chapter 3

2 0 0
                                    

Chapter 3

Lysan and I are just walking quietly. Hindi naman kasi kami close para chikahin ko siya. Kasalukuyan kaming patawid para maghintay ng jeep nang bigla siyang magsalita.

"I think mag-tricycle nalang tayo."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman? Ayon na ang jeep oh! Ang mahal mahal ng tricycle. Dalawa lang naman tayo!"

"Ako nalang ang magbabayad. Mukhang hindi safe ang jeep."

"How can you say so?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Sa panahon ngayon, hindi lahat ay mapagkakatiwalaan mo." he said seriously.

"At kabilang ka rin doon! Wala pang isang araw na kilala kita!"

"We were walking for almost five minutes now. May ginawa ba ako sayo?"

"Wala!" sigaw ko.

"Hindi ako ganoong tao. I value women just like how I value my mom." he smiled.

Naglakad na siyang muli papunta sa terminal ng tricycle so I just followed him. Mukhang mapapagastos ako dahil sa tricycle! Ang mahal pa naman nyan since malayo ang pupuntahan sa amin at dalawa lang kami!

While walking ay nagulat ako nang may isang pusa na sa paa ko. Kinikiskis nito ang ulo niya sa binti ko! So cute!

I immediately sit so I can caress its fur. Agad namang nagpa-cute sa akin ang pusa.

"The cat distribution is doint its job." Lysan said and opened his bag. "Oh!"

"Ano ‘to?"

"It’s a pet snack. I always bring it para mapakain yung mga stray dogs and cats na nakakasalubong ko. Wala naman kasing nagpapakain sa kanila."

I just nooded and opened the pet snack he gave. Agad namang kinain yon ng pusa na nasa harap ko. Nang maubos na niya ay tumayo na ako para maglakad ulit. Ngunit sinusundan pa rin ako nung pusa!

"Looks like the kitten wants you to be her mom." pansin ni Lysan habang nakatingin sa akin.

"But—"

"This kitten is homeless. Walang nagpapakain sa kanya and you noticed those wounds in her ears, looks like he got beaten by strangers. And—"

"Kukunin ko na!" putol ko sa kanya. He just smirked.

Ang lakas din mang-guilt trip ng isang ‘to! Ang inaalala ko lang naman ay baka hindi ko mapunan yung mga needs niya. Pero naaawa ako sa kanya.

"Let’s go."

Pinauna niya akong sumakay sa tricycle at tsaka siya sumakay.

When I got home, my mother was waiting for me at our living room. Naka-upo lang siya at nanonood sa tv namin. I smiled at her and showed her the cat.

"Late ka na anak ah! Nag-enjoy ka ba doon?" ngumiti siya sa akin.

We just talk for a moment. I slept peacefully that night.

Late akong pumasok kinabukasan dahil late akong nagising! Hindi naman ako nalalate nang ganto pero dahil nagpuyat ako kagabi kaya ayan ang naging resulta. Pinakain ko si Shilo nung food snack na binigay sa akin ni Lysan. Bago kasi ako bumaba ng tricycle ay binigyan niya ako non dahil wala pa akong nabibiling cat food niya. I gave him a name, Shilo.

It is pronounce as "Shay-lo".

I knocked on our classroom door and bowed my head when my adviser saw me.

"Sorry to interrupt you, ma'am. I apologize for being late—"

"It’s fine. Wala naman tayong gagawin ngayon kundi election for officers lang. Take your seat."

I smiled at her and entered the classroom. Our adviser is also our entrepreneur subject and capstone subject teacher. Siya rin ang pe teacher namin nung grade 11. 

"Tangina mo te! Bakit ka late?" pasigaw na bulong ni Missy.

Hindi ko siya nilingon. Instead, I looked at Lysan who is reading a book. Mag-c-class election tapos magbabasa siya ng libro?

"Pst! Lysan!" I whispered, he immediately looked at me. "May alam ka bang pet shop dito? Pwede mo akong samahan?"

"Meron."

Nanlaki ang mata ko. "Saan? Samahan mo ako!"

Kahit naman kasi matagal na akong nakatira dito sa lugar namin ay hindi naman ako masyadong lumalabas. Since then, school, bahay at sa work lang ni mama ako pumupunta palagi. Except lang kung may group project kami.

"Sa Manila."

Sumimangot ako. Oo nga naman! Bakit ko ba siya tinanong? E kalilipat niya lang dito? Ang tanga-tanga mo, Riley!

"Sige Riley! Huwag mo kaming pansinin! Sino ba naman kami?!" hinarap ko si Missy nang marinig ko na naman siyang mag-drama!

Handa na sana akong talakan siya nang marinig ko ang isa kong kaklase.

"I nominate Riley for president po!"

I immediately smiled at her. Naka-ngiti rin siya bago umupo. Wala naman kasing kaso sa akin kung ako ulit ang maging class president.

"Other nomination, class?"

"Wala na, maam!"

"Matic ng panalo si Riley!"

"Wala ng gustong kumalaban!"

Ayan ang naririnig ko sa mga kaklase ko. Lalong lumaki ang ngiti ko. Masyadong malaki ang tiwala nila sa akin ah! It means, maayos ang leadership skills ko.

"I nominate Lysan for president po." bungisngis ni Missy.

I saw our adviser wrote Lysan name on the board. Sinamaan ko ng tingin si Missy na humahalakhak ngayon. Bakit siya nag-nominate ng iba?! Ayaw niya ba sa akin?!

The voting starts. We were 40 in class last year. 41 ngayon including Lysan. Wala namang absent kaya fair ang pasukan. Almost half of the class voted for me so I became again the class president. Lysan became the vice.

"Siguro sa mga mall may pet shop. Saan ba ang mall dito? Sasamahan kita."

I just nodded at him. Masama ko namang tinignan ang pesteng nangalabit sa akin! Grabe ang kuko sa pangangalabit! Feeling ko nagdudugo na ang likod ko!

"Si Lysan na ba new friend mo ha?" mataray na tanong na sa akin ni Missy.

"Hindi gaga! Nagpasama lang ako bumili ng cat food para kay Shilo!"

"Sino si Shilo?"

"Anak ko, malamang!"

"Gago? Kailan ka nanganak?!"

Napapikit nalang ako nang mariin! Feeling ko maaga akong tatanda kay Missy! Mamumuti agad ang buhok ko rito dahil sa stress.

"E bakit ka sa kanya magpapasama? Hindi mo ba kami kaibigan?!" naka-taas naman ang kilay na tanong ni Tatrina.

Gumatong pa ‘tong isa!

"Akala ko lang naman kasi may alam siyang pet shop kaya sa kanya ako nagtanong!"

"Kursunada mo yan no?" nginuso niya ang lalaki.

Nanlaki ang mata ko. "Hindi no! Yuck!"

"Kakainin mo rin yang pinagsasasabi mo."

"Missy! Kilabutan ka nga!" bahagya akong lumapit sa kanilang dalawa para bumulong. "I don’t see him as my lover."

"You see him as your husband?!"

"Tanga!" pinitik ko siya sa noo. "I see him as my rival. I know he will be the one who will pressure me in the next few months. Kailangan kong higitan ang talino niya kung gusto ko makuha ang scholarship."

Something about you (SH Girls #1)Where stories live. Discover now