Prologue

272 27 8
                                    

THIRD PERSON'S POV

There was an angel named Ronalisa, Roni ang tawag sakanya ng mga kasamahan niya.

Isa siya sa mga anghel na kailangang gumawa ng misyon sa lupa.

At ang misyon na 'yon ay paniguradong hindi magiging madali, kahit walang kasiguraduhan ay kailangan niya pa rin itong gawin dahil ito ang iniutos sakanya.

Bibigyan siya ng katawang tao, no wings and no halo, bababa siya sa lupa ng walang bahid ng pagiging anghel.

Kailangan niyang maging guardian angel but with a twist, dahil makikita at makakausap siya ng taong babantayan niya.

Ang una niyang misyon ay hanapin itong tao na 'to na makakatulong sakanya at matutulungan niya rin.

Si Benjamin Jimenez, also known as Borj, he is 15 years old and a third year highschool student.

May mga kaibigan din siya. Sila Juanito (Yuan), Justine (Junjun) and Antonio (Tonsy). They are all a grade 9 students.

Bakit nga ba si Borj ang napili para sa misyon ni Roni?

Well, si Borj ay kilala sa school nila bilang isang bully, maraming takot sakanya dahil kilala siya sa pagiging ganoon.

At ang dahilan nito? ang kaniyang mommy. Iniwan kasi siya nito ng walang paalam at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita mula dito.

Tanging ang lolo at lola na lang niya ang nag-aalaga sakanya, 'yun ang dahilan kung bakit galit sa mundo si Borj.

May limang misyon sakanya si Roni.

Una ay ang mahanap siya. Pangalawa, kapag nahanap na niya ito ay kailangan naman niya itong kaibiganin para mapalapit sakanya at mapadali ang misyon niya.

May pag-aalinlangan siya dito dahil alam niya ang ugali ni Borj, napapanood niya kasi ang mga ginagawa nito sa langit. Alam niyang hindi magiging madali ito.

Ikatlo, kapag malapit na sakanya ang loob ng binata ay kailangan niyang baguhin ang ugali at nakasanayan nito. Kailangan niyang gawin itong Godly, mabuti at mapagmahal sa kapwa.

Ika-apat na misyon, kapag nag-tagumpay siya sa ikatlo ay kailangan naman niyang hanapin ang babaeng nakatakda sa puso ni Borj.

Which is hindi rin magiging madali dahil wala siyang idea kung sino ito. Kahit mukha o boses ng babaeng nakatakda sa binata ay hindi niya alam kaya for sure, mahihirapan siya dito.

And last but not the least, after all those 4 missions, ang huli ay kailangan niyang magpaalam ng maayos kay Borj. Kailangan niyang siguraduhin na hindi na ito babalik sa dati niyang pagka-tao.

To top it all, Roni needs to changed Borj's behavior. Also, she needs to find the girl which is Borj's the one.

Sino kaya iyon? malalaman na lang natin...

Si Roni ay isa sa mga magaganda at charming na anghel sa langit, kilala sa pagkakaroon ng napaka-buting puso.

Masayahin at mapagmahal sa mga kasamahan.

And this is it, ngayon na magsisimula ang misyon niya.

“Roni, ito na ang araw at oras na itinakda sayo para simulan ang misyon mo sa lupa. Tandaan, mayroon ka lamang ilang buwan para manatili doon.

Kapag hindi mo nagawa ang misyon mo ay makakatanggap ka ng karampatang parusa. Pero kapag nagtagumpay ka naman ay makakatanggap ka ng gantimpala.

At ang gantimpalang iyon ay maaari kang humiling ng dalawang beses mula sa akin, kahit anong hilingin mo ay tutuparin ko.

Ngayon, Ronalisa, ipapadala na kita sa lupa. Mag-iingat ka doon at asahan mong lagi kitang babantayan at ilalayo mula sa kahit na anong kapahamakan.

Hihintayin namin ang muling pagbabalik mo, paalam.”

RONI'S POV

Nagising ako mula sa pagkaka-tulog, Ito siguro ang paraan Niya ng pagpapadala sa akin dito.

Finally, isa na rin akong ganap na mortal! ang matagal ko nang inaasam-asam.

Kahit saglit lang ay ayos lang, masaya pa rin ako dahil kahit sa maiksing panahon, mararanasan kong mapabilang sa mga taong pinagmamasdan ko lang mula sa taas.

Dati pa lang gusto ko nang maging tao, parang ang saya kasi ng pamumuhay nila.

I mean, masaya rin naman maging anghel pero dahil nakasanayan ko na ay gusto ko namang sumubok ng ibang katauhan.

Una kong ginawa bago tuluyang lumabas ay ang magdasal. Ilang minuto rin ang itinagal non bago ako natapos.

Siya nga pala, nasa isang bahay ako na hindi pamilyar sa 'kin, noong bumaba naman ako ay may nakita akong mag-asawa na masayang naghahanda ng umagahan.

“Oh Roni anak, gising ka na pala, halika na rito, let's eat.” ani ng babae.

anak?

Well, mukhang sila ang magiging magulang ko. Ang saya!

Agad naman akong pumunta sa hapag-kainan upang kumain.

Hindi lang katawang tao ang ipinagkaloob sakin, ganoon din ang kung paano sila mamuhay araw-araw.

Kumakain, naliligo at natutulog.

Sigurado akong mabubuting tao sila dahil 'yun ang sinisigaw ng mga puso nila.

Hindi pala tinanggal sa 'kin ang kakayahan kong makaramdam at marinig ang isinisigaw ng puso ng mga tao.

Mapapadali ang misyon ko dahil madali kong malalaman ang itinitibok ng puso ng Borj na 'yon. Sana lang ay maging magka-sundo kami.

Hay, Benjamin Jimenez. Sana lang ay hindi ako mahirapan sayo. See you!

-----------------------------------------------------------

TO BE CONTINUED

🤍🤍🤍

Hi everyone!
Please don't forget to vote.

Thanks for reading!

Wings of LoveWhere stories live. Discover now