Can love heal a broken heart? No seryoso talaga, a broken heart.
I was born with a weak heart. Bata palang ako naglabas pasok na ako sa ospital dahil sa kalagayan ko. I would often faint and have trouble breathing.
I remember yung near death experience ko is when I played tag in the park kahit sinabihan ako ng mama na huwag. I saw how her eyes looked at me in fear habang isinugod nila ako sa ospital.
Unlike other kids, hindi ko na enjoy yung childhood ko. I can't even play outside na hindi hinihingal. It sucks honestly, yung tipong gustong gusto ko makipaglaro sa kanila but I can't because I'll obviously die.
But my mama and papa tried their best to make me feel like a normal kid. They'd often play with me para lang hindi ako mainggit sa ibang mga bata. They were the best, they made me feel like I was one of a kind and unique.
***
"Mama?" Tawag ko kay mama habang sinusuklayan niya ang buhok ko.
"Opo?" Ibinaba niya ang suklay at inilagay sa vanity table.
"Paano kayo nagkakilala ni Papa?" Mama chuckled and looked at papa, tumaas naman ang sulok ng labi ni papa.
"At bakit mo natanong ha? Aber?" I giggled habang tinatadtad ng halik ni papa ang aking pisngi.
"Wala papa, gusto ko kasing maging katulad niyo ni mama pag laki ko." Papa raised an eyebrow, eh bakit ba? Gusto ko kayang magkapamilya katulad nila.
"Gusto mong mag-asawa?" Tanong ni mama habang pinagkrus ang kaniyang mga kamay, I giggled and nodded.
"Kabata-bata mo pa pag aasawa na ang inaatupag mo." I giggled again, wala akong ma rebat, totoo naman ang sinasabi nila eh!
"Eh mama gusto kong magkapamilya katulad natin." I looked at the both of them.
"Gusto mong magkapamilya eh andito naman kami ni mama?" Nagtatampong sambit ni papa.
"Papa syempre gusto ko yung sariling version ko no. Tapos makakahanap ako ng lalakeng katulad mo papa ayaw mo non?" Tumaas ang kilay ni papa.
"Katulad ko lang din pala ang hinahanap mo eh andito lang naman ako." Nakangusong sambit ni papa habang kami namang dalawa ni mama ay natawa.
"Ah basta paglaki ko gusto kong mag asawa tapos magkakaroon ako ng dalawang anak." Nakangiti kong wika habang nakatingin sa salamin, nabura lang ang aking ngiti nang nakita kong nagkatinginan sila mama at papa na may pag alinlangan.
I sighed, alam ko na ang ibig sabihin ng tinginan na yan. I know there's no certainties na mabubuhay ako ng matagal but there's no harm in dreaming and trying diba?
"Soon anak, maabot mo yan. Pero sa ngayon, need mo muna mag focus sa school okay?" I nodded, a small smile appeared on mama's face.
"Sige na, mag sleep na tayo may tutor ka pa bukas." Tumango ako at naglakad papunta sa aking kama.
I laid on the bed while papa tucked me in. Mama tucked my hair behind my ear and kissed my forehead.
"Mahal na mahal ka namin. Mahal na mahal ka namin Heart." I smiled softly, every I love you that they declare was so genuine, para bang walang kasiguraduhang huli na ba.
"I love you too mama, I love you too papa." Papa kissed my cheek, kinuha niya ang aking stuff toy at inilagay sa aking gilid.
"Sleep tight anak, maglalaro pa tayo bukas. Don't forget to pray bago mag sleep hm?" I nodded, tumayo na sila at naglakad ng dahan dahan papalabas sa aking kwarto.
They looked at me once again and turned off my light. I gently closed my eyes as I hear the door closed.
***
"Tahan na mahal ko, mabubuhay si Heart ng matagal." Niyakap ko ang aking asawa habang siya ay humihikbi.
"Naaawa ako sa bata Gabriel, kahit simpleng pangarap o pag laro sa labas ay hindi natin maibigay sa kaniya." Biglang namuo ang luha sa aking mga mata sa wika ng aking asawa.
Hinawakan ko ang kaniyang mga pisngi at tumingin sa kaniyang umiiyak na mga mata. "Tahan na, ibibigay natin ang lahat sa kaniya hm? Lahat mahal ko, lahat lahat. Magtiwala tayo sa Diyos." Idinikit ko ang aming mga noo.
"Kasalanan ko ito." Sambit niya na mas lalong nagpakirot sa aking puso. Agad ko namang inilapat ang aking daliri sa kaniyang mga labi. I gently shushed her.
"Wala kang kasalanan, lahat ng ito ay may dahilan hm? Ibinigay ng Diyos sa atin si Heart dahil mabubuhay siya. Hindi niya basta-bastang babawiin si Heart sa atin."
Tumango ang aking asawa at hinawakan ang aking palapulsuhan. Inilapat ko ang mga labi namin habang hinawakan ko ng malumanay ang kaniyang baywang.
"Mahal na mahal kita, mahal na mahal ko kayo." Sambit ko habang inilapat muli ang aming mga noo.
***
Napaiyak nalang ako ng marinig ko ang mga hikbi ni mama, talaga bang hindi ako mabubuhay ng ganoon katagal? Inalis ko ang pagkalapat sa aking tenga sa dingding at umupo sa aking kama.
Lumuhod ako sa sahig at idinikit ang dalawang mga kamay tsaka ipinikit ang mga mata. My tears flowed non stop.
"Papa Jesus, sana po pagalingin niyo na po ako para hindi napo gabi-gabi umiiyak sila mama at papa. Papa Jesus, sana po hindi na ulit ako babalik ng ospital, sana po makapaglaro napo ako sa labas, at sana po makapasok na po ako ng school."
I was shaking while I knelt on the floor, heart full of hope and pain for a 9-year-old. I didn't think of myself, I thought of them. It hurts me that I can hear my mother's sobs every night knowing that I was the one she was crying for.
I know my Papa is strong pero kitang kita ko sa kaniyang mga mata ang sakit at pagod. The way he'd play with me pagkatapos niyang magtrabaho para lang hindi ko maramdamang mag-isa ako.
They are tired. They are tired of crying every night hoping that I won't die the next day. They're tired of hoping na gagaling ako someday. I hate the feeling of being a burden.
"P-Papa Jesus, sana po matupad ang pangarap kong magkapamilya in the future. Sana po matupad ko dream kong maging Vet, sana po matupad ang hangarin kong maibalik ang mga hirap at sakripisyo nila papa."
I prayed harder each night hoping that a glint of miracle will come. Kahit pagod na akong umasa, kakapit ako. Kakapit ako sa pag-asang may himalang darating at gagaling ako.
"Sana po matupad ang pangarap kong maikasal sa isang simbahan. Sa isang lalakeng mahal na mahal ako katulad ni papa. Sana po, mawala na po ang sakit ko Papa Jesus."
Ibinaba ko ang aking mga kamay at mapaupo sa sahig. My T-shirt was soaked by my tears. Tumingin ulit ako sa bubong na may bahid ng pag-asa sa aking mga mata.
"Sana po, pagalingin niyo na si heart ko. Sana po, pagalingin niyo na ang Heart nila...."
I wiped my tears and laid on my bed, I closed my eyes gently without knowing what tomorrow will bring. I just knew na kailangan kong lumaban hindi para sa sarili ko kundi para kena mama at papa.
Sana po Papa Jesus, Sana....
YOU ARE READING
Drawn To Her Heart
Romantizm"Can love really heal a broken heart?" Kung ikaw ang nasa posisyon ko ay mawawalan ka rin ng pag-asa. Kahit gaano mo pa idasal, pag katapusan mo na ay katapusan mo na. But what is this feeling? This feeling of hope and love? Nakakapanibago, mataga...