Chapter 2

1 1 0
                                    

Clifford's Pov ;

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko, tinignan ko ang orasan at malalate na pala ako. Agarang tumakbo ako sa cr para maligo.

“Malas naman!” iritadong saad ko.

Natapos na akong naligo at nagbihis kaya’t lumabas na'ko. Dala dala ang isang slice ng tinapay. Pinuntahan ko rin si Heather pero wala naraw ito dahil maaga siyang pumasok.

Mabilis kong pina andar ang sasakyan ko dahil late na'ko ng 8 minutes at siguradong mapapagalitan ako ni Professor Guinevere. Tumakbo nalang ako papuntang Room 123 dahil kapag nag lakad ako ay mas lalo akong malalate.

Pagpasok ko palang sa pintuan ay masama ng tumingin si Professor Guinevere at sandaling oras nalang ay bubuga na ng apoy ang bunganga niya.

“Mr. Scyle, late ka nanaman.” mariing ani nito.

I sighed at nagsalita. “Patawad po, hindi na mauulit”

“Siguraduhin mo lang, Clifford” hindi ko na ito pinakinggan at umupo na.

Nakita ko naman si Heather na tahimik at nakikinig kay Professor Guinevere. Tumingin naman ito sa sa'kin at ngumiti, Heather is pretty and kind, kaya swerte ng magiging boyfriend niya.

Tumagal ang pag le-lecture ni Professor Guinevere at ang ibang mga estudiyante rito ay nag iingay na. Sari’t-sari ang maririnig mo dahil sa mga bulungan ng mga estudiyante.

“Class Dismiss” saad ni Professor Guinevere paraan upang lumakas ang hiyawan ng buong klase.

Lumapit ako kay Heather at inaya siya sa Coffee Shop pagkatapos ng klase namin. ”Heather, coffee shop tayo mamaya pagkatapos ng klase?”

“Sige!” sabay palo sa braso ko.

“Hindi naman masakit, Heather” pamimilosopo ko sakanya.

Nainis naman ang mukha niya at pinalo ulit ang braso ko. ” Oh tapos?, pa billboard natin yan, Clifford.”

Tawa lang siya ng tawa hanggang makarating kami ng cafeteria. Bumili siya ng corn dog at ako ay strawberry with chocolate.

Ilang oras pa ang nilaan namin dahil malapit narin ang final exam namin. Alam kong madali lang ang exam nayon, ganon rin sana kay Heather.

Uwian na namin dumiretso sa isang Coffee Shop malapit rito sa Wierfield Alliance College. Nakita ko ang excitement ni Heather habang naka tingin sa Coffee Shop.

”Selienza Coffee Shop” basa ko sa pangalan ng pinasukan naming Coffee Shop.

“Ang ganda dito, Clifford!” masayang ani ni Heather.

“Maganda nga” saad ko habang naka tingin sakaniya.

“Yan ka namaman eh, isa pang pang bobola at kukurutin nakita” banta niyang saad.

Umupo kami sa Vip table at nag order, habang nag hihintay kami na dumating ang order namin ay marami kaming pinag usapan gaya ng hilig niya sa pagsusulat ng
mga nobelya.

Dumating naman ang order namin na mas lalong ikinasaya ni Heather, di ko mapigilang ngumiti dahil sa nakikita.

“Here’s your order Ma'am and Sir” saad ng waiter at ngumiti.

“Thank You po!” ngiting sambit ni Heather.

Habang umiinom si Heather ay may tinanong ako sa kaniya. Dala narin ng curiousity ko kaya bigla nalang din’ lumabas ito sa bibig ko.

“Magka ibigan ba kayo, Travis?” i said in serious tone.

“Hindi pa, pero close na kami” saad niya at uminom ulit.

“Ah, that's nice.” i'm happy and I don't understand why?.

“Bakit mo natanong?” biglang ani niya

“Wa-wala lang, don't mind it, Heather.” kinakabahan kong saad.

Third Person's Pov ;

Pumasok si Clifford kasunod si Heather sa isang Coffe Shop at nag uusap sila sa Vip table.

“Magka ibigan ba kayo, Travis?” Clifford ask Heather, halata ang kuryusidad nito sa kaniyang tanong.

“Hindi pa, pero close na kami” saad ni Heather habang nagtatakang nakatingin kay Clifford.

“Ah, that's nice.” bakas ang saya niya sa mukha dahil sa kaniyang narinig.

“Bakit mo natanong?” sulpot naman ni Heather na ikinagulat ni Clifford.

“Wa-wala lang, don't mind it, Heather.” kinakabahang sambit ni Clifford.

Habang nag uusap sila ay merong sinabi si Clifford paraan upang maibuga ni Heather ang iniinom na kape.

“WHAT?!” gulat na saad ni Heather.

“I’m serious, Heather.” ani ni Clifford sa baritone voice.

“OMG!” sigaw ni Heather. Hindi ito narinig ng iba dahil nasa Vip table sila at malayo sa ibang estudiyante at mga tao.

Ano kaya ang sinabi ni Clifford dahil bakas sa mukha ni Heather ang pagka gulat. Dala rin ng pagkagulat ay naibuga pa nito ang kapeng iniiom.


Dilaw (College Series #1:)Where stories live. Discover now