"Did you just give away my umbrella?"
Naestatwa ako at hindi makapagsalita. Ang tagal naming nakatitig sa isa't isa bago may lumabas na salita sa bibig ko.
"Uh, n-no-"
"Nevermind." aniya at kinuha ang bag na nasa gilid ko saka na tumalikod sa akin.
Galit ba siya? Hindi ko naman pinamigay ang payong niya.
"Aiah, sorry. Badtrip ata si boss." sabi ng isa.
"It's okay. I think it's my fault, nasa akin kasi ang payong niya and, uhm, tell her na isosoli ko na lang later." bilin ko saka na rin umalis ng gym.
Masama nga namang tignan ang nangyari. Pero mali ang iniisip niya, kasi hindi ko naman ipapamigay yung payong na iyon, lalo pa at siya ang may ari. Naiiyak ako sa katangahan ko, huhu.
I spent the whole day finding Gael everywhere. Hindi na ako nakapasok sa isa ko pang subject. Kanina pa ako hinahanap ni Ria pero hindi ko naman masabi na hinahanap ko kumuha ng payong ko na hindi ko naman payong.
"Hi, excuse me. Do you know Gael? The basketball team captain?" tanong ko sa isang lalaking may suot na jersey. He might know where he is.
"Ah, si kap. Nasa clinic kanina."
"Okay, thank you." sabi ko at nagmadali na papunta roon. Sa pagmamadali ay hindi ko na napansin ang nilalakaran ko at bumunggo sa kung sino.
Napaupo ako sa sahig. Ang buhok ko ay napunta sa mukha ko kaya hindi ko agad nakita kung sinong bumunggo sa akin.
"Look where you're going." aniya. Nabosesan ko siya kaagad kaya nagpanic ako.
"Mikha, I was just, I was looking for Gael-" hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko dahil nilampasan niya na ako kaagad.
I am feeling so frustrated right now. My gosh! Kailangan kong mahanap ang lalaking iyon.
Pagdating ko sa clinic ay nakita kong nagtatawanan si Gael at iba niya pang kasama. Beside him is a bed. Nakahiga ang isang lalaking injured dahil nakatali ang paa.
"Aiah-"
"Where's my payong?" bungad ko sa kanya. Agad niya naman iyong kinuha sa gilid. Basang basa pa ito pero agad ko nang kinuha sa kamay niya at umalis na roon.
Ngayon naman ay si Mikha ang hahanapin ko. My gosh, I'm so tired na. Ang laki laki ng campus!
I took my time wiping Mikha's umbrella nang maupo ako sa bench. Swerte namang nahagip ng mata ko ang pula niyang buhok. Naka varsity jacket siya at nakalugay na. Hindi kagaya kapag nasa court na naka bun.
Nagmadali akong itupi ang payong at mabilis na naglakad patungo sa kanya. Bago siya lumiko sa hallway ay hinila ko na ang kamay niya. Ang bilis niya maglakad.
"Mikha, wait!" sabi ko. Hinabol ko ang hininga ko sa harapan niya habang hawak ko siya sa braso. Agad naman siyang napatingin sa paghawak ko kaya inalis ko rin kaagad.
"What are you up to? You look restless." puna niya sa itsura ko. Agad kong inayos ang buhok ko. I ran my fingers through my hair. Bahala na kung mukha akong ewan.
"Sorry. Hindi ko pinamigay itong payong mo. You know that guy? Si Gael. Hinablot niya sa kamay ko-"
"Yeah. Akin na." aniya na hindi ako pinapatapos.
![](https://img.wattpad.com/cover/372067455-288-k318109.jpg)
BINABASA MO ANG
RAIN ON ME (MIKHAIAH)
Fiksi PenggemarAn AU where Aiah is a freshman who became a fan of Mikha, a volleyball player. A MIKHAIAH AU PLEASE SEPARATE FICTION FROM REALITY! THIS IS A GXG STORY.