Kabanata 3

6 3 0
                                    

MATAPOS ang klase namin ay dumeretso agad kami ng kaibigan ko sa school court kung saan nag papractice sila Kuya.

Kasama ko sila Kayla at Jasmine, at saka 'yong dalawang kaibigan naming lalaki. Sina Mike at Dave.

“Alisin mo nga 'yang akbay mo sa'kin.” sabi ko sa medyo iritang paraan.

“Bakit ba? arte naman ne'to. Naligo ako uyy!” sabi ng kaibigan kong lalaki habang 'di parin inaalis ang braso sa mga balikat ko.

He's Mike, one of my best friend or I should say my childhood best friend. Halos isang buwan na ng nagsimula ang pasukan ay ngayon nalang ulit namin siya nakasama. Dahil sa nalayo siya samin ng section. Kaya ngayon nalang ulit namin siya nakasama.


Unlike dati na halos hindi na kami magkahiwalay dahil sa closeness namin. Ang pagkakatanda ko pa nga dati ay palagi kaming napagkakamalan na kaming magkasintahan dahil palagi kaming magkasama nito eh. Todo tanggi pa ako kapag may nagsasabi ng gano'n sa'min eh, habang si Mike naman ay walang pake-alam. It's him, as usual.


Ika pa nga n'ya isipin nila kung anong gusto nilang isipin. Dahil wala silang pakialam do'n at lalong wala tayong pakialam sakanila. Kasi hindi naman sila titigil kaka-chismiss kahit sabihin pa na'tin ang totoo.

Well totoo naman. Kaya minsan pinapabayaan na lang namin.

“Aish, Kahit na! Alam mo naman na ayaw ni kuya na may umaakbay sakin eh!” reklamo ko pa.

Medyo humigpit ang pagkaka-akbay n'ya sa'kin. Suminghal s'ya sa sinabi ko.

“Tsk! Oo nga pala.” inalis niya agad ang kamay niya.

“Pansin ko lang ah. Bakit hanggang ngayon wala ka paring girlfriend?" natatawang tanong ko.

"Oo nga naman, Mike. Wala ka pang naipapakilala sa'min." sumingit si Kayla sa usapan namin.

"I agree!" sabi naman ni Jasmine.

"Bading kasi yan, si Mike" asar ni Dave kay Mike at natawa naman kami.

"Hoy! Anong bading?! Hindi ako bading ah!" sigaw naman ni Mike kay Dave at sinuntok pa ng mahina sa braso. "Baka ikaw ang bading Dave? Baka nakakalimutan mong sa'ting lima ikaw lang ang hindi pa nagkakaroon ng jowa." asar niya rin dito, pero tinawanan lang ni Dave ito.

"Hoy! Anong ako lang?!" tumatawang sigaw niya kay Mike. "Eh bakit si Ella? wala pa naman nagiging jowa yan ah?" turo niya sakin.

"Maliban sakanya, syempre! Alam mo naman na strict si Kuya Gab pagdating sa panget na'to eh" tinuro niya ako kaya tinampal ko ang kamay niya. Napangiwi siya dahil doon sa ginawa ko.

"Ang bad mo talaga Mike! Ang ganda kaya ni Ella" hinampas din Jasmine si Mike sa braso.

"Oo nga naman, Salbahi ka!" sigaw naman ni Kayla sakanya.

"Makapanget ka naman sakin. Baka gusto mong ipapaalala ko sa'yo kung ilan ang mga nagkakagusto sa'kin dito sa school, at baka nakakalimutan mong manliligaw ko dati si Carl! Baka nakakalimutan mo din na araw-araw tayong nakakakita ng mga letters, at minsan may regalo!” sumbat ko sakanya.

"Oo nga, ikaw pa nga minsan ang umuubos ng chocolate na binibigay nila kay Ella, eh" pang aasar ni Kayla sakanya. Ngumuso siya na animo'y wala nang magawa sa mga sinasabi namin.

“Oo na, oo na. Yabang niyo!” pagsuko niya. Natawa naman lalo kami “Bat 'di mo nga ba jinowa si Carl? Sayang 'yon. Edi sana kayo pa ngayon.” nag-iwas s'ya ng tingin.

“Hays kung hindi lang talaga strict si Kuya eh." nakasimangot na sabi ko. Lumingon ako sakanila kuya at nanood nalang.

To be honest, ayoko talaga kay Carl. He is arrogant and possessive. Nang aangkin siya ng taong walang kasiguraduhang sakanya nga. Gosh!


"Kunwari hindi strict si Kuya Gab sa'yo. Jojowain mo ba siya?" biglang tanong ni Kayla. Napatingin naman agad ako sakanya.

"Ahh maaaring noon, oo, jojowain ko siya. Pero kasi ngayon parang malabo na." nakangiwi kong sabi.

Nilingon nila ako ng may pagtataka sa mukha nila.

"Bakit naman malabo?" sabay nilang sabi.

"Mayroon na kasi ang nagugustuhan ngayon." nakangiting sabi ko, habang ang paningin ay na kay Nathaniel na nag didribble.

Oo, gusto ko na nga talaga siya.

"Sino?" nagtatakang tanong ni Dave kaya nilingon ko siya at nginitian.

"Secret" natatawang sabi ko.

"Kahit kailan talaga, pabitin ka!" inis na sigaw ni Jasmine. Natawa naman ako.

"A-Ah mauna na ako sainyo. Nagtext kasi si Mommy." paalam ni Mike sa'min. Taka namin siyang sinundan ng tingin hanggang sa makalabas siya ng court.

"Anong nangyari do'n?" takang tanong ni Kayla.

"Ewan ko. Bigla nalang yata na bad mood." sabi naman ni Jasmine at tumingin pa sa nilabasan ni Mike.

"Ano ba kayo. Baka naman kasi nagtext lang talaga si Tita Michelle sakanya. Alam niyo naman na Mommy's boy 'yon, eh. Kaya naman siguro umalis na siya." sabi ko sakanila. Tumango sila at tumingin na ulit sa court.

Itinuon ko nalang din ang panonood ko kila kuya at hindi nalang binigyan pansinin ang biglang pag-alis ni Mike.

Nasa kay Nathaniel lamang ang paningin ko.


Kailanman ay hindi pa ako nagkakagusto o kahit nagkakacrush man lang sa kahit kanino. Kahit nong Elementary pa ako. Friendly sa'kin ang mga lalaki and I treat them my brothers or friends, 'yon lang. I just didn't know what's with Nathaniel and why was I drawn to him from the very beginning.


Hindi ko na nagawang alisin pa ang paningin ko kay Nathaniel hanggang sa matapos ang practice nila Kuya.

Nakita kong nagtaas ng kilay si Kuya, parang may naglalaro sa isipan niya. A ghost of smile is on his face before he sighed and laughed.

"Kanina ko pa napapansing nakatitig ka kay Nathaniel." bulong niya sakin.

"H-Huh? H-Hindi ah!"

Ngumuwi si Kuya at nagkibit ng balikat. Hindi na niya ako sinagot pa.

Ala una na ng madaling araw pero hindi parin ako makatulog. Hanggang ngayon naglalaro sa isipan ko ang biglang pag alis ni Mike sa basketball court kanina.

Alam ko ang nga gano'ng kilos. Minsan ko na rin nakita kaya Carl 'yan. Ganyang ganyan siya no'ng nangliligaw pa siya sa'kin.

Shit sana mali ang iniisip ko, Mike.

Hindi ko na nga namalayan ang oras kakaisip sa  kung bakit nga ba ganoon nalang bigla ang naging kilos ni Mike.

FALLING IN HIS ARMS (On going)Where stories live. Discover now