44: Answered Prayers

190 30 7
                                    

BORJ'S POV

It's been one week since the accident happened. But still, hindi pa rin bumabalik ang consciousness ni Roni. She's still in a coma.

Pero nakakatuwa dahil sa loob ng isang linggong nagdaan, kahit papaano ay mayroong improvements and progress sakanya.

Three days ago noong pinayagan na siya ng doctor na ilipat sa regular room since medyo umu-okay naman na ang lagay niya. Comatose pa rin pero normal na raw ang heartbeat at medyo okay na rin ang lagay ng brain.

Hindi na ganoon kalala ang brain injury at internal bleeding, which makes her condition stable kahit paunti-unti.

Pero kahit gano'n, mino-monitor pa rin siya oras-oras para i-check ang kondisyon niya. Nakakagaan ng loob na talagang hindi siya pinapabayaan ng mga doctors and nurses dito.

Sobrang proud na proud din ako kay Roni dahil kahit alam naming nahihirapan na siya, hindi talaga siya sumusuko. She's fighting, my angel baby is a fighter!

By the way, balik tayo nung gabi kung saan sobrang takot ang naramdaman naming lahat lalong lalo na ako. The night where my world almost stopped.

FLASHBACK

Roni lumaban ka, Roni!”

Nang tuluyang maisara ng nurse ang pinto ng ICU, doon na 'ko napasalampak sa sahig. Hindi ko na nalabanan pa ang panghihina ng buong katawan ko, maging ang pag-hagulgol.

Halos hindi na rin ako aware sa nangyayari sa paligid ko. Basta sa mga oras na 'to, si Roni lang talaga ang laman ng utak ko, kung kamusta siya o kung ano nang balita sa loob.

I'm also hoping na magkaroon ng miracle. Her heartbeat stops, nag-flatline na rin 'yung vital signs niya. It's the end, alam kong 'yun na 'yon.

Pero hindi, I know that nothing is possible. I know that Roni can do this, hindi niya 'ko iiwan. Lalaban 'yon, siya pa ba?

“Pare, tatagan mo loob mo. Kaya mo 'yan Borj!” rinig kong saad ni Yuan habang hinahaplos ang likod ko.

Nakapalibot sila sa 'kin ngayon. Habang si Jelai, kasalukuyang sinusubukang damayan sila Tita Marite na humahagulhol na rin ng iyak.

Paulit-ulit na pag-iling ang ginawa ko, “Hindi ko kakayanin. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin sakaling mawala ulit si Roni, hindi ko na kakayanin pa.”

“Didiretsuhin ka na namin Borj, masakit din para samin na sabihin 'to pero nakita mo naman siguro na nag-flatline na siya diba? at isa lang ang ibig sabihin non...she really wants to rest.” ani Yuan.

“Borj alam naming mahirap at masakit pero ngayon pa lang ihanda mo na ang sarili mo. Don't make things hard dahil kung ano man ang mga susunod pang mangyayari, wala na tayong magagawa pa kundi tanggapin iyon.” dagdag pa ni Junjun.

“We all know that she's been part of your life pero kung ano man ang sabihin ng doctor paglabas sa pintong iyan, we have no choice but to accept it dahil hindi na natin mababago pa 'yon.” pag-singit naman ni Tonsy.

“But still, naniniwala rin akong may pag-asa pa pare. Hangga't nasa loob 'yung mga doctors and nurses habang nirerevive at pilit na binabalik ang heartbeat ni Roni, may pag-asa pa. Pero all we can do right now is to pray and seek for strength and guidance para kayanin lahat ng 'to.” mahinahong wika ni Patrick habang tinatapik ang balikat ko.

Mas lalo akong naiyak matapos marinig lahat ng ito. I feel so blessed to have them, hindi nila ko iniwan simula noon hanggang ngayon.

Takot ang bumabalot sa 'kin sa mga oras na 'to, pilit kong nilalabanan 'yung negative thoughts pero hindi ko magawa. Kinakabahan at sobrang natatakot ako sa mga posibleng mangyari.

Wings of LoveWhere stories live. Discover now