Kabanata 1

7 3 0
                                    

"Ella halika na papasok pa tayo oh!" narinig kong sigaw ni kuya Gab mula sa baba. Nagmamadali akong nagsuot ng uniforme ko at kinuha ang mga kailangan kong gamitin para sa first day ng pasukan namin.

Grade ten na ako sa taong ito kaya excited akong pumasok para sa mga bago kung makikilala at magiging kaibigan.

"Gabriella Nicole Agravante-" naputol ang pagsigaw niya nang makita akong pababa na sa hagdan.

"Pasensya na kuya, hinanap ko pa kasi yung lipstick ko" I lied. Ang totoo late na talaga ako nagising at isama pa natin ang mabagal talaga akong kumilos.

"Oo na, bilisan mo at ilang minuto na lang late na tayo." kuya Gabriel is a very good brother to me. Naging mas maingat siya sakin at protective simula noong nag highschool ako. Hindi niya hinahayaan na napapahamak ako, at ayaw niya rin na nakikita akong nasasaktan, at lalo ayaw niya halos makita akong may kasamang lalaki except sa mga kaibigan kong lalaki, since kilala niya naman ang mga yun. And of course, he spoiled me of everything.

"Sasabay ka sakin maglunch mamaya okay." sabi niya habang binubuksan ang backseat ng sasakyan namin.

"Yes po, kuya" hindi ko naman siya pinapahirapan sa mga kailangan gawin sakin, of course nagiging mas masunurin ako sakanila ni Mommy and Daddy.

Speaking of my parents na palaging umaalis ng bahay dahil tumutulong sila sa mga taong nasasalanta ng mga malalakas na bagyo. Natatandaan ko pa dati na halos hindi ko sila payagan. Natatandaan ko pa nga na gumawa ako ng rason para lang hindi sila maka-alis ng bahay. Kesyo may sakit ako, or miss ko na silang dalawa ni daddy kaya gusto ko ng bonding with them. Pero ngayon mas nauunawaan ko pa sila kung bakit mas kailangan nilang lumuwas ng ibang lugar para lang tumulong sa mga taong nasasalanta ng bagyo. Alam ko din naman kasi na malapit sila sa mga mahihirap.

"Ella where here, let's go?" bumalik ako sa ulirat ko ng kalabitin ni kuya Gab ang balikat ko at sabihing nasa school na nga kami.

Tumingin ako sa bintana ng sasakyan namin at natanaw ko agad si Nathaniel sa labas ng gate school. For sure he's waiting for my brother. Nathaniel Sevilla is my brothers best friend, lima silang lalaki at dalawang babae sa grupo nila, pero ang pagkakaalam ko ay kay Nathaniel lang talaga pinaka-close si kuya Gab. Kaibigan na kasi ni kuya si Nathaniel since grade seven sila and the other is ngayong senior highschool na.

"Hey Nathan, ma'h friend! miss me?" sabi ni kuya Nathaniel pagkalapit niya at nakipag apir.

He chuckled "Yuck ka pre!" he said then he looked at me. Nagulat ako sa pagkatingin niya sakin kaya nataranta ako at lumapit agad kay kuya para magpaalam na.

"Kuya mauna na ako" sabi ko at tumingin kay Nathaniel at bahagyang ngumiti.

"Sabay tayo mag lunch, susunduin kita sa room mo" I nodded at tinalikuran na sila.

Naging mabilis ang paghahanap ko ng classroom namin dahil tinawag ako ni Jasmine at Kayla. Silang dalawa ay classmate at close friends ko last year.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

LUNCH BREAK

Pagkatapos ng morning class namin ay lumabas agad ako para tignan si kuya kung nandoon na ba siya, pero laking gulat ko nang ang nakita ko ay si Nathaniel na nakaupo at natutulog sa bench malapit sa room namin. Puyat ba siya?

"Hindi ka talaga sasabay saamin Ella?" tanong ni Kayla sakin.

"Sorry Kay, pero kay kuya daw ako sasabay ngayon 'e" sabi ko naman sakanya. Nilingon ko si Nathaniel na nakaupo parin sa bench pero this time gising na siya at nakatingin sa direction namin. "Bukas nalang siguro ako sasabay sainyo, magpapaalam ako kay kuya kung pwede." dagdag kong sabi, tumango nalang sila sakin at tinalikuran na ako.

FALLING IN HIS ARMS (On going)Where stories live. Discover now