"Aba.. Gagamitin mo yata ulit yang bike mo..'' puna ni nanay Mildred ng makita syang nililinis iyon.
"ah,, opo.. Nay Mildred medyo namiss ko na tong isang to eh,," anya
"kuh ikaw tlaga.. Antagal nyo ng hindi nagkakasabay ulit ni Marco mag bike ah,, siguro namimiss ka din ng isang un.. Hindi lang nagsasalita,. Malungkot din kase ung wala kang kasama mag bike araw araw..'' Bahagya lang syang napatawa.. Si Marco mamimiss sya? Malabo yata yun masaya pa nga siguro un kc wala ng nangungulit.
Tatlong Araw na lang Student Night na, , birthday na din nya.. Nagkasabay pa ang dalawang okasyon na yun,, kaya napagpasyahan niya na huwag na lang mag party sa bahay,, magpapaluto na lang sila para sa pamilya at sa mga trabahador sa hacienda. Pumayag naman ang lolo at tito tita nya. gusto nyang tanungin si Marco kung me partner na ito sa gabing iyon..pero parang naunahan na sya ng hiya.. Baka kasi isagot nito si Carlene..
Sabagay sino pa ba? Kaya wag na lang.,. Kung hindi sya nito aalukin ay hindi na sya mag pprisinta,, Sabi nga ni Dean.. Huwag ipagtulakan ang sarili sa taong aayaw sayo o ayaw na sayo.. Masasaktan ka lang.. Dahil sa kakapilit mo.. Lalo lang syang lalayo..
Hay,, bagay na yata sila ni Dean parehas sawi ang mga puso.. Biglang nag ring ang cellphone nya..
Calling Dean,,.
"san kana??'' tanong nito sa kabilang linya.
"dito sa bahay hinihintay ka.. Bakit ang tagal mo??'' reklamo nya..
"traffic eh..'' Napatawa sya ng malakas.
"at kelan pa nagka roon ng trapik sa San Vicente?? At kelan pa rin naipit sa traffic ang bisekleta??!!'' Tawa sya ng tawa rito.
"haha,. Joke dito na ako sa tapat ng malaking gate,. Labas kana,,'' sabay bawi nito,.
"ahh baliw ka talaga Dean.. Sige wait for me.. Palabas na ako.. Byeeii''
Inilagay nya ang cellphone sa bulsa at marahang inakay ang bike nya palabas. Nagkasabay pa sila ni Marco ngayon,. Ngumiti lang sya ng bahagya sa lalaki. Wla naman itong kangiti ngiti sa kanya... Tss.. Nag effort pa kc syang ngumiti alam naman nyang suplado ang isang to!..
''Wow!! Astig!!! Tawa sya ng tawa sa bike ni Dean tadtad ng mickey mouse stickers ang bike nito pati ang maliit na tila safety helmet nito sa ulo. Bagong bili nito iyon.. Ayon dito ay gusto na nitong tularan sya magbike..tinatamad na itong magdala ng kotse..
"napagtripan ko., ginaya ko sayo,. Tadtad ni hello kitty..'' wika nito.. Saka sila nagtawanan..
"'May extra hello kitty stickers akong binili para sa bike mo may bakante pang space na walang mukha ni hello kitty eh hahaha..''
"talaga??!'' galak na tanong nya,
"May bayad yun!!'' ganti nito.
"tara na,, haha magkano ba..'' sabay padyak nya na sa pedal..
Sumunod na din ito. "mahal..haha kala mo.. Tinawanan ako nung tindera nung bilhin ko un haha akala ata bading ako.. Sinabi ko na lng para sa girlfriend ko!!!''
Lalo syang natawa iniimagine nya ang mukha ng tindera,, ang asim siguro ng mukha habang iniisip na bading si Dean,,,napakalaking kawalan sa lahi ni Adan!!
BINABASA MO ANG
Loving My Uncle's Nephew [completed]
RomanceWritten by: Denmark Princess 2015 They live in one roof..breath in the same air.. share each others food. Pero sa tinagal tagal nilang magkasama walang araw na hindi sya naasar kay Marco... Her uncle's nephew.. ang nag-iisang pamangkin ng asawa nito...