Zia's POV
"Ma, bakit wala ka pong picture noong nagbubuntis ka saakin?" Tanong ko kay mama habang naka kunot noo "Anak kasi hindi pa uso ang mga mobile phones noon, wala rin kaming sapat na pera pang bili ng camera kaya wala kaming picture noong pinagbubuntis kita" Ani mama, alam kong nagsisinungaling si mama saakin, bata pa lang ay nakukutya na akong ampon ngunit patuloy na tinatanggi ito ni papa at mama.
Ang bunso kong kapatid ay halos pinagbiyak na bunga sila ni papa, at ang sumunod naman saakin ay kamukha naman ni mama. Pagtungtong ko ng Highschool ay doon ko napagtanto ang mga bagay na ito, lagi kong tinatanong saaking mga magulang kung totoo ba ang pangungutya saakin ngunit disidido talaga silang tanggihan akong sagutin nang totoo.
Ngunit sa kabila nang pag dududa nanatili pa rin akong malambing saaking mga magulang. Senior High na ako next School Year ngunit baby pa rin ang turing saakin ni mama at papa, sobrang blessed ko dahil sila ang mga magulang ko.
*Tok, tok, tok* Tao po andiyan po ba si Zia tita Mel?" Ang best friend kong si Andilayne Louise Zepora, Andy for short. for sure mag-aaya na namang gumala o kumain ang babaeng 'yon, kairita gusto kong matulog buong bakasyon ani ko sa isip nang naka simangot "Zia, anak tawag ka ni Andy!" bulyaw ni mama mula sa baba "Opo ma pababa na po!" sagot ko naman.
"Bes, may gaganaping singing contest this week sa baranggay, sali tayo? dagdag ipon na rin this summer." Ani Andy "Kailan 'yan bes? sige sali tayo!" sagot ko "This Wednesday na bes sa gaganaping Foundation Day ng Malabon" ani Andy "Sige bes go ako d'yan, thanks sa info besty kong pretty mwuah!" Nguso ko sakanya sa malayo agad namang kumunot noo si Andy na para bang nandidiri, 'napaka arte talaga ng babaeng 'to' ani ko sa isip nang naka simangot.
-Wednesday-
FF- Araw na ng contest at nag hihintay nalang kami ni Andy na tawagin sa stage, mauuna saakin si Andy kumanta ngunit kinakabahan ito, madaling panghinaan ng loob ang best friend ko dahil lumaki rin siyang nabubully at nag mamanifest lahat nang 'yon ngayong tumanda na siya, kaya kami ang nagkasundo noon dahil pareho kaming kinukutya ng kapwa mag-aaral.
Ako na ang pina-una ni Andy at pagtapak ko pa lang ng stage nakita ko ang familiar na mukha, tama kamukha ko siya ngunit isa siya sa mga judges namin napatitig din siya saakin na para bang kinikilatis ang aking itsura.
Isinawalang bahala ko nalamang ito at patuloy nang kumanta, kinanta ko ang Sayang Na Sayang by: Aegis paborito ko itong kanta dahil ito lagi ang nagpapanalo saakin kada contest na sasalihan, sa taas ng boses ko ay kayang-kaya kong abutin ang mga high notes nito.
🎶"Sayang na sayang talaga
Dating pag-ibig na alay saiyo
Sayang na sayang talaga
Pagmanahal na di ko
makakamtan sa iyo"🎶
Nagsi tayuan ang mga judges at nagpalakpalakan sa aking birit bukod sa isang lalaking judge, siya ang familiar na namumukhaan ko dahil kamukha ko siya, nakatitig lamang ito nang mabuti saakin hanggang pag-alis ko ng stage.FF- Awarding na at ang mananalo ay mag uuwi ng twenty thousand pesos, hindi na mabilang na santo ang tinawag namin ni Andy upang maka pasok lamang sa placement, kahit hindi champion basta ay may maiuwi.
"And the winner is...Qaziara Avila!"
nag tatatalon ako sa tuwa dahil hindi ko inaasahang ako ang mananalo dahil sa 20 contestants na sumali at mga biteranong mang aawit pa ito, nakakuha ng third place si Andy at pareho kaming tuwang tuwa "Ang galing natin bes! apir!" Ani Andy na nagtatatalon sa tuwa "Congrats to us bes! oh sha uwi na kaya tayo? bukas nalang tayo mag celebrate malalim na rin ang gabi, bes" Ani ko "Let's go bes, tara na!" Ani Andy na mapupunit na ang panga kakangiti.
Hindi natuloy ang mga hakbang namin ni Andy dahil humarang ang lalaking judge kanina na namumukhaan ko, "A-ahh.. ano pong sadya niyo saamin? Nauutal kong Tanong "Qaziara Avila?" Tanong nito saakin "O-opo ako nga po, bakit ho?" Tanong ko dito "Can I talk to your parents tomorrow? I will go to your house to formally introduce myself, just give me your address, hija"
Binigay ko ang adress namin dahil mukha namang mabait ito, around 50's na ang lalaking 'yon at mukhang mayaman talaga, hindi ko alam kung anong sadya niya saamin ngunit nagdududa na rin ako.
End of Chapter- 1don't forget to vote guys, ty for reading! 🫶🏻
YOU ARE READING
What I've Survived Might Kill You
Mistério / SuspenseIt was cold and dark I felt like I just woke up from a deep sleep, as I opened my eyes I saw nothing but darkness I was in the room, my hands are chained as well as my feet I tried to scream but they gagged me, that night I just want to get out on t...