"Akala mo 'di ko napapansin 'yang kabaliwan mo kay Mikha? Sus, Aiah. Nakita ko searches mo sa fb kanina." sabi niya habang kinakain ang hotdog na ni-libre ko sa kanya.
"Fan lang ako, Ria. Huwag ka ngang OA."
"Ako pa ang OA? Mabanggit nga lang pangalan niya, halos mabali na leeg mo kakahanap. Teh, ayos lang naman kung sa babae ka nagkaka interes. Kaso, parang olats ka. Mukha straight naman 'yan." sabi niya kaya nanahimik na lang ako.
Hindi naman ako ganon ka-delusional para hilingin na magustuhan ako ni Mikha. Hinahangaan ko lang naman siya at iyon lang 'yon.
Happy na ako sa interactions namin. Kahit pa kahiya hiya ang mga unang pangyayari. Bad shot pa ako dahil sa payong niya.
Weekend came. Magdamag na naman akong nanood ng k-drama at anime. Hindi rin nakatulong ang panonood ko ng Haikyu dahil si Mikha Lim na naman ang naaalala ko.
Naisipan ko na lang lumabas ng bahay para bumili ng snacks sa tindahan sa tapat. Kaso, mukhang pinaglalaruan ako ng tadhana dahil pag bukas ko ng gate ay tumambad sa akin ang isang Mikha Lim na naka itim na t-shirt at wide leg pants. May suot ring siyang wayfarers at mukhang kakatok na sa gate namin.
"M-Mikha? What are you...doing here?" mahina kong sabi.
"Oh, uhm, napadaan lang. I...I remembered you live nearby so, so I decided to say hi. Hi." aniya na nauutal pa.
"Lasing ka ba?" tanong ko.
"What?"
"Lasing ka ba at bingi?" tanong ko ulit.
"I'm not! I'm sober. Why would you assume that? Tsk."
"Kasi, andito ka." sagot ko at sumandal sa gate.
Nanlaki ang mga mata ko nang simulan niya akong tignan mula ulo hanggang paa.
"Bagay sa'yo." aniya. Saka ko lang na-realize na suot ko ang daster ni mama at hindi pa magkapares ang suot kong tsinelas. OH MY GOSH!
"Giatay!" sigaw ko at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay at nagpalit ng disenteng damit.
Walang humpay na kahihiyan na lang, Aiah!
Paglabas ko ay nakita kong nasa loob na ng bahay si Mikha at hinahainan na ng meryenda ni Mama.
"Anak, bakit naman hindi mo pinapasok itong kaibigan mo? Ang init init sa labas." sabi ni mama. Kaibigan pala, huh?
I am so confused right now. Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Tapos nagpakilala pang kaibigan ko sa nanay ko. Are we even- I mean, gosh!
------
Mikha's POV
"Kanina ka pa?" Jho asked nang datnan niya ako sa court.
"Yeah. I had nothing else to do." sagot ko pero tapos na akong mag train for today. Optional lang ito dahil weekend naman.
"Hindi ka pumunta sa usual spot mo?"
"Nah. Wala ako sa mood."
Kahapon pa ako walang gana sa lahat. Aiah walked out on me yesterday. Nailang siguro. O baka na-off sa ugali ko.
Damn it. Bakit ba kasi ganito ako? Hindi ako makapag-isip nang maayos kapag malapit siya sa akin. All I can hear is my heart, trying to break my rib cage.

BINABASA MO ANG
RAIN ON ME (MIKHAIAH)
FanfictionAn AU where Aiah is a freshman who became a fan of Mikha, a volleyball player. A MIKHAIAH AU PLEASE SEPARATE FICTION FROM REALITY! THIS IS A GXG STORY.