Prologue

7 3 0
                                    

Vacant class namin at nasa may garden kami nakaupo habang nagbabasa ng kaniya kaniya naming libro nang biglang tumili si Kayla na animoy kinikilig.

"Oy girl, tignan mo 'yong kasama ng brother mo ang pogi!" kinikilig na bulong sa'kin ni Kayla at tinuro ang dereksyon kung saan sila kuya at no'ng kasama niya.

"Oo nga'no, Kayla!" sang ayon din ni Jasmine.

"Tsk, mas gwapo nga ako dyan eh" singhal naman ni Dave sakanila "Di'ba Ella?" biglang tanong niya sa'kin.

Feeling naman nito. Eh mas pogi pa nga 'yang si Nathaniel kaysa sakanya eh, tsk!

"A-Ah hehe" tanging nasagot ko.

"Kilala mo siya, Ella?" tanong ni Jasmine sa'kin.

Ngumiti ako at umiling "No, actually ngayon ko lang nakitang kasama ni kuya 'yan, eh" I lied.

Ang totoo kilala ko siya, sadyang ayaw ko lang sabihin ang totoo dahil uusisahin lang nila ako ng mga tanong nila. Tsk! I know them.

"Ahh akala ko kilala mo" tumingin siya sa'kin kaya lumingon ako sakanya at umiling

"Hindi ba siya naipakilala ng kuya mo?" tanong ni Kayla. Hindi man lang ako nilingon at tanging nasa kanila kuya lang paningin niya.

"Hindi, eh" I lied again. "A-Ah maybe later, ipapakilala niya na sa'kin" dagdag ko at tumingin sa kung saan nakaupo sila kuya.

Masaya si kuya habang nakikipag usap sa mga kaibigan niya, pero tanging na kay Nathaniel lang ang tingin ko. Nakikitawa siya sa mga kaibigan niya at minsan ay nagsasalita kaya lumalantad sa magkabilang pisngi niya ang dimple niya. Ang gwapo nga niya. Nagulat ako ng bigla siyang napatingin sa direksyon namin, kaya tinuon ko nalang ulit 'yong paningin ko sa librong hawak ko.

Nakita niya kayang nakatingin ako sakanya?

"Ella!" narinig kong tawag ni kuya sakin. Kaya nag angat tingin at diretsong tignan ang pwesto nila pero gano'n nalang ulit ang gulat ko nang makitang nakatingin si Nathaniel sakin ng may blangkong reaksyon.

"Oy, Ella, nakatingin 'yong lalaki sa'yo" bulong ni Kayla sa'kin. Ngumiti ako kay Kayla at saka tumayo.

"Lalapitan ko lang si Kuya" paalam ko. Tumango naman sila kaya naglakad na ako papunta sa kabilang bench.

"Halika, upo ka" nakangiting sabi niya nang makalapit ako. "Wala kayong klase?" takang tanong niya at tumngin sa mga kaibigan ko.

"A-Ah vacant class po namin kuya" utal na sabi ko.

"Hm, I see" tumango tango niyang saad. "Anong oras ka uuwi?"

"Hintayin nalang po namin na ibukas 'yong gate kuya, since wala naman po akong gagawin sa bahay" ngumiti siya at tumango.

"Sige sabay nalang tayong magpasundo kay manong Carlos, then" nakangiti pa rin na saad niya.

"O-Okay po"

Shit Bakit ba ako nauutal?!

FALLING IN HIS ARMS (On going)Where stories live. Discover now