07

5 0 0
                                    


Narlyn POV

Alam kung naguguluhan ka na ngayon pero hindi ko pa pwedeng sabihin sayo ang lahat.
Gusto ko mang sabihin na sayo ay hindi pwede.Mas maganda siguro kung ikaw na ang makakaalam nun.Gusto ko lang malaman mo na kahit hindi mo pa alam ang lahat ay nandito parin ako sa tabi mo.Katulad ng dati.


Katulad ng dati na kung ano ang meron tayo.Tayo na laging mag kasama at walang iwanan.Namimiss ko ang dati pero wala na akong magagawa kung ano man ang meron ngayon.Dahil iyun na ang mga nalalaman mo.Sorry kung hindi ko pa masabi sayo ang lahat.Pero ito ang mas makakabuti para sa ating dalawa.


Yhunie POV


"Mhie sabihin na kaya natin kay Stefanie ang lahat." sabi sa akin ni Nathaniel.


"Hindi pwede Dhie.Ayokong mangyari ulit ang nangyari noon." sabi ko sa kanya.


"Pero kailangan niyang malaman ang lahat.Lalo na ay siya iyun." sabi niya sa akin.


"Alam ko Dhie pero ayoko lang naman maulit ang nangyari noon.Natatakot ako para sa mga mang yayari." sabi ko sa kanya.


"Naiintindihan kita Mhie pero sana maisip mo na kailangan din niya iyung malaman." sabi niya sa akin.


"Alam ko Dhie sana maintindihan mo rin ang nararamdaman ko." sabi ko sa kanya.


"Oo naman Mhie naiintindihan ko.Pero paano kung malaman na niya ang lahat at malaman din niya na alam natin tapos hindi natin sinabi sa kanya?." tanong niya sa akin.


"Alam ko naman na ayaw mong saktan ang anak at ayaw mo siyang magalit sa atin.Pero mas ok na itong mga nangyayaro ngayon kesa sa noon." sabi ko sa kanya.


"Sige hindi na kita pipilitin.Kung ano ang magiging desisyon mo ay doon ako." sabi niya sa akin at niyakap niya ako.

Sana hindi ka sa amin magalit Stefanie kapag nalaman mo ang lahat.Hindi mo kasi talaga kailangan pang malaman ang lahat.Dahil ayoko lang na mangyari ang nangyari noon.Natatakot ako para sa mga mangyayari sayo.Mapatawad mo sana ako Stefanie.



Jasper POV


"Tara na dito.Sumabay ka na sa akin mag practice." sabi ko sa kanya.

"Sige mag practice ka lang.Pinapanood naman kita ehh.Saka susunod na lang ako sayo.Pinapractice ko rin yung kakantahin ko ehh." sabi niya sa akin.


Nakakainis namn siya oh.Dalawang araw na ang nakakalipas na hindi siya sa akin sumasabay sa pag sayaw.Pano siya sasayaw sa harapan ng stage na maraming tao kung hindi naman niya alam ang sasayawin niya.Mapapahiya lang siya sa ginagawa niya ehh.Madadamay pa ako.Nakakainis naman talaga oh.

"Hindi ka parin ba mag papractice dito.Tatlong araw nalang ang meron tayo." sabi ko sa kanya.

"Mamaya sasabay na ako sayo." sabi niya sa akin ng hindi tumitingin.


"Mamaya ka ng mamaya diyan hanggang sa umuwi ka na ng hindi ka pa nakakapag practice ng sayaw dito." sabi ko sa kanya.


"Dont worry makakasayaw naman ako sa stage na iisa ang sinasayaw natin." sabi niya at pinag patuloy lang niya ang ginagawa niya.


Lumipas ang ilang minuto ng ako parin mag isa ang sumasayaw dito.Makakuha nga muna ng maiinom.Nakakapagod sumayaw.Kumuha ako ng tubig para sa aming dalawa.Pag dating ko sa pwesto niya ay iniabot ko ang tubig sa kanya habang may sinusulat siya sa papel.Pag kaabot ko ay sinadya ko na itapon yung tubig para mabasa yung papel na ginagawa niya.

The Ice Princess is a Demon #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon