Chapt.12 *FEELINGS*

16.8K 181 17
                                    

ARIGATOU ^___^

____________________________________________

QUE's POV


"Akala mo nakakatuwa yun? Akala mo natutuwa pa ako sa mga pinaggagagawa mo sa 'kin?!" sigaw ni microphone habang galit na galit na nakatingin kay SET.

"GANYAN KA BA TALAGA KASAMA?!" sigaw nya ulit pero si SET parang walang naririnig. Ginamit kasi sya ni SET dun sa auction na ginanap kanina,. Walang kaalam-alam si microphone kung anung gagawin at kung anung nangyayare, basta ang sinabi lang ni SET kapag magtatanong si microphone ang sasabihin mo lang 'maiintindihan mo rin mamaya'. Galit na galit sya kasi ayaw nya palang nagagamit.

"SANA HINDI NALANG AKO UMAKYAT SA ROOFTOP PARA DI KITA NAKILALA!!! SANA HINDI NALANG AKO NAKIELAM! SANA HINDI NALANG AKO NAKINIG KAY GAEL NA MAMAMATAY KA NA! MAS MAGANDANG MAMATAY KA NA NGA! NAKAKAINIS" sunod sunod na sigaw ni microphone. Teka, anung sabi nya? hindi nalang sana sya nakinig kay Gael? May sakit si SET? Tumingin ako kay Gael, mukha syang nagulat. Ano ba kasing dinaldal ng lalakeng 'to.

"AYOKO NA. Simula ngayon hindi mo na ako utusan." naglakad na palayo si microphone. Napatingin ako kay SET pero ganun pa din yung ekspresyon nya. Yung eksopresyon nya na 'wala syang pakielam'. Nagulat nalang ako ng bigla syang tumingin ng masama kay Gael, lagot.

"Ahh..eh.. hahahha.. di ko naman alam na seseryosohin nya yung joke ko e. Tsaka si Stephanie-"


"STEPHANIE?! May sinabi ka kay microphone tungkol kay Stephanie?!" gulat na tanong ko. Di ko na napatapos ang paliwanag ni Gael. Di sya sumasagot pero makikita mo sa mukha nya ang pagkaguilty.

"Tss." sagot ni SET. Ayaw na ayaw ni SET na nababanggit ang pangalan ng ex nya. Okay naman yung relasyon nila, pero isang araw bigla nalang nawala si Stephanie. Hindi namin alam kung nasan sya. May balita lang na kumalat na namatay na sya at dahil yun kay SET. Naalala ko nung nasa rooftop kami, iniwan namin sya kasama nung lalaking tumawag sa kanya ng 'murderer', yung lalaking yon alalay nya palang ng talong araw. At kinabukasan, nalaman namin yung tungkol kay microphone, nakielam daw sya nun sa rooftop. Yun siguro yung tinutukoy nya kanina.

"Ginawa ko yun kasi alam kong kaya ka nyang tulungan" sabi ni Gael habang nakatingin kay SET. Walang emosyon at parang walang narinig, nagsimula syang tumalikod at maglakad palayo sa 'min.

"YOU DON'T EVEN KNOW HER NAME!" sigaw ni Gael kay SET pero di pa rin nya 'to pinansin.

"Gael..." tawag ko sa atensyon nya. Mukha syang galit, kulang nalang e suntukin nya likod ni SET. Tumingin sya sa 'kin habang magkasalubong yung kilay nya.

"Bakit?!" asar na tanong nya. Ewan ko pero di ko mapigilan ang hindi matawa sa mukha ng lokong 'to. Mukha syang kawawa na hopeless.

"May gusto ka kay microphone no?" tanong ko sa kanya.

(O____O) --> reaksyon nya.

The Devil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon