Chapter 2

6 1 0
                                    

"Good Morning, Kiann." Bati sa akin ni Chris.

"Oh, Chris ikaw pala, ang aga mo naman pumasok ngayon" bati ko sa kanya. Iilan pa lang mga pumapasok dahil maaga pa naman.

"Yes because may meeting kasi mamaya ang mga officer" sagot nito sa akin.

Kaya pala noong una ko siyang nakilala ay siya nagaasikaso sa mga new students or transferee dito.

Tumango ako sa kanya, sabay kaming sumakay ng elevator dahil may kukunin siya sa 5th floor. Nagpaalam na ako sa kanya para ako naman ang pumasok sa room, maaga na akong pumasok kahit vacant namin dahil maghahanda ako para sa quiz namin.

Habang papunta ako sa room namin, tumingin ako sa kabilang building, doon naman ang building ng mga 3rd Year students. Pagtingin ko sa 4th floor ng katapat na building namin nakita ko ang lalaking higante na nakatambay sa hallway kasama pa ang dalawa niyang kaibigan. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at dumiretso sa 303 - Danzel.

Iilan pa lang ang mga tao dito. Bumati ang mga kaklase ko sa akin at binati ko na rin sila.

"Kiann?, Pwede magtanong?." Tanong sa akin ng babae kung kaklase.

"Oo naman, ano ba yun?." Tanong ko rito.

Tinanong niya lang ako about sa last topic namin kahapon, inexplain ko sa kanya ng maayos at klaro at nagpasalamat siya sa akin. Habang nililibang ko ang sarili ko ngayon at naglalaro ng mobile games. Dumating na rin si Megan at Felix.

"Ang aga mo ngayon, Kiann. Excited ka?." Tanong ko sa akin ni Megan. Natawa na lang ako. Ayoko ng nalalate ako.

"Ayoko lang talaga na nalalate ako, malayo pa naman ang bahay ko, 20 minutes byahe mas malala pag traffic 30 minutes byahe." Sabi ko sa kanya.

"Bat di ka na lang lumipat sa mas malapit?" Tanong sa akin ni Felix.

"Oo nga naman, Kiann." Pag sang-ayon ni Megan kay Felix.

"Ako lang kasi ang nakatira sa bahay, kaya kailangan ko umuwi doon sayang din ang ibabayad ko para sa boarding house na yan." Sagot ko sa kanila.

Tumango sila sa akin para sa pag sang-ayon.

After 1 hour vacant nag-umpisa na kami sa klase namin.

"Excuse po, Ma'am De Vera"

"Ano 'yun?" Tanong ng guro sa harap.

"Magtatanong lang po sana ako dito sino po mga athletic" Nagtataka ako kaya nagtanong ako sa katabi ko.

"Ano meron? Bakit sila naghahanap ng athletic?" Tanong ko sa kanya.

"Sa University na 'to, naghahanap sila ng mga athletes para ihanda sa competition" Sagot sa akin ng katabi ko kaya tumango na lang ako.

"Sino gusto sumali mga Danzel?" Tanong ni Ma'am De Vera.

"Ma'am si Kiann po!" Nagulat ako Kay Felix ng banggitin niya pangalan ko. Nyemas Felix. "Ma'am De Vera, Kiann is a Chess Champion during our High-School Days, we are from different schools at lagi ko po siyang nakikita doon and then he is always winning." Nahiya tuloy ako sa sinabi ni Felix.

'Tatapunan talaga kita ng suka, Felix pag breaktime na.' Sabi ko sa aking sarili.

"Okay, kindly join Kiann Valhannan in Chess." Nagulat ako dahil sumang-ayon si Ma'am.

"Naku naman!"

Pagkatapos nilista ang pangalan ko, may meeting daw saglit ang chess team mamayang 4pm.

"Hoy! Kiann! Tulala ka d'yan" Niyugyog ako ni Megan dahil napansin niya pala na tulala ako.

"Paano ba naman sinali ako nito sa Chess." Kakaltukan ko talaga siya ng bigla siyang umalis.

Danger of Destiny Where stories live. Discover now