SIXTH

299 7 2
                                        

Two weeks after it almost happened. Two long weeks na rin kaming hindi nag-uusap o nagkikita man lang ni Mikha.

I feel like she played me. But, on the other hand, ako rin naman ang unang nagpakita ng motive. Naging taga-hanga ako at agad na naghangad ng connection between her.

It was my fault after all.

Madalas kong makita ang mga kaibigan niya. Lalo na si Colet. She visits me from day after day. Hindi natuloy ang pag visit ko kay Mikha last weekend dahil obvious na sagot naman ang nangyari.

Minsan, gusto kong tumambay sa gym pero dahil may practice sila ay sa ibang pwesto kami tumatambay ni Ria.

Si Gael din ay madalang kong makasalubong. Siguro dahil na rin sa ginagawa kong pag-iwas. Ayoko na rinh madamay sa gulo nila ni Mikha. Besides, Mikha's plan worked out. Parehas ko na silang nilubayan.

But Colet, she became a friend. Hindi niya nababanggit si Mikha whenever magkasama kami. At least she knows na hindi ko rin magugustuhan kung sakali.

"Aiah, tara na. Nagugutom na ako." aya sa akin ni Ria.

Gusto niya raw kumain sa KFC kaya doon na lang kami pumunta. Memories came rushing. Dito kami kumain last time ni Mikha. Where I met her friend, at kung saan kami nag review.


Siguro okay na rin ang ganito. She's still a good memory kahit papano.


"Hindi ka ba manonood ng laban nila Mikha? Parang hindi mo siya nakaka interact lately." aniya. Napansin niya rin pala. Naging busy kami sa school works. Malaking tulong sa akin ang maging busy para hindi ko siya naiisip.


"Hindi na muna. Madami pa tayong gagawin."


Puro pagdadahilan na lang ang nasabi ko kay Ria. Paano ba naman tanong nang tanong, ayoko ngang pag usapan.


I opened my phone and checked my Instagram. Hindi na rin nag message sa akin si Mikha.


I clicked Colet's message. Kagabi pa pala 'to, ngayon ko lang nakita. Nakita ko ring may naka post sa story niya kaya tinignan ko. Napakunot ang noo ko nang makitang picture iyon ng binti niya. Nakabalot ng gauze at parang injured.


I immediately called her at sumagot naman agad.


"Colet, what happened?" histerical kong tanong.

"I'm injured-"

"Nasa clinic ka pa? I'll be there in a minute."


Agad kong hinila si Ria at nagtungo na sa clinic. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Maloi at Jho. Si Colet naman ay nakahiga lang at nagpapahinga.

"Aiah, bakit ka pa pumunta?" ani Colet.

"'Di ka man lang ngsabi sa akin pero nagawa mong i-post." sabi ko at tinignan ang paa niya.

Mabuti na lang at wala rito si-

"Ayan na pala si Mikha." ani Maloi. Agad akong napalingon sa direksiyon niya. I gasped once again.


After two weeks of not seeing her, ngayon ko lang siya ulit nakita. Tumingin siya sa akin pero saglit lang, ako naman ay agad na nag iwas ng tingin.


Tumabi kami ni Ria sa gilid. Yumuko ako nang bahagya para hindi na kami magsalubong ng tingin dahil ibang-iba ang epekto ng mga pagtitig niya sa akin. Para akong matutunaw.


"What's gonna happen now, miss?" rinig kong tanong ni Mikha sa nurse.

"Hindi siya pwedeng maglaro sa susunod na games niyo. At least give it a day or two. Hindi naman severe." nakahinga ako nang maluwag. At least hindi forever pilay si Colet.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RAIN ON ME (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon