Chapt.5A: *Gael, the BRAT and the WHAT?!!*

22.6K 296 16
                                    

Stephanie's POV

"Weh?!! Di nga? Wag mo nga akong pinagloloko!" halos mahampas ko 'tong Gael na 'to. Kanina nya pa kasi sinasabi na iniwanan ng babae si DP at may sakit daw sya. Take note MAMAMATAY na rin daw si DP. Mwahahaha..

"May gwapo bang manloloko?" sabi nya habang naka parang tsek yung kanang kamay nya sa ilalim ng baba nya. (-__-) tss.

"Tsaka wag ka ngang sumigaw dyan!" sabi nya at binigyan ko sya ng isang masarap na WATEBER look.

"Tatlo lang kaming may alam. Ah! hindi, apat pala kasama yung babae."

"You mean, yung tatlo, kayong mga kumidnap sa 'kin?" tumango sya.

"Pero yung isa dun hindi. Hinila lang namen yun kaya napasama" tumawa sya saglit. Ang gulo namang kausap ne 'to.

"E asan yung isa?" tanong ko.

"Ewan. Bigla bigla nalang kasing nawawala yun tsaka sumusulpot e. Tsaka isa pa di sila dikit ni SET.." pinagdikit nya yung dalawa nyang daliri. Edi di sila close?

"..pero cool pa din sila." ngumiti na parang bata si Gael. Teka nga, di ko pa alam mga pangalan nila.

"Pwede mo naman sigurong sabihin yung mga pangalan no?" sabi ko.

"Ahh.. uhmmn.." kinamot nya pa yung ulo nya.

"Pangalan nung dalawa nyo pang kasama" inis kong sabi. Baka akala nya pangalan na naman nung babae yung tinatanong ko. Tss. Kapag kasi magtatanong ako ganun lagi reaksyon nya. Anung meron naman daw? Tsk. Bwiset!

"Ahhh.. Hahaha. Sorry sorry.. Kilala mo naman ako no?" at tumawa ulit ang loko. (-__- )

"Yung isang nakakasama-sama namin si Que yun. Yung hindi dikit ni SET si Gin" napansin ko lang ha, ang titipid yata nila sa pangalan. Ano yun, nagkulang sa budget? Tsk.

"Wag kang mag-alala, makikilala mo din mga mokong na yun" pinatong nya yung kamay nya sa balikat ko habang tinatapik.

"Hindi ko pinangarap no. Tsaka, ayokong matipid yung pangalan ko. Ahh.. siguro panget yung pangalan nung babae kaya di mo masabi no?" kinikindat-kindatan ko pa si Gael para sabihin na nya yung pangalan pero wa-epek. Tumayo sya at lumapit sa tabi nung pinto..na parang bintana. xD

"Siguro pangalan nya, BEBANG! O kaya ISAW no? Kaya di mo masabi. Hahaha" sige na mainis ka na. Nakatingin lang sya sa labas. Wa-epek pa din.

"Haaaaay.. oh sige na nga, kung ayaw mong sabihin-" di ko naituloy yung sasabihin ko dahil nagsalita bigla si Gael.

"Stephanie.." mahina nyang sinabi. Parang binulong lang nya sa hangin yung pangalan ko.

"Oh bakit?" sagot ko. grabe ha, bigla akong kinilabutan nung tinawag nya ko. AWKWAAAAAAARD.

"Yun yung pangalan nya" mahinahog pagkakasabi nya ulit habang nakatingin sa paa nya.

"Ahh. Stephanie. Maganda naman pa-- HA!!?!!" napatayo ako sa pagkaka-upo.

"STEPHANIE??!!!?! AS IN STEPHANIE STEPHANIE?!!!??" sabi ko habang nakaturo sa sarili ko. Hindi pwedeng mangyare yun. Napatakip ako ng mukha sa sobrang... gulat?

"Heh-" narinig kong tumawa ng konti si Gael kaya inalis ko na yung kamay ko sa mukha ko. Nakatingin si Gael sa 'kin.. sa mukha.. pababa.. hanggang sa may paa. Tapos binalik nya ulit yung tingin nya sa mukha ko habang nakangiti ng nakaka-bwiset.

The Devil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon