Prologue

10 1 0
                                    

I saw him staring at me so i start to giggle.

Ayaw kong mag assume pero nahuli ko siyang nakatingin sa’kin, that's why i giggled. Hindi rin napigilan ng bibig kong magsalita.

“Alam ko namang maganda ako‚ Clifford.”

Napabalik nalang siya sa realidad ng tinapik ko ang balikat niya, kanina pa kasi siya titig na titig kala mo naman matutunaw na ako sa mga tinatapon niyang nakakamatay na tingin.

“Ha-hah?” utal nitong ani.

“Hatdog, mag focus ka nga sa sinusulat mo.” i glared at him, pano ba naman kasi nakatingin parin sa'kin.

Nakita ko naman ang pag lunok niya, hindi ko mapigilan ang tumingin sa adams apple niya. Gwapo si Clifford, pero i can't admit na sabihin sa kaniya ito.

“Done staring at me?” saad niya sa nakakalokong boses.

“Do’n kanga, nakakainis ka!” irap ko sa kaniya, tumawa pa talaga ang loko.

“Anyways, nagawa mo na ba ang activity na binigay ni Sir Manuel?.” pag iiba niya sa usapan

”Ah, oo, tinapos ko na kagabi pag uwi ko ng bahay” i answered with big smile.

Minsan kasi hindi ko nasasagutan ang mga activity at assignment ko dahil tinutulungan ko si Mama sa pagtitinda niya sa Palengke. Kaya kapag hindi ko nasasagutan ang mga gawain ko sa school ay ginagawa ito ni Clifford.

“Buti at nagawa mo, kamusta pala yung sunflower na binigay ko sayo no'ng nakaraang araw?.” saad niya.

“Andoon sa bahay, buhay narin siya, at saka sabi din ni Mama na papalakihin namin iyon” ani ko.

“Mag review kana, Heather. Malapit na ang semi-final exam.” i just nooded at kinuha ang notebook sa bag. Nasa library kami ngayon dahil wala ang subject teacher naming tatlo.

’Nilagay ko ang airpods ko sa tenga ko para makapag concentrate ako sa pag rereview. Tiyak na makakapasa kami ni Clifford dahil nag a-advance readjng na kami.

Habang nag rereview kami ay pumasok si Zyrienz, his friend. Nginitian ko lang ito at bumalik sa pag rereview, kailangan ko ito ngayon para naman  mataas ang makuha ko sa exam.

“Hi, Heather.” saad niya ng nakangiti

Nginitian ko lang at nag nooded sakanya, malapit na ang exam kaya dapat maipasa ko ito para umurong ako sa 4th year. Nag-uusap lang silang dalawa ng nagutom ako kaya nagpa alam akong bibili sa cafeteria.

“Clifford, Zyrienz, bibili lang ako saglit” ani ko, tumango naman silang dalawa.

Hindi pa'ko nakakalabas ay sumigaw si Clifford, nasa library kami kaya tinignan siya ng mga ibang estudiyante.

“Ibili mo ’ko ng strawberry na may chocolate, Heather” saad ni Clifford.

“Wala akong pamasahe mamaya!” sigaw ko sa may pintuan.

“Ako ng bahala.” ani nito at ngumiti.

Nasa hallway na'ko ng makita ko si Alice, my bestfiend. Hindi ko napansing sumigaw pala ito.

“Heather, i miss you!”

“I miss you ka diyan, kaka kita mo lang sa'kin kanina” irap ko sakanya.

“Ayaw mo non, may bestfiend kang na mi-miss ka” saad nito at nag pout.

“Tara na nga, bili tayo sa cafeteria” inis kong ani.

“Sige!” masayang saad nito.

Ang dami naming pinag usapan, including her chismis. Kahit kailan talaga hindi ito nawawalan ng chismis kada araw.

“Isa pong hamburger at strawberry with chocolate” ani ko sa tindera.

“Ako rin po, isang hamburger” sambit ni Alice.

“Oh ito, salamat”

“Thank you rin po!” sabay naming ani.

Pabalik na ako at si Alice naman ay pumunta na sa garden. Kung tutuusin, tahimik ang Wakefield Alenzo College. Pero marami paring brat at bullies dito.

Pumasok na ako sa library dala-dala ang hamburger at strawberry with chocolate. Iniabot ko ito kay Clifford, nag rereview rin siya, kahit di naman siya mag review ay alam kong pasado siya, mas matalino siya sa'kin and i admit that.

“Thank You, Heather” saad nito sabay nag puppy eyes.

“Baliw!” natatawang sambit ko.

I saw him chuckled, that's why hindi ko mapigilang ngumiti ng wala sa oras.

Uuwi na kami ni Clifford, naghihintay kami ng sasakyan ng bumuhos ang malakas na ulan.

“Malas naman, nakaka badrip” iritado kong saad.

“Kalma, titila rin ’yan” pangungumbisi nito sa'kin.

“Si Mama, nasa palengke pa baka nabasa na siya ron!” sambit ko uli.

Habang na iinis ako ay huminto ang isang trycle kaya agarang sumakay ako. Kailangan ko pang pumunta kay mama, sumunod naman sa'kin si Clifford.

“Okay ka lang, Heather?” nag aalala niyang ani.

“Mukha bakong okay, Clifford” naiinis kong saad.

Habang pauwi kami ay humihinto narin ang ulan, mag kalapit lang ang bahay namin ni Clifford at kababata ko rin ito.

Bumaba na kami ng trycle at nag bayad. Na abutan ko naman si Mama sa bahay paraan para makahinga ako ng maluwag.

“Heather, may pagkain ro’n sa lamesa, kumain ka” masayang ani nito.

Bago pa man ako pumunta sa kusina ay nag mano muna ako tinanong siya kung bakit napa-aga ang uwi niya.

“Ma, ang aga niyo yatang umuwi ngayon.” sambit ko.

“Ah kasi naubos agad ’yong mga tinda.” maliksing saad ni Mama.

“Sige Ma, mabuti at naubos agad ang paninda niyo at hindi kayo na abutan ng malakas na ulan.” ani ko.

“Oh siya, kumain kana ro’n”

Tumango naman ako at tumungo na sa kusina. Kahit kailan hindi ako nakakalimutan ni Mama hindi gaya ni Papa na iniwan kami.

Dilaw (College Series #1:)Where stories live. Discover now