-i think k-kailangan ko na u-umuwi." I stuttered.

Why the hell am I stuttering? My heart's beating so fast also! Namamanhid at nanlalamig ang buong katawan ko. May namumuong pawis din sa noo ko. Hindi naman ako ganto dati! Pero sa titig niya ay nakaramdam ako ng ganto.

"It's already 5:30 pm. I think it's better if dito ka nalang mag-dinner, nagluto ata si mama. May naghihintay ba sa iyo sa bahay? Ihahatid nalang kita after dinner." sunod-sunod nyang tanong.

I was about to decline his offer when I saw Tita Lucy standing at the door looking at us.

"Hindi pa ba kayo tapos? Nagluto ako ng ulam! Riley! Hija! Dito ka na kumain!" pag-aaya niya sa'kin.

"Ay hindi na po, tita. May-"

"Bakit? Sayang naman ang niluto ko."

I flinched when I saw her sad face. Naka-pout pa! Nagpilit ako ng ngiti at umagree nalang sa aya niya. Nakakahiya kay Tita Lucy! Medyo maaga pa naman kaya hindi naman siguro magagalit si mama sa'kin.

I was quiet the whole time we ate dinner. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina kahit hindi naman na dapat isipin.

"Do you want cat treats? Marami ako dito," sambit ng lalaki kaya napatingin ako sa kanya.

May kinuha siyang mga cat treats sa isang drawer nila sa kusina. He puts it in a plastic bag and gave it to me.

"Hindi pa ako umu-oo ah." natawa siya.

"Wala kang magagawa! It's for Shilo." I just rolled my eyes at him. "Let's go."

When I got home, sobrang dilim at tahimik pa ng bahay namin. Naka-ilang tawag ako ngunit walang sumasagot so I conclude na wala pa si mama. Nilabas ko nalang ang libro ko para magbasa at hintayin si mama.

But it's been hours of waiting, wala pa ring dumadating. Hindi naman siya umuuwi nang ganto ka-late na. Nag-aalala na ako!

I waited for another thirty minutes pero wala pa ring dumadating. Napagdesisyunan ko na sanang puntahan siya sa mansion ng amo niya para sunduin siya nang maka-receive ako ng text mula sa kanya.

Mama Rebecca:
Nak.. nde aq uuwe ha kc gabi n mxiado d2 n q pa2xlipas ng gv.. 2log k jan wag mo nako wait.. lak mue mga pinto.. labyu nak

Napapikit nalang ako nang mariin while reading her message. Bakit ngayon niya lang sinabi? Kaninang sobrang aga pa ay hindi niya sinabi agad. Akala ko naman kung may nangyari nang masama sa kanya.

Me:
Sige po, ingat po kayo riyan mama. I love you too po.

"Kindly check your email para makita yung mga approved topics na sinend n'yo sa'kin last time. Kayo na ang bahala mamili kung anong gagawin n'yo." my PR 2 teacher said. "Use my time para mamili ng topics at makagawa ng title. Need n'yo pa rin ipa-check sa akin ang title n'yo. Sana makagawa na kayo today ng title para masimulan n'yo na yung research."

It's already monday. Marami na ako agad na nakalagay na gawain sa schedule ko. I always writing my schedule for a day sa mini notebook ko para hindi ko makalimutan ang gagawin.

Ganaps for today: (Monday)
1. Practice ng peta (PE TIME)
2. SSLC Meeting (AFTER CLASS)
3. Asikasuhin ang funds ng classroom white officers (FREE TIME)
4. Read (FREE TIME)
5. Choose a research topic and create a research title. (NOW)

Monday palang pero parang pagod na pagod na ako agad.

"Tara sa library, titignan ko yung in-email pabalik ni maam." sambit ko sa kanilang tatlo.

"Bakit sa library pa?!"

"Wala akong load tanga!"

"Eww! So poor!" pang-aasar ni Missy. "Papa-hotspotin nalang kita!"

"Ayoko! Wala namang signal dito! Doon sa lib naka-wifi pa."

"Lakas! Iba talaga kapag SSC officers! Libre wifi!"

"Next time kukunin ko wifi password ng faculty dyan."

Napairap ako sa sinabi ni Missy! Kahit kailan talaga!

Nang makarating kami sa library ay agad kong tinignan ang phone ko para makita ang feedback ni maam sa mga topics namin. Dalawa sa topics ko at ni Lysan ang na-approve at tig-isa naman ang kila Tatrina at Missy. Sayang lang ang isa ni Missy dahil masyadong common daw at ang kay Tati naman ay pasok sa Qualitative.

"Yung kay Riley siguro?" dinig kong saad ni Missy.

"Effectiveness of diff strategies of tradional and modern teachers? Parang ang hirap, halos lahat ng teachers ngayon ay modern na ang teaching styles."

"May mga teachers pa rin namang traditional style ang ginagamit. That's why we will test what is more effective for the students." saad ko.

Nagtalo pa kami dahil ang dami-dami nilang tanong about my topic kaya sinasagot ko rin. They are curious about my topic.

"Maganda rin 'tong isang topic ni Lysan. Marami tayong mahahanap na details about dito kasi mga young people ang mas madalas gumamit ng digital tools." Tatrina suggested.

"Halos same lang sila ni Riley sa isa ah? The use of technology in enhancing education in STEM?"

"Pwede rin tapos gawin nalang natin respondents ay mga STEM students pero yung topic ni Lysan ang gawin nating title?"

Nag-uusap silang dalawa habang ako ay tumahimik nalang. Pinapanood ko silang magtanong nang magtanong kay Lysan kagaya ng ginawa nilang pagtatanong sa topic ko.

"So we will use my topic?" tanong ni Lysan.

Ilalaban ko pa sana ang topic ko pero umagree ang dalawa kaya wala na akong nagawa kung hindi umagree nalang din. Maganda naman ang topic ko pero bakit sa iba ang napili?

Mas maganda ba mag-isip ng topic si Lysan? Mas magaling ba siya sa'kin? Mas better ba siya? Here's the toxic Riley again, comparing herself to others.

I fucking hate it.

Something about you (SH Girls #1)Where stories live. Discover now