28: The Wings of Confusion

149 19 2
                                    

2 DAYS AFTER

BORJ'S POV

2 days had passed, mahigit dalawang araw ko na ring hindi nakikita si Roni. Nabanggit sa 'kin nila Junjun na binisita daw nila 'to nung unang araw na absent siya.

Sayang lang dahil hindi ako nakasama, sobrang laking panghihinayang ko nang malaman iyon mula sakanila.

But still, sa loob ng dalawang araw na 'yon, hindi pa rin ako nakahanap ng oras para puntahan si Roni. Sobrang dami kasing ginagawa sa school.

Bukod doon, sunod-sunod din ang pag-aaya ni Jelai. Pumunta kung saan-saan at gumawa ng kung anu-anong bagay. Bilang pakikisama, hindi ko magawang tumanggi sakanya.

Gustuhin ko mang puntahan na si Roni para dalawin at maalagaan kahit papaano lalo pa't halos dalawang araw na siyang may lagnat ay hindi ko naman magawa.

I feel guilty and disappointed to myself at the same time. Pakiramdam ko hindi ko na siya napa-priority, wala akong magawa para makita siya. Naiinis ako sa sarili ko.

Pero...sa loob ng dalawang araw na 'yon, Jelai and I's friendship became stronger, we are also more closer than before. Kulang na nga lang ay mapantayan na ni Jelai 'yung closeness namin ni Roni eh.

Masasabi ko ring masaya ako kapag kasama ko siya, I had so much fun when she's around. Nasanay na rin ako sa presensya niya, wala nang ilangan, awkwardness at hiyaang nangyayari between us.

Masaya ako because of it, kasi syempre, we're finally close.

Pero kahit anong mangyari, hindi pa rin niya mapapantayan ang pagmamahal ko kay Roni.

Minsan, may mga times na tinutukso na kami ng barkada about sa relationship status namin ni Jelai, which is we're friends, at hanggang dun lang 'yon.

Meron ding ibang students na nag-aakalang may namamagitan samin, minsan pa ay may mga naririnig kami na bagay daw kaming dalawa.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko everytime na napupunta kami sa ganoong punto. Pero para sa 'kin, kaibigan ko lang talaga si Jelai at hindi na 'yon magbabago pa.

Kung may isang babae mang nakakuha ng puso ko una pa lang, that's the only girl who I love and admire the most. It's Roni.

Sa katunayan nga, sobra sobrang miss na miss ko na siya. I want to see her so bad, as in gustong gusto ko na talaga ulit siyang makita.

Kaso lang, malabong makapasok na siya ngayon dahil kagabi lang, nung tumawag ako kay Tita Marite, mataas pa rin daw ang lagnat ni Roni. Kailangan pa muna niyang magpahinga para bawiin 'yung nawala niyang lakas ng pansamantala.

Which I understand, gusto ko rin naman na siyang gumaling eh. Para makasama na talaga namin siya, para maka-bonding ko na ulit ang babaeng pinakama-mahal ko.

By the way, kasalukuyan kaming nandito ngayon sa tambayan. Maaga pa naman kaya dito na muna namin napiling tumambay habang naghihintay sa pag-ring ng bell.

Kumpleto sana kami kung nandito si Roni, nakaka-miss talaga siya. Lahat kami dito ay puro siya ang palaging bukambibig.

“Kamusta na kaya ngayon si Roni?” panimula ni Junjun. As usual, siya ang palaging nagsisimula ng topic about her.

Pero speaking of him, aaminin ko, medyo naiinggit ako sakanya noong kinwento sa 'kin nila Yuan lahat ng nangyari nung araw na binisita nila si Roni.

He was able to held her hand, stare and take care of her, na hindi ko man lang nagawa at nagagawa. I feel jealous because of it, 'buti pa siya.

Pero kahit gano'n, hindi ko pa rin naman masisisi si Junjun. Choice ko namang mas piliing gawin ang ibang bagay kesa dalawin si Roni. Wala rin kasi akong magawa kapag nag-aaya si Jelai eh.

Wings of LoveWhere stories live. Discover now