Chapt31 *WAT DA?!*

13.1K 128 7
                                    

Pagkadating namin dun sa lugar, agad kaming pinapila. Mukhang malawak na farm pero walang nakatanim. May malaking bahay na blue and white lang ang kulay. Tapos yung gate na pinasukan namin kanina, siguro sampung tao ang taas plus sampu pa. Haha. Di na nakakapagtaka, kasi ang nagmamay-ari neto ay si...

"Welcome to our rest house." napatingin kami sa nagsalita, si ate Sharee. May kasama syang lalakeng gwapo, asawa nya siguro. Holding hands sila eh.

"Hello miss President." bati namin sabay bow.

"Please enjoy your stay and make your self at home. Goodluck." nakangiting umalis si ate Sharee. Ang ganda nya talaga kahit malayo.

May biglang lumabas na men in black na may bitbit na mahabang lamesa. Nakatakip yung puting tela sa taas. Ano kaya yun?

"Okay. Last week nung iannounce namin na ngayon ang OA nyo, may binigyan kaming paper na may key and number. " biglang nagkaroon ng ingay. Kinuha ko yung papel sa bulsa ko. May number 13 sa taas kasama yung pangalan ko.

"Yung number sa taas, yun yung room number nyo. Each group will have 5-6 members. And yung nakakuha nung papel, sya yung leader sa group." HA? Leader? Ibig sabihin, ako yung magiging leader ng group 13? *lunok laway* Ewan ko, pero bigla akong kinabahan. Diba malas ang number 13?

"To start things up, meron kaming activity. Three sections, listen up." biglang inalis yung nakatakip sa lamesa. Puro susi. Marameng maraming susi.

"Yung may mga papel na may kasamang susi, puntahan nyo ako kapag nag-start na 'to. Okay?" nag-thumbs up sya.

The Devil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon