MIKHAIAH

1.1K 39 21
                                    

Umuulan na naman. As usual, wala akong dalang payong. Binilisan ko ang paglalakad patungo sa bus stop para hindi ako ma-late. Sa apat na linggo kong pagpasok ay ilang beses na akong muntik hindi makapasok sa klase.




"Ang sakit ng paa ko. Why do I have to attend school sa morning, argh." Bulong ko sa sarili ko habang nakakunot ang noo at mabilis na naglalakad sa sidewalk.




Basa na ang buhok ko dahil sa pagpatak ng ulan pero wala naman akong choice. Kasalanan ko rin naman kaya wala akong karapatan magreklamo.




"Oh my gosh!" sambit ko nang makitang paalis na ang bus. Kahit pa nakakahiya ay sumigaw ako habang hinahabol 'yon. "Kuya, sasakay po ako!"




Mabuti na lang ay narinig ako ni kuya at huminto ang bus panandalian. Nakita ko pang nagtawanan ang iba nang makasakay ako pero binalewala ko na lang iyon. Sa hiya ko ay nagtakip ako ng face when I sat down.




Antok na antok pa ako nang tuluyan akong makasandal sa upuan ng bus. I closed my eyes for a bit. Nagising na lang ako sa maingay na busina ng bus. Ako na lang pala mag isa rito. Nakakahiya na itong araw na 'to. Grabe ba!





"Oh, saan ka galing teh? Lumangoy ka ba sa ilog at ganyan ang itsura mo?" tanong ni Ria, friend ko.





"No. Di ako nagdala ng payong. But, okay lang kasi di naman ako late." Sabi ko pa. Ilang minutes lang ay dumating na rin ang prof.





After ng tatlong sunod sunod na klase ay antok na antok pa rin ako. Ilang beses na akong naghikab sa harap ni Ria kaya pati siya ay inaantok na rin.





"OA mo naman maghikab, Aiah. Pang siyamnapu't siyam mo na 'yan."




"Siyam na what- anyway, need ko ng wi-fi sa gym. Can you help me? Wala akong load, eh."




"Singkwenta lang load, teh."




Kahit puro siya reklamo at side comments ay sinamahan niya pa rin ako. I just need a good wi-fi connection para magpasa nung essay ko na hindi ko pa tapos. Sa gym rin kasi pinakamalakas ang signal.




"Omg, sayang. Tapos na ang basketball team. Di mo nakita si Gael." Aniya na hinayang na hinayang ang pagsasalita.




"Sino naman 'yon?"




"Sabagay, bagong salta ka nga pala. Heartthrob si Gael, no. Yung mga kaklase nga natin, inistalk na 'yan unang kita pa lang. Ang pogi niya kaya." Aniya. The heck? Uso pa pala ang mga heartthrob eme eme na 'yan.




"So sad for you, girl. Wala kang choice, samahan mo nalang ako gumawa ng essay ko."




I started typing on my laptop pagkatapos ng mga kuda niya. Narinig ko na lang na nag chi-cheer siya sa mga naglalaro.




"Ang galing din talaga nitong si Mikha. Maganda rin. Hay, sana all na lang."




Napatingin naman ako sa court kung saan may nag lalaro ng volleyball. "Asaan?" tanong ko.




"Ayun oh, si red hair. Ang ganda, 'di ba?"




Kumunot ang noo ko at tinitigan ang sinasabi niya. In fairness, maganda nga. Nailang ako nang bigla rin itong napatingin sa akin habang mataman ko rin siyang inaaninag. Kanina ay nakangiti pa siya dahil kaka score lang nila, ngayon ay parang badtrip na ang ate ko. Nakakabadtrip ba mukha ko?





Na curious ako sa laro nila kaya tumigil muna ako sa pagtitipa. She's really good. I think she's kinda popular too dahil may mga nag chi-cheer pa sa kanya sa kabilang side ng gym.





RAIN ON ME (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon