Chapt.30 *OA (Outdoor Activities)*

13.7K 150 10
                                    

 

Stephanie menecess POV

 

 

"Oh, ang aga mo ata nagising?" tanong ni mama pagkapunta ko ng kusina. Nagtitimpla sya ng kape.

"Ngayon kasi ma yung outdoor activities namin." sagot ko habang nakapikit. Inaantok pa ako eh. Lunes na lunes aga magising. (=_____=)

Nung friday sinabi sa min na monday daw yung OA namin. Kailangan 5:00 andun na sa school kung ayaw maiwanan ng bus. Hay. Four days and three nights kami dun. More on physical fitness sya, parang camping nga lang actually eh. Pero okay lang. Haha.

"Wala pa si Freya?" tanong ko.

"Bakit? May usapan ba kayo?" tanong ni mama pagkaupo nya dun sa sala. Hindi ko na lang sya sinagot.

Nagtatampo kasi sya sa kin. Sabi nya...hindi ko daw sya pinagkakatiwalaan. Nagresign na ako dun sa bar kung saan ako kumakanta. Kinausap ko si manager na wag na muna nyang sabihin kay Freya kasi baka magwala sya at mapatay nya ako ng wala sa oras. Pumayag naman si manager at ibinigay na yung sweldo ko. Sabi nya balik daw ako kung kalian ko gusto.

"Nagkatampuhan kayo no?" nagulat ako sa tanong ni mama.

"Hindi kasi sya pumunta nung sabado, kahit nung linggo, hindi sya pumunta. Ano bang nangyare?" inexplain ko kay mama. Tumatango tango lang sya.

The Devil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon