Drew's POV
Ayan na, ayan na! 5 minutes nalang matatapos rin yung lecture! Nangangalay na ako sa kakaupo please lang.
Napatingin ako sa gilid ko at napatawa ng palihim ng makita si Shane na nakatulog sa kaniyang drawing table. Binato ko siya ng papel.
"Tangina." Bulong niya, agad naman siyang napaupo ng maayos nang nilapitan siya ni Prof.
"Care to repeat that Mr. Alfonso? Parang hindi ko ata gusto ang pananalita mo." Napakamot si Shane sa batok habang ako naman ay todo pigil ng tawa.
"S-sorry po, Prof." Napayuko siya sa hiya, tumango si Prof at pumunta sa may podium para magpatuloy.
Agad naman akong tinignan ni Shane. I stuck out my tongue to tease him which made him even more furious.
"Bwiset ka talaga kahit kailan." Bulong niya sa akin at itinukod and siko sa kaniyang drawing table.
Napahagikhik nalang ako, habang napa buntong hininga naman si Shane, halatang nagpipigil ng galit.
After a few minutes, tumunog na yung bell signaling for dismissal. Agad kaming tumayo lahat at kaniya-kaniyang umalis sa classroom.
"San tayo ngayon?" Tanong ni Zed. Naglalakad lang kaming tatlo sa hallway papalabas ng campus.
"National Bookstore tayo mga pre." I suggested, paborito ko kaseng tambayan ang NBS eh.
"Na naman?" Naiiritang tanong ni Shane, I rolled my eyes.
"Oo nga naman, need ko na rin bumili ng ballpen eh. Kung gusto mo mag hintay ka sa labas." I smirked at Zed at binigyan siya ng apir.
"Fine." Shane groaned. Agad naman kaming nagtungo sa National bookstore para mamili ng essentials for school.
Shane, Zed, and me are 2nd year college. Kaming tatlo ay architecture ang kinukuha. We share the same interests kase kaya parehas din kaming tatlo ng course.
Although hindi naman kaming tatlo magaling mag drawing, nakakapagdrawing rin naman kami ng maayos kung papano. Kahit na portraits ang kaya kong idraw, pinili ko parin magpursue ng architecture.
Zed and Shane are the most blessed when it comes to these things. Kaya nilang mag drawing ng kahit ano, para nga silang human printer eh. Nakakainggit Oo pero tinutulungan rin naman nila ako.
"Oh may napili kana?" Tanong sakin ni Zed habang nagta-try ng ballpens. I shook my head, ubos ata yung ballpen na gusto ko eh.
"Ate, may Dong-a kayo?" Tanong ko sa isang staff habang nakatayo sa counter. She went to their stockroom to check pero nadismaya ako ng bigla niyang sinabing wala. Hindi pa daw kase nagdedeliver.
"Ay, sayang." Napanguso ako, naglakad ako papalapit kay Zed para tumingin pa ng mga ballpen pero wala talaga akong matipuhan.
"Eto try mo." Sabay bigay niya sa akin ng sign pen.
"Ayoko nga ng sign pen." Pagtatanggi ko habang nakakunot ang noo. Napakamot ako ng ulo sa inis at nagsimulang maghanap ng ibang ballpen.
"Uy!" Napatingin ako sa kaniya habang isinusulat ang ballpen na kaniyang hawak hawak. Maganda ang tinta at magaan ding hawakan.
"Ano yan? Pa-try nga." Iniabot niya sa akin ang isang gel pen. I opened the cap and glided the tip of the pen onto the paper.
"Alam mo ba? Nagkakilala si kuya at yung girlfriend niya just by writing notes dito?" I raised a brow, and random naman?
"What do you mean? Just by trying a ballpen? Paano?" Nakakunot kong noong tanong. He grinned at me as he nodded.
"Pansin mo bakit panay sulat ako sa tester? Sinusulat ko facebook account ko." He wiggled his eyebrows playfully.

YOU ARE READING
Drawn To Her Heart
Romansa"Can love really heal a broken heart?" Kung ikaw ang nasa posisyon ko ay mawawalan ka rin ng pag-asa. Kahit gaano mo pa idasal, pag katapusan mo na ay katapusan mo na. But what is this feeling? This feeling of hope and love? Nakakapanibago, mataga...