Chapter- 4 Realisations

29 16 0
                                    

Kin’s POV

Takot pa akong aminin sa sarili kong in love ako dahil most of the time babae ang umaamin saaking they like me, this time it was me.

I fell in love with Zia, the way she talks, the way she walks, the way she dressed, i love everything about her.

"Zia, free ka mamayang uwian? let's have a coffee if papayag ka, hehe?" Wtf man alam kong tanggal angas ko rito pero anong magagawa ko? crush ko eh.

"Uhm sorry Kin busy kasi eh, tatapusin ko pa kasi yung part ko sa project, maybe next time?

Lagi ko siyang inaaya kapag may free time ako at walang training, being a student athlete is exhausting pero kapag gusto mo may paraan, kaya nga may oras pa ‘ko kay baby ko Zia eh

Nakita ni Zake na inaya ko si Zia, nagpapaunahan kami ngayon sa puso ni Zia pero sorry siya ako nauna, sobrang torpe ni Zake kaya hindi siya maka score eh, reason niya kaya niya naging crush si Zia eh magkatabi lang daw sila ng room at lagi niya raw itong nginingitian at ngumingiti raw pabalik?

what a lame excuse kaya kong punitin panga ko kakangiti kay Zia habang kasama siya noh, si Zake hindi.

Aayain ko na rin sana siyang maging prom date ko, mag po-prom-posal ako bago pa maunahan ni Zake.

-End of Kin’s POV-

As time passes by palala na nang palala ang mga nangyayari, Kinros developed feelings for Zia and Adhira hates it, everyone in the school knows that Adhira likes Kin but knowing Kin he doesn't want those 'easy to get' girls, kaya naman kumukulo ang dugo nitong si Adhira kay Zia.

Adhira’s POV

"She took everything from me, si dad, being a campus queen and now si Kin? I won't let her take Kinros away from me!" Adhira said while biting her lips, nakasanayan niya na talagang kagatin ang labi kapag naiinis or nagagalit siya.

"So what's your plan now? for sure tuwang tuwa na yung twin sis mo dahil nagkaka gusto sakanya si Kin, gosh Adhira what's happening to you?" nangungutyang tanong ni Gil

"Puwede ba girls I don't know too parang mababaliw na nga ako sa nangyayari eh, fuck it, fuck Zia, fuck you all!" Sigaw nito sabay hampas ng kamay sa lamesa

"Look for Zia you two, gawin niyo lahat para magsisi siyang nilandi niya si Kin"

I saw Kin at the hallway may flowers siyang dala kanino niya naman ibibigay? Bago pa siya maka habang ulit ay hinarang ko na

"What's with the flowers? don't tell me it's for promposal? gosh Kin you don't have to, alam mo namang papayag ako agad basta ikaw, eh"

"It's not for you Adhira, I don't even like you why would I? He smirked like a jerk

"Don't tell me it's for Zia? what the fuck Kin bakit siya pa? andito ako, ako nalang please? Siniil ko agad siya ng halik nang makita ko ang kambal ko sa hallway

"hmm ug-ouch, Kin bakit mo ako tinulak?!" Pasigaw na bulong ko rito

"What the hell are you doing Adhira, ano nalang iisipin ng mga tao? andaming naka kita rito, shit! kapag nakita ‘to ni Zia and she doesn't accept my prom-posal you're the one to blame" Sigaw nito saakin, nangigilid na ang mga luha ko kaya’t nag walk out na ako agad.

Zia you freak, Kin hates me now because of you I’m gonna kill you!

-End of Adhira’s POV-

Zia’s POV

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nakita, akala ko seryoso na si Kin saakin, hindi pala.

They kissed infront of me, parang binuhusan ako ng malamig na tubig

While walking pinipigilan kong hindi maluha, wala akong karapatan at alam kong pinag ti-tripan lang naman talaga ako ni Kin.

Nakasalubong ko sa daan si Zake and he asked me "Hey, Zia bakit ang bilis mo mag lakad?"

"Pinagti-tripan lang ba ako ng best friend mo, Zake? sabihin mo na hanggang hindi pa huli ang lahat!" Sigaw ko rito

"Teka, teka ano bang nangyari why are you shouting? and why are you crying?" Tanong nito

"I saw Kin and my twin, kissing. Now tell me if pinagpupustahan niyo lang ako or pinaglalaruan lang ba talaga?!" Sigaw ko rito

"god dang Kin And Adhira kissed? wala akong alam sakanilang dalawa Zia, at lalong hindi kita pinagti-tripan malinis ang intensyon ko sa’yo" Ani nito nang may malambing na boses

Niyakap niya ako at hinayaang umiyak sa braso niya, hindi ko na kakausapin si Kin magmula ngayon.

Hayst bakit ka ba kasi naniwala sa gagong ‘yon? he's a play boy Zia remember?

Uwian na at naglalakad na ako pababa ng building, nakasalubong ko ang mga kaibigan ni Adhira si Aoki at Gil pinapunta nila ako sa Fire Exit at agad naman akong sumunod dahil akala ko sasabay si Adira umuwi

Pagkatapak ko pa lang sa loob ay nagulantang na ako sa lakas ng kamay na dumapo sa mukha ko, sinampal ako, pagkatingala ko ay nakita ko si Adhira, sinampal ako ni Adhira.

Hindi pa ako nakapalag nang bigla naman nilang tinali patalikod ang mga kamay ko at tinali ako sa upuan

"Adhira ano ‘to?! pakawalan niyo ko bakit niyo ko tinali?!" Sigaw ko sakanilang tatlo

"You have taken everything away from me, una si dad, my popularity, and now si Kin? really? kaya ka ba umuwi sa mansion para nakawin lahat ng akin, Zia?!" Sigaw nito saakin

"What the hell are you saying? walang namamagitan saamin ni Kin, kung gusto mo siya, sa’yong sa’yo na siya isaksak mo sa vageygey mo!" Ani ko rito na nang aasar

Bigla naman akong sinampal ni Gil,
"Ouch, how dare you?! isusumbong ko kayo kay daddy!"

nakakalimutan ata ng mga kaibigan ng kambal ko na isa pa rin akong Haradera

Putok na ang labi ko at puro pasa na rin ang mukha ko, naramdaman ko ring may tumutulong dugo na sa ilong ko sa lakas ng mga hambalos nila saakin

Tinanggalan naman nila agad ako ng tali nung tapos na silang bugbugin ako, ginapang ko ang doorknob para makalabas dahil iniwan na nila ako mag-isa

Umiiyak akong lumabas ng Fire Exit nang biglang may naaninag akong lalaki, si Zake. Matutumba na sana ako noon dahil sa hilo at panghihina nang bigla niyang saluhin ang waist ko

nagtitigan kami mga ten seconds sa ganoong posisyon, ako na ang unang umiwas ng tingin dahil wala atang balak ang lalaking ‘to

"Anong ginagawa mo rito Zia gabing gabi na and WHAT THE HELL?! anong nangyari sa mukha mo? sinong gumawa niyan?!"

"Secret, n-nahihilo ako Zake puwede mo ba ako ibaba kahit diyan lang sa hagdan?"

"No Zia ihahatid kita, gabing gabi na baka mapano ka" May kinuha siya sa bulsa niya at pinahid ito sa ilong at labi ko I bet panyo niya ‘yon, sobrang bango. HINDI KA KIKILIGIN SELF HUWAG KANG ANO!

Parehas kami ng strand ni Zake HUMSS ang kinuha niya kaya nakakasalubong ko siya parati, nginingitian niya ako lagi at ngumingiti naman ako pabalik

Sinakay niya na ‘ko sa kotse niya I sat at the front, sa passenger seat ambango ng kotse niya ‘di ko mapigilang isiping may OCD siya dahil lahat ng gamit niya malinis at mbabango

He insisted to drive me home, kilala naman ng lahat ang Haradera Village kaya hindi na mahihirapan si Zake na ihatid ako

Natulog nalang ako buong 20 minutes na biyahe dahil grabe na ang hilo at sakit ng ulo ko, dagdag pa ang sakit ng katawan ko parang lalagnatin pa ata ako nito pero hindi puwede exam na namin bukas, si universe naman pinaglalaruan ako eh.

End of Chapter- 4

don’t forget to vote guys, ty for reading! 🫶🏻

What I've Survived Might Kill YouWhere stories live. Discover now