37: New Beginnings

164 24 12
                                    

BORJ'S POV

It's been a year...

I was only 15 years old when I met Roni, 16 when she left. And now? i'm 17.

Hanggang ngayon, fresh pa lahat sa 'kin. Nandito pa rin 'yung tuwa at kilig na naramdaman ko sakanya. And of course, the pain that she caused for leaving me.

Taon na ang nagdaan pero hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko para sakanya. At sa tingin ko? pang-habang buhay na 'to.

Kaya lang syempre, kailangan kong bumangon. Kailangan kong tibayan at lakasan ang loob ko dahil wala naman nang pag-asang magkita pa kami ulit.

I mean, she's an angel. Malabong bumalik siya lalo pa't tapos na ang misyon niya.

Nangako ako sakanyang hihintayin ko siya. Pero ngayon? unti-unti ko nang natatanggap. Mahal na mahal ko pa rin si Roni pero tanggap ko nang hindi na ulit magku-krus ang mga landas namin dahil imposible nang mangyari 'yon.

Simula nung umalis siya, nangako ako sa sarili ko na kakayanin ko, na babangon at magsisimula ulit ako ng panibagong buhay.

At ito na nga, nakaya ko, nagawa ko. Pero syempre, hindi naman gano'n kadali ang pinagdaanan ko sa loon ng isang taon. Sobrang nahirapan ako pero still, nagawa ko pa rin because of her.

Iniwan at sinaktan niya 'ko sa pag-alis niyang kahit siya mismo ay hindi 'yun ginusto. Dahil sa sobrang pagmamahal ko sakanya, bumagsak ako, nawalan ng pag-asa.

Pero kahit gano'n, siya pa rin ang ginawa kong inspirasyon para muling makabangon. Isinabuhay ko lahat ng sinabi niya, tinanggap ko 'yon at pilit na sinubukang sundin.

Nagpapasalamat ako sakanya dahil kahit wala siya sa tabi ko, alam kong tinulungan niya 'ko. Alam kong hindi niya 'ko pinabayaan at hinayaang lumaban ng mag-isa.

'Til now, tandang tanda ko pa lahat. Simula nung unang beses ko siyang nakita, noong nagka-banggaan kami hanggang sa gabi ng pag-alis niya.

Tandang tanda ko pa ang bawat detalye tungkol sakanya. Her favorites, how she wants to be treated, pa-baby 'yun eh. Her smile, laugh, how she talks, her voice, everything about her.

Pati ang napaka-ganda at napaka-amo niyang mukha hanggang ngayon buhay na buhay pa sa puso't isip ko.

Kahit medyo nakamove-on na 'ko sa sakit, hindi ko pa rin maiwasang hanap-hanapin at ma-miss si Roni. Andito pa rin 'yung love na pinangako ko sakanyang hindi mawawala kahit anong mangyari.

Tsaka sa sakit emotionally lang naman ako nagmomove-on eh, hindi sakanya mismo. Hindi ko siya kayang kalimutan. At katulad nga ng sinabi ko sakanya, mamahalin ko siya habang buhay.

“Borj? are you okay?” ani Leslie.

“Y-yeah, i'm okay.” sagot ko naman.

She's Leslie, a transferee. We are 4th year highschool, kaklase namin siya nila Yuan. Bukod doon, she's also my girlfriend.

We are 5 months in a relationship, wala ring ligawang nangyari between us. Kasi ang totoo niyan, she started to confess her feelings for me.

At noong araw na 'yon, namisinterpret niya 'ko. Sinabi ko kasi sakanya na she's special to me, na napalapit at napamahal na siya sa 'kin.

Pero hindi niya alam na bilang kaibigan lang 'yon, hindi niya rin kasi ako pinatapos. Dapat sasabihin ko sakanya non na hanggang kaibigan lang ang kaya kong i-offer sakanya dahil si Roni pa rin talaga ang totoo kong mahal.

Kaso lang, huli na ang lahat. Hanggang sa siya na mismo ang nagtanong kung pwede niya 'kong maging boyfriend dahil nga sa akala niya ay pareho kami ng nararamdaman.

Wings of LoveWhere stories live. Discover now