Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit ako nandito sa kotse ni Mikha.Wala akong ideya kung anong mga nangyayari sa kanya. Bigla niya na lang akong hinablot doon at ngayon ay narito kami sa kotse niya, still in the parking lot.
"Where do you wanna eat?" tanong niya sa akin habang abala sa cellphone niya.
"Uh, ano na lang, KFC?" sagot ko. Meron kasi sa ilang block lang kaya hindi na mahirap puntahan. She seems in a bad mood kanina kaya takot rin akong magtanong.
"Are you mad I snatched you?" tanong niya nang i-start ang makina.
"No. Hindi sa ganun, uhm, baka nagulat lang din ako. I didn't expect you kanina." sabi ko. Si Gael talaga ang dapat kasabay namin ni Ria today since birthday niya at may free lunch sa canteen.
Nagulat ako nang bigla niya ulit patayin ang makina. Humarap siya sa akin.
"So, may lunch date nga kayo? Ihatid na ba kita sa kanya?" she said in a cold tone.
"Hala, no. It is his birthday. He invited us both, si Ria..." paliwanag ko. Napayuko ako dahil sa talim ng ekspresyon niya. Although she's usually like this, parang may kasalanan akong ginawa. I don't know why I'm feeling guilty.
"Hmm, do you wanna go there?" tanong niya sa akin. I looked at her.
"No." I wanna go with you.
"Sure?" she asked.
"I'm a little hungry. Can we go to KFC now?" I said. She looked at me again, now with a grin on her face bago lumapit sa akin. Ang bilis magbago ng mood.
Nagpanic ako nang umamba siyang yayakap sa akin. Rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Pag-ikot ng braso niya sa katawan ko ay sinalubong ko na rin ang pagyakap niya sa akin.
I tapped her back like a mother to her kid. Gently.
"Why are we hugging?" I asked pero hindi siya sumagot. Lumayo lang siya sa akin saka kinabit ang lock ng seatbelt ko.
"I don't know. Why'd you hug me?" aniya at ngumisi. That playful smile, kainis!
Nakakahiya na naman! Akala ko yayakapin niya ako. Seatbelt lang pala. Ang bobo ko ba?!
I pouted the whole ride hanggang makarating kami sa KFC. Syge ordered the food at ako naman ay naghintay lang. Wala akong pasok until 3 pm so okay lang na late ang lunch. Hindi ko lang alam if may class si Mikha.
Natagalan siya sa counter so sinilip ko na. Hindi rin kasi madami masyado ang tao kaya nagtataka ako kung bakit siya matagal.
There I saw her talking to a girl. She's beautiful, too. Morena at sobrang ganda ng kutis.
Nakita ata ako ni Mikha nang mapabaling siya sa direksiyon ko. Umupo na lang ako ulit and just what I expected, kasama niyang bumalik sa table namin ang babaeng kausap niya.
"Aiah, this is Julia. She's a friend of mine. Juls, this is Aiah."
"Nice to meet you, Aiah. Tama nga ang mga narinig ko, you're gorgeous. Right, Mikha?" ani Julia kay Mikha pero nag iwas lang ito ng tingin saka bahagyang namula.
So this is Julia, yung hinatid niya kanina. Maganda siya. At sobrang clingy kay Mikha Lim. Julia's hand is wrapped around Mikha's waist at paminsan minsan pang pumipisil.
"Aiah, nice meeting you again. I'll be off na kasi may lakad pa ako. Enjoy your lunch. Take care, Miks." paalam niya saka humalik sa pisngi ni Mikha na parang normal lang.

BINABASA MO ANG
RAIN ON ME (MIKHAIAH)
FanfictionAn AU where Aiah is a freshman who became a fan of Mikha, a volleyball player. A MIKHAIAH AU PLEASE SEPARATE FICTION FROM REALITY! THIS IS A GXG STORY.