chapter 2

1 0 0
                                    

Chapter 2

I’m just quiet while I am eating. Nasa living room kami kumakain at naka-upo sa may sofa. Katabi ko si Tatrina at Missy na ang ingay-ingay dahil sa mga kaibigan ni Farrah.

"Hoy! Tropa tropa na tayo rito ha!" irit ni Missy. "Tropa tropa lang! Pero yung isa dyan! Mahal ko na ata!"

Nangunguna si Missy sa ingay nila. Akala mo naman ay siya ang kaibigan nila! Feeling close masyado! Ako nahihiya para sa kanya e!

"Since palagi ko namang nakikita ang mga pagmumukha n’yo sa school! Kaibigan n’yo ang mga kaibigan ko at kaibigan ko ang mga kaibigan n’yo! Let’s just talk about the new face here!" panimula ni Farrah. May kinakain pa siyang shanghai. "Hi, Lysan!"

Mukhang nagulat naman si Lysan dahil ang atensyon ay napunta sa kanya. Binaba niya ang plato niya sa mini table sa living room nila Farrah at nag-punas ng kamay at bibig.

"You’re new at our school! Bakit sa amin ka lumipat? Ay! Magsisisi ka!" tumawa kaming lahat.

"A lot of people say that your school is a good one so I go here myself to check if it’s true. I want a new environment because my former school is so toxic. Also, my cousin, Mikolaj is here so para meron din akong kakilala."

Ngumiwi ang karamihan dahil sa sagot ni Lysan na yon. Ano ba ‘to? Interview? Isang tanong, isang sagot lang? Wala man lang joke joke?

"Ang pormal mo naman! Akala ko ba magkakaibigan na tayo rito?!" reklamo ni Missy kaya agad siyang nakakuha ng batok mula kay Tatrina.

Natawa ng mahina si Lysan kaya napatingin ako sa kanya. Kinuha na niya yung plato niya sa may mini table at nagsimulang kumain ulit. Yon na yon? Ano yung tawa niya? Napilitan lang tumawa?

"Balita ko valedictorian ka sa school n’yo ah." sinamaan ko ng tingin ang kaibigan ko nang makahulugan niya akong tignan.

Bakit niya ako tinitignan?

Umakbay si Mikolaj kay Lysan. "Oo pre! Matalino ‘tong pinsan ko e! With highest honor nung nag-moving up!"

Bigla ring umakbay sa akin si Missy!

"E reto mo na sa kaibigan ko! Nakakasawa na mukha nito sa library e! Aral nang aral! Lagi kong nakikitang nandoon kapag naaatasan ako magbantay sa org na sinalihan ko!"

Kung wala lang nakatingin sa amin ay matagal ko na ‘tong sinampal. Sa amin na ang atensyon nilang lahat! Feeling ko namumula ako ngayon dahil ang init ng pisngi ko! Nakakahiya!

"Sige! Basta ikaw ang bayad!" biro ni Mikolaj kaya napatingin ako kay Missy na namumula na.

Mga malalandi!

"I’m not interested." inalis ni Lysan ang akbay ni Mikolaj.

"Bakit naman?! Hindi ka na lugi sa kaibigan namin, Lysan! Maganda na! Matalino pa! Ayon lang compliment ko sa kanya kasi masama ugali nito e!" tinuro niya ako.

"Excuse me?!"

"You're excused." inirapan niya ako.

"Wala akong panahon mag-love life ngayon, Missy. Tantanan mo ako kung ayaw mong maging lumpiang shanghai!" banta ko kaya tumawa silang lahat.

"Kakainin mo rin yang sinasabi mo." Tatrina whispered.

Kinilabutan ako sa paraan ng pagkakasabi niya. She’s so serious. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan. Hindi ako sanay! After a moment nang tinginan namin ay nagbawi siya ng tingin at malawak na ngumiti sa mga kaibigan niya.

What was that?

Farrah's house filled with laugh, noise and shouts. Puro chikahan, kantahan, sigawan lang ang ginagawa. This is her 18th birthday at gusto niyang simple party lang ang gagawin. Ayaw niya na raw kasi ng gastos pa at maraming time pa ang kailangan para paghandaan.

But kahit ganto lang ang naisip niyang celebration. Pinayagan naman siya ng family niya na manood ng concert ng favorite niyang artist.

Sana all.

Ako kahit marami akong naiisip na plano para sa debut ko ay inisasantabi ko nalang muna. Imbes kasi na isipin ko ang gagastusin para doon, kailangan ko pang isipin ang gagastusin namin ni mama para sa bahay. Doon ko nalang ilalaan ang pera para sa dream debut ko. Mahihirapan lang si mama kung humiling ako.

Alam kong paulit-ulit na ‘tong line na ‘to pero ang hirap maging mahirap.

"Hello Farrah. I need to go na! Wala kasing tao sa bahay e! Happy birthday! Bawi nalang ako sa gift next birthday m—"

"Tangina mo, Riley! Uuwi ka na agad?! Gago! Gabi na!" sigaw ni Missy sa akin habang dinuduro ako.

I raised my middle finger at her. "Malamang tanga! May buwan oh!"

"Wala kang kasamang umuwi! Delikads te! Dito ka nalang din nyan matulog! Text mo nalang si tita!"

Agad akong umiling. "Nakakahiya kay Farrah gaga! Tsaka walang kasama rin si mama! Mas delikado yon!"

"Ate ko! Maraming gago dyan sa labas! Baka mapano ka!"

"Hindi nga, kaya ko naman!"

"Tangina mo! Itetext ko si tita na hindi ka muna uuwi because girls just wanna have fun!" humalakhak siya.

"Che! Uuwi na ako! 10 pm lang ang sinabi ko kay mama!"

Hindi talaga kami matatapos sa pilitan dito. Makulit yan si Missy e! Hindi ka talaga niya tatantanan!

"I’ll go with you. Uuwi na rin naman ako para mag-aral for tomorrow." biglang saad ni Lysan at tumayo na. 

"Anong pinagsasasabi mo, Lysan?! Baka mamaya magkaiba kayo ng way ni Riley ko! Baka pagkalabas n’yo ng village nila Farrah ay iwan mo siya!" sigaw na naman ng babae

"Te! Tumahimik ka nga!" awat sa kanya ni Tatrina.

Napailing nalang ako. Grabe naman ang pagka-protective sa akin ng isang ‘to. Akala mo ay siya ang boyfriend ko!

"Saan ka ba nakatira?" I asked him.

He was about to answer when Mikolaj answered for him. "Dyan lang yan malapit sa stop light."

"Oh ayan naman pala e!"

"Ano? Uuna na ba kayo? Hahatid namin tayo sa may guard house." presinta ni Farrah.

Tumayo ang lahat ang naglakad papunta sa may guard house ng village nila. It’s 9:49 pm at sobrang dilim na. Wala na kasing ilaw ang mga bahay kasi nga late na. Hindi naman kalayuan an guard house mula sa bahay nila kaya mabilis din kaming nakarating.

"Ano? Sure ba kayo? Pwede naman kayo matulog na sa’min e!" nag-aalalang sabi ni Farrah.

Umiling ako.

"Hindi kasi pwede e, wala kasing kasama si mama sa bahay."

"Sige, ingat kayo ha! Kita nalang tayo sa school bukas!"

Paalis na dapat kami nang biglang sumigaw na naman si Missy.

"Hoy Lysan! Ingatan mo yan si Riley ko ha! Ihatid mo yan sa nanay niya nang walang labis at kulang! Kapag may nangyaring masama dyan! Puputulan kita ng kinabukasan!" dinuro niya si Lysan. "Kahit friend friend na tayo rito! Kakakilala lang namin sayo!"

"Lasing ba yan? Hindi naman tayo uminom ah?!" natatawang sabi ni Farrah.

"Hayaan n’yo yan! Titigil din yan mamaya. Una na kami ha?" I smiled at them.

Tinignan ko si Lysan. Nagsimula na siyang lumakad kaya naglakad na rin ako.

"Let’s go, Riley."

Something about you (SH Girls #1)Where stories live. Discover now