Kabanata 2

8 3 0
                                    

It's already midnight but I can't still sleep so I decide na lumabas ng kwarto ko para kumuha ng maiinom na gatas. Ngunit nasa may hagdan palang ako ay natanaw ko na si kuya sa sofa at nanonood ng TV kasama si...

Nathaniel?

"Oh, Ella, gising kapa?" takang tanong ni kuya sa'kin.

"Hindi nga po ako makatulog, eh" dumeretso ako sa kusina. Kumuha ng gatas at bumalik sa sala para tumabi sakanila. "Bakit nandito pa si Nathaniel, kuya?" tanong ko sakanya pagka upo ko sa single sofa.

Nilingon nila akong dalawa pero sa TV lang nakatuon ang attention ko.

"Masyadong malakas ang ulan para pauwiin pa siya, Ella" tumayo siya at lumapit sa'kin. "Mauna na ako sainyo sa taas, inaantok na kasi ako."

"Sige po kuya, good night" tumayo din ako at humalik sa pisngi niya.

"Good night" sabi din niya sa'kin. Tumingin siya kay Nathaniel at tumango. "Pre, Good night" hindi na hinintay ni kuya na sumagot si Nathaniel at umakyat na.

Namutawi ang katahimikan sa'min ni Nathaniel kaya naisipan kong tumayo para sa kumuha ng makakain namin. Ngunit bubuksan ko palang sana ang ref nang biglang nagsalita si Nathaniel sa likuran ko.

"Bakit hindi ka makatulog?" tanong niya, pagkapasok sa kusina. Lumingon ako sakanya at nakita kong nakasandal na siya sa sink at nakatingin sa akin.

"H-Hindi ko nga alam, eh" utal na sabi ko. Binuksan ko ang ref at kinuha ang cake. "Gusto mong cake?" tanong ko sakanya. Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya.

"Kakain ka niyan?" tumingin siya sakin kaya tumango ako. "Lalong hindi ka makakatulog kung kakain kapa ng sweet"

"Nagugutom kasi ako" nakayukong sabi ko.

"Makakapag hintay kaba? Lulutuan nalang kita, if you want?" umiling ako.

"No, ako na" kumuha ako ng bacon and chicken nuggets since 'yong lang ang naisip kong madaling lutuin. "Gusto mo din kumain?" tumingin siya sa'kin at tumango.

PAGKATAPOS kong magluto ay pinagsaluhan agad namin 'yun. Nagkwentuhan at minsan nagtatawanan kami hanggang sa matapos kaming kumain.

Masaya siyang kausap.

"Ako na ang maghuhugas niyan" kinuha niya sakin ang pinagkainan namin kaya wala akong nagawa kundi ay pumayag nalang.

Naka upo ako sa high chair at tinitignan ang bawat galaw ng katawan niya habang nakatalikod at naghuhugas ng mga pinagkainan namin.

Tama nga sila, pogi nga talaga ang isang 'to. Likod palang akala mo, ang kaharap mo ay James Reid, paano pa kaya kung nakaharap na. Ang mukha niyang perpekto pa sa salitang perfect. May makapal na kilay, mahahabang pilik mata, matangos na ilong, ang mga mata niyang kulay abo na parang pinapasok ang buong pagkatao mo sa tuwing napapatingin ka doon, ang may katamtamang kapal niyang mga labi na kahit sino ay maakit dahil sa natural na pulang kulay nito.

"Ella!" bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses niya. "I said, umakyat na tayo."

"A-Ah yeah, let's go." tumayo ako at naunang naglakad.

"Ella!" napatigil ako sa pagbukas ng pinto ng kwarto nang tawagin niya ako. Lumingon ako sakanya at sakto naman ang paglapit niya. Huminto siya sa harapan ko at tumingin sa mga mata ko.

Ito na nga 'yong mga mata niyang nanghihimasok sa pagkatao ko!

Napayuko ako dahil sa pagkailang, pero gano'n na lamang ang gulat ko nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko, dahan dahan niyang hinarap ang mukha ko sakanya. Napatingin ulit ako sa mata niya, ngunit bigla nalang nanlaki ang mata ko sa gulat nang maramdaman ko ang mga labi niyang lumapat sa noo ko.

FALLING IN HIS ARMS (On going)Where stories live. Discover now