Chapter 8

5 1 0
                                    

Kiann's POV

Kinaumagahan, nag-ayos na ako para pumasok pero pag-labas ko ng bahay marami na namang mga Marites ang nasa kalsada.

"Aling Beth, bakit ang aga naman ninyo sa labas?" nagtataka talaga ako dahil ang rami ng nasa labas.

"Aba'y tignan mo yan 'o, Kiann may mga cctv na nakakabit sa paligid, parang kagabi lang kinabit 'e". Tumingin ako sa mga poste at totoo nga na may mga CCTV na naka install.

"Project po ba yan ng kapitan natin dito?" Tanong ko dahil wala akong matandaan na plataporma niya.

"Aba'y kahit nga ang kapitan 'di niya alam sino naglagay ng mga cctv diyan." tumango na lang ako kay Aling Beth.

Nang makarating ako sa University, 'di ko inaasahan na nasa guard house pala si Xailer.

"First time late?" Tanong niya sa akin.

"Hindi naman ako late 'ah" Sambit ko dito sumabay siya sa akin maglakad pa loob. "Ikaw yata ang maaga ngayon, 'bat ang aga mo?" Tanong ko rito.

"Pina-alam kita sa Dean at sa mga Professor mo." sagot nito sa akin na pinagtaka ko.

"Bakit naman?" tinaasan niya ako ng kilay na parang bang sinasabi niya 'nakalimutan mo?'.

"Seriously, Kiann? You forgot our training?"

Bigla akong nahiya dahil nakalimutan ko agad na may training pala ako sa chess.

"Pasensya na, nakalimutan ko agad." Hinila niya ang braso ko at pumunta kami sa parang office sa University. Ngayon lang ako nakapunta doon.

"Anong gagawin natin dito?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Here, dito tayo magtra-training. So no one can bother you." Sambit nito sa akin na kinatango ko na lang.

Bago kami nag-umpisa, naglabas siya ng pagkain toasted bread at two eggs lang yun. "Mabubusog ka na niyan?" Tanong ko dito, dahil ako di ako mabubusog doon.

"Yes, why?" Umiling na lang ako sa kanya.

Habang kinakain niya ang toasted bread, nilabas na nito ang chessboard. Ako na ang nag-ayos non para di siya maistorbo kumain.

Nilabas ko muna ang cellphone ko at may nagmessage, si Felix pala. Tinipa ko ang cellphone ko at sinabi sa kanya na nasa training ako.

"Who is that?" He asked me, tapos na pala siya kumain sa bagay tinapay at dalawang itlog lang yun.

"Si Felix lang, di niya kasi alam na nasa training ako ngayon." Sambit ko.

"Kiann, like what you said yesterday ikaw lang mag-isang nakatira sa bahay mo I like to put some CCTVs there, so kahit wala ka sa bahay niyo mababantayan mo 'to." Nagulat ako sa sinabi niya. "Saan naman ako kukuha ng pang-bayad sayo para sa cctv?" Tanong ko dito.

"You don't need to pay, I'm willing to install some CCTVs in your house." Sambit ulit nito sa akin.

"Sigurado ka ba? Mamaya may kapalit pala 'to ah" Saad ko sa kanya, may binulong ito pero di ko narinig maayos dahil biglang tumunog ang cellphone ko, tumatawag sa akin si Chris.

Danger of Destiny Where stories live. Discover now