Prologue

24 3 0
                                    

"Hoy! Kiann, may hindi ka sinasabi sa ’min." bungad sa akin ng dalawa kong kaibigan si Yshi at Theo. Mula Grade 7 ay magkaklase na kami hanggang sa Grade 12 magkaklase pa rin kami nagsasawa na nga ako sa pagmumukha nila.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko sa kanilang dalawa. Umagang-umaga chinichismis nila ako.

“Hindi mo sinasabi sa amin na nakapasok ka pala isa sa mga prestihiyosong paaralan dito sa lugar natin.” sagot ni Yshi nagtataka pa rin akong tumingin sa kanila.

"Prestigious School? ’Yung sikat na school dito? Eh? Paanong mangyayari na makakapasok ako roon e, wala nga akong pambayad sa gano’ng kalaki na tuition fee makapasok pa kaya doon, mag-isip nga kayo mga g*ga!" sumbat ko sa kanila.

Minsan ’di rin nag-iisip itong mga kaibigan ko. Naglakad na ako papasok sa bahay nagwalis lang ako sa harap pero chismis pala naabot ko.

"Tignan mo ang site ng Crestwood D.A University, sa tingin mo nagsisinungaling kami ni Yshi, tampalin kita d’yan e." matigas na sabi ni Theo.

Doon ko napansin na may dalang bag pala sina Yshi at Theo, ah syempre matutulog sila rito.

"Matutulog na naman kayo rito? Nagsasawa na ako sa pagmumukha ninyong! Promise sawang-sawa na ako!"

Nang makapasok kami sa loob ng bahay namin, tiningnan ko ang site ng Crestwood, and ‘holy of mother f*cker shit’ totoo nga! Nakapasok nga ako sa University na 'yon, bigla akong natauhan ng may tumawag sa akin.

"Hello po? Sino po toh?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Ito ba si Kiann Valhannan?" Tanong sa akin ng nasa kabilang linya.

"Ako nga po.... s-sino po sila?" nauutal kong tanong.

"Good day, Mr. Valhannan. I'm Mrs. Florez from Crestwood D.A University, and we're expecting you to be here tomorrow to pick up your scholarship."

"T-Totoo po ba na nakapasok po ako sa University na ’yan? Wala po bang halong biro? Hindi po ba scam ’to.” Nauutal at kinakabahang tanong ko rito hindi talaga ako makapaniwala eh, mamaya scam pala.

"Mr. Valhannan, yes of course! Hindi ito scam, do you want me to repeat? Mr. Kiann Alister Valhannan? Congratulations! Dahil isa ka sa mga nakakuha ng full scholarship ng Crestwood D.A University, we’re expecting your presence here tomorrow, have a nice day!" bago pa patayin ng nasa kabilang linya sumigaw ako agad ako dahil totoo nga ang lahat, nauntog ang hinliit ng paa ko sa lamesa.

"Thank you po! Thank you po! God blessed." masayang sabi ko at nagtatatalon pa ako.

"Mr. Valhannan, see you tomorrow." natatawang sabi ng nasa kabilang linya at pinatay ito.

"Hoy! Kiann Alister, ano naniwala ka na? Ayaw pa maniwala." iratang sabi ni Theo sa akin at tumango ako sa kanya at niyakap silang dalawa.

"Bait talaga no?, Isa ka sa mga nakuha roon, Ano gagawin mo ngayon?" Tanong ni Yshi sa akin.

"Bukas daw pupunta ako CDAU, para kunin ang full scholarship ko, totoo na ito makakapasok na talaga ako sa pinapangarap kong Unibersidad.” Tuwang-tuwa akong binabanggit sa kanila.

"Pasensya na.... hindi ka namin masasamahan doon, gaya ng sabi mo kanina mahal doon kaya ito na talaga ang pagtatapos na maging magkaklase tayong tatlo." matamlay na sabi ni Yshi.

Nalungkot ako dahil hindi ko sila makasama. Hindi kompleto ang kolehiyo kung hindi ko sila kasama.

"Ang cringe mo, tumigil ka d'yan baka 'di kita patulugin dito." sabi ko kay Yshi at bigla itong huminto at inirapan ako. Aba!

Danger of Destiny Where stories live. Discover now