Chapter 5

2 1 0
                                    

Kiann's POV

Pagkatapos ng klase ko dumiretso ako ng restaurant kung saan ako nagpapart time job. Para lang may pang-gastos ako sa sarili ko, maaga rin ako papasok bukas para sa training ko sa chess. Inaalala ko pa rin na coach ko si Xailer.

"Makakapractice kaya ako ng maayos pag naging coach ko siya?" Tanong ko sa sarili ko. "Aksidente ko siyang nahalikan at hinalikan niya rin ako, hays buhay nga naman." Yun na lang mga nasabi ko sarili ko.

"Magandang Hapon po, Ate Mabel." Bati ko sa may ari ng restaurant na 'to hindi ito sosyalin restaurant marami na rin pumupunta dito na mga mayayaman dahil sa pagkain na gawa nila.

"Kiann, anong ginagawa mo rito?" Tanong nito sa akin.

"Ate Mabel, diba dito ako nagtratrabaho.." Sambit ko sa kanya. "Alam ko nga na dito ka nagtratrabaho pero dapat sa sabado o linggo ka na lang nagtrabaho at mukhang kagagaling mo lang sa University kasi suot mo pa rin uniporme mo" sumbat nito sa akin.

"Ate maaga din natapos klase namin kaya magtratrabaho na lang ako sayang naman sweldo ko ngayong araw." Pilit ko sa kanya.

"Sige na nga pero ngayon lang 'to pagbibigyan kita magtrabaho ngayon." Ngumiti ito at pumunta sa cashier area.

May pumasok na customer at inasikaso ko na sila. Habang inaasikaso ko sila di ko inaasahan na papasok sila Kaleb at Adrian.

"Kiann, Tama ba ako?" Tumango ako "anong ginagawa mo ngayon dito?" Tanong ni Adrian sa akin.

"Dito ako nagpapart-time job 'e" sagot ko sa kanya. "Kayo ba ano ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Tatambay lang kami dito, ang boring kasi tapos yung isa iniwan pa kami ewan bat kami iniwan ng walang dahilan." Sambit ni Kaleb sa akin.

"Ganon ba? Sige may gagawin pa ako" paalam ko sa kanilang dalawa at totoo nga sinabi ng dalawa tatambay lang sila dito at naglabas sila ng laptop ng parang may dinidiscuss sa isa't-isa.

Pagkatapos ng trabaho ko, nandon pa rin ang dalawa mukhang may kausap pa sa cellphone. Nilapitan ko sila.

"Hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Nag-angat ng tingin si Kaleb sa akin.

"Mamaya pa kami uuwi, may hinihintay lang kami dito, Kiann." Tumango ako sa kanilang dalawa.

"Kung ganon, mauuna na ako sa Inyo." Sambit ko sa dalawa at nagpaalam na.

Naglakad na ako pauwi, pinakain na ako ni Ate Mabel sa trabaho kaya nakatipid na rin ako ng pagkain.

Habang naglalakad ako pauwi iniisip ko mga mangyayari bukas.

Xailer's POV

"Bro, we are all ready." Sambit ni Adrian sa telepeno. Hinanda ko na ang mga baril ko.

"Hindi pa ba kayo uuwi?" Sa kabilang linya may narinig akong pamilyar na boses, parang boses ni Kiann.

"Mamaya pa kami uuwi, may hinihintay lang kami dito, Kiann" Tama nga ako si Kiann nga yun pero anong ginagawa niya doon?

"Kung ganon, mauuna na ako sa Inyo" Nagpaalam na ito sa dalawa at di ko na narinig boses niya.

"Hey, both of you! Anong ginagawa ni Kiann diyan?" I asked them.

Danger of Destiny Where stories live. Discover now