May lakad dapat si Marco kasama ang mga ka officer nya sa student council. Birthday kc ni Michelle..ung treasurer nila pero dahil kay Ana ay hindi na sya sumama.
Maaga syang umuwe ng bhay para kumuha ng sasakyan. Hiniram nya ang kotse ng tita Ester nya. Nag aalala sya para kay Ana. Kilala na nya ito. Kaninang nagpakita ito sa kanya ay nahulaan na agad nya ang nararamdaman nito. Maputla ito at tila iniinda ang sakit. Nakahawak pa ito sa puson nung iniwan sya. Tampuhin talaga.
Tiyak na matutuwa yon kapag nakita sya. Ansaya pa nman ng isang yun pag nag eeffort sya para dito.
"Hindi pa ba lumalabas ang hinihintay mo??'' bati sa kanya ng gwardya. Kilala na sya nito.
"wala pa po eh..maaga pa naman bka nasa loob pa,.'' sagot nya.
Ang balak nyay harangin ang babae pag labas nito sakay sa bike nito. Nakahalukipkip na sumandal sya sa may pinto ng kotse tinatanaw nya ang mga estudyanteng nagsi uuwian. Kanina ay sinilip nya ang bike ni Ana sa loob naroroon pa ito kaya sigurado syang hindi sila nagkasalisihan.
"diba bike ni Ana yang nasa taas ng kotseng palabas,.'' puna ng gwardya. Napatingin sya.. Oo nga bike ni Ana...
Dali dali nyang nilapitan ang kotse ng sandaling huminto yun sa tapat ng guard house para sa inspection. Kinatok nya ang bintanang bubog sa may driver seat,. Nagulat sya ng makilala ang driver.. Si Dean!! Ang lalaking minsan na nyang nakabangga dahil nagselos ito sa kanya dahil kay Carlene.
Sinilip nya ang nasa katabing upuan tama ang hinala nya naroroon si Ana. Parang nag init ang punong tenga nya.dali dali syang tumawid sa kabila at binuksan ang pinto sa side nito. Tila nagulat naman ito ng makita sya.
"ako ng mag uuwe sa kanya''sabay hatak nya kay Ana palabas.
"saglit lang Marco..anu ba..'' nagpupumiglas sya.
"Maaga akong umuwi para kumuha ng sasakyan para masundo ka yun pala magpapahatid ka naman sa lalaking yun.. Dapat sinabi mo agad para hindi ako nagmukhang tanga ditong naghihintay sayo'' Mahabang litanya nito ng makapasok sya sa kotseng dala nito. Hindi sya nakapagsalita. First time nya makitang nagseryoso sa galit si Marco.
Namumula ang mukha nito. Sinarahan nito ang pinto sa side nya at saka binalikan ang bike nya sa kotse ni Dean. Wala namang nagawa si Dean sa bilis ng kilos nito. Ni hindi sya naka pag paalam at nakapag pasalamat dito. Diretso lang si Marco ng bumalik ito matapos kunin ang bisekleta nya,.
Pinasibad agad nito ang sasakyan. Tahimik lang sya. Dinaig nya pa ang na dwende dahil hindi na sya nakapag salita, hindi nya alam kung anong sasabihin sa lalaki. Malapit na sila sa hacienda ng lingunin sya nito sa kinauupuan. Binuksan nito ang bintana ng kotse gayong bukas nmn ang aircon.
Nagtataka tuloy sya pero nagulat sya ng kabigin nito ang hawak nyang jacket. Kay Dean iyon,. Ng makuha nito ay lalong hindi nya inaasahan ang sunod nitong ginawa. Itinapon nito ang jacket sa labas.. Nasa may tulay pa naman sila kung saan may malaking ilog., pinaanod nito ang jacket sa ilog.. Napanganga sya !!
''bakit mo tinapon ???!! Pinahiram lang yun sakin ni Dean!..'' singhal nya rito,
"sabihin mo sa kanya kung gusto nya pang makuha yun talunin nya tong tulay!!'' diretsong sabi nito at di man lang sya tinitingnan. Grabe hindi sya makapaniwala.. Me ganito palang kulay si Marco. Ngayon lang nya nalaman.
BINABASA MO ANG
Loving My Uncle's Nephew [completed]
RomanceWritten by: Denmark Princess 2015 They live in one roof..breath in the same air.. share each others food. Pero sa tinagal tagal nilang magkasama walang araw na hindi sya naasar kay Marco... Her uncle's nephew.. ang nag-iisang pamangkin ng asawa nito...