Drew's POV
Nagising ako sa tunog ng aking alarm, I stared at the ceiling for a while. I guess isa na namang panibagong araw para kumayod at mag-aral.
I sat up and rubbed my eyes as the cold breeze hit my skin. Nagtungo agad ako sa banyo para maligo para makapaghanda ng almusal namin ni Mama.
Paglalabas ko ng kwarto, agad akong binati ng mabangong amoy mula sa kusina. My stomach rumbled from that smell.
"Hi Ma, morning!" Bati ko kay Mama habang hinalikan ko ang kaniyang sentido. She smiled at me, that smile which she always showed me.
"Upo na para makakain ka na." I placed my bag on the chair beside me at nagsimula nang kumain.
Paano ko kaya sasabihin kay mama na bayaran na naman ng tuition? Paano ko kaya sasabihin sa kaniya na need ko na rin ng mga bagong gamit?
I stopped eating for a while, napayuko ako. Nahihiya na ako kase feeling ko parang dumudoble lang ako sa hirap na dinadala ni Mama even though she never makes me feel like that.
"Oh bakit ka huminto? Gusto mo ng tubig nak?" Malambig niyang tanong sa akin habang hinihimas ang aking likod.
"Ma." I uttered, gusto ko mang sabihin sa kaniya pero parang nakakahiya e. She hummed in response, she sat on the chair across from me.
"Mama, bayaran na naman po ng tuiton." I noticed how her expression changed. That expression of distress and worry but she tried to show me that sweet smile of hers.
"Oo nga anak, pupunta ako mamaya sa school mo. Magbabayad ako ngayon." Another promisory note na naman. I bit my lip trying not to cry.
"Ma, payagan mo na kase akong mag trabaho. Kaya ko naman e." I spoke while looking at her desperately. Hayaan mo naman akong tulungan ka Ma.
"Anak," she held my hand. "Kaya ko naman eh at tsaka isa pa, ayokong ma distract ka sa pag-aaral mo." She spoke while rubbing her thumb against my palm trying to soothe me down.
"Ma, please?" She looked away. I was mad at her, mad at her strong facade. Alam ko namang hindi na niya kaya ngunit pinipilit niya parin dahil sa akin. That makes me feel awful Ma.
"Talaga bang gusto mo mag trabaho?" She asked which made my eyes lit up. Agad naman akong napatango ng mabilis at lumipat sa silyang katabi niya.
"Opo Mama. May kakilala si Zed na kaibigan sa isang convenience store, pwede niya akong tulungang maka pasok." I held her hand tightly.
"Alam kong diskumpyado ka sa ngayon Ma pero promise kaya kong pagsabayin ang pag-aaral ko at ang pag tatrabaho, hayaan mo lang akong tulungan ka." Dagdag ko.
She heaved a sigh and the words she spoke made me the happiest. "Papayagan kita basta huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo." Sinuklay niya ang medyo basa kong buhok.
"Opo Mama, promise po." I raised my right hand as though I'm taking an oath. She chuckled which made me smile widely.
***
It was break time, as usual tambay kami dito nila Zed at Shane sa labas at nakaupo lang sa bench.
"Zed, nagtatrabaho pa ba yung kaibigan mo sa convenience store?" I casually spoke which made him look at me.
"Si Val ba? Ah Oo! Bakit mag-aapply ka? Sasabihin ko sa kaniya." Wika niya habang kumakagat sa burger na hawak hawak niya.
"Oo pre eh, kailangan. Naawa narin kase ako kay mama, bayaran pa naman sana ng tuition ngayon." I spoke while scratching my nape.
YOU ARE READING
Drawn To Her Heart
Romans"Can love really heal a broken heart?" Kung ikaw ang nasa posisyon ko ay mawawalan ka rin ng pag-asa. Kahit gaano mo pa idasal, pag katapusan mo na ay katapusan mo na. But what is this feeling? This feeling of hope and love? Nakakapanibago, mataga...